I've been skipping my classes recently not just because tinatamad ako but because i feel so uncomfortable kapag nasa school ko. I feel so alone. Parang walang gustong makipag-usap or sumama sa akin. I have few friends tho, pero napunta sila sa ibang block. Pakiramdam ko mag-isa lang ako sa buhay. Sabihin niyo nang oa ako pero ito talaga yung nararamdaman ko. Tuwing papasok ako sa school halos maiyak ako kasi naiisip ko na wala nanaman akong kasama. Kailangan ko nanaman makasurvive ngayong araw ng mag-isa.
Isa pang rason kung bakit ayaw kong pumasok ay dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag tinawag ako wala akong maisagot. Natatakot ako na baka mapahiya ako. Takot akong magrecite. Ayaw ko din ng eye contacts sa ibang tao kasi ang awkward. Baka kasi isipin ng iba tinititigan ko sila or may iniisip ako tungkol sa kanila. Hindi rin ako komportable kapag kasama ko yung mga kaklase ko kapag gagawa na ng plates sa ibang subjects. Pakiramdam ko kasi ang pangit ng gawa ko. Parang walang kwenta yung drawing ko. Hiyang hiya ako kapag may nanonood sa akin magdrawing. Baka kasi iniisip nya na bakit pa ako nag-arki, eh wala naman akong kwenta magdrawing. I also hate meeting new people. Parang obligado akong kausapin yung tao, eh hindi ko naman alam sasabihin ko. Nahihiya ako kasi wala akong masabi. Baka isipin nya ayaw ko syang maging kaibigan. Yes, i am an awkward person. Hindi ko kaya makipagsocialize. Hindi ko kaya magstay sa crowd. Pakiramdam ko mamamatay ako sa kahihiyan. Minsan naman pakiramdam ko wala akong kwentang tao. Wala akong silbi. Pakiramdam ko ako na yung pinakatanga at pinakabobo sa lahat.
Takot na takot ako sa sasabihin ng iba tungkol sa akin. Parang kailangan ko magsorry sa lahat kasi ganito ako. Normal pa ba 'to? Kailangan ko na ba ng tulong? Shinare ko 'to sa inyo kasi di ko kayang sabihin sa mga magulang ko. Baka kasi madisappoint sila sa akin. Kaya please wag nyo akong husgahan na napakaarte ko o kung ano pa man kasi hindi nyo alam kung ano talagang nararamdaman ko.
random introvert
2012
College of Architecture
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles