Akala ng marami pag yung bestfriend mo yung naging other half mo, yung one and only, yung before anyone else mo magiging kayo na talaga habang buhay. Akala ko din yun e'. Akala ko ma tama yung decisyon ko na subukan na maging tayo kasi bestfriend mo siya e' kilala ka na niya mula uli hanggang paa. Hindi pala lahat ng pagkakataon ganun :c
A week before lumabas yung ustet result nag kipag hiwalay ka saakin. Grabe sobrang sakit nun. Bukod sa nawalan ako ng other half ng one and only at ng before anyone else nawalan din ako ng bestfriend. Kasi sabi mo saakin mas namimiss mo yung friendship natin kesa yung ano tayo ngayon. Sinabi mo din na dahil strict yung parents ko at ayaw mo na lahat ginagawa natin ng patago at gusto mo ng legal kaya mo ko hiniwalayan. Ang dami mong dinahilan saakin pero tinanggap ko na halos lahat pag kakamali ko. A day after the break up nag ka closure tayo. Sabi mo na ayaw mo ko mawala sa buhay mo kaya kung pwede sana best friends nalang ulit. Sa sobrang sakit na naramdaman ko at sa sobrang katangahan ko na din tinanggap ko. Ayokong itapos yung 1 year and 11 months na nakasama kita at yung halos 4 years of friendship natin. Ikaw lang kasi yung lalaki ng nakasundo ko sa dami ng tao sa school natin.
Dumating yung january 28 labasan ng ustet result. Sobrang kinakabahan ako kasi gusto ko talaga pumasok sa UST kasi sobrang dream school ko eh. Buong father side ko ust graduates habang buong mother side ko UP graduates. (Da pressure is real mhen) since hindi ako na qualify sa UP. UST na talaga pag asa ko. Pagka bukas ko. Bang! Wait list sa AMV college of accountancy! Siguro yung iba masaya kasi kahit papaano wait listed pero ako nalungkot ako. Sobrang nag over think kasi ako. Paano pag hindi ako nakuha? Paano pag di ako umabot? Itatakwil ako ng parents ko. (Literal) kasi nagiisa na nga lang ako anak nila. Hindi pa nakapasa ng kahit na isang alma mater nila. At dahil pumayag ako na kahit hanggang mag best friends nalang tayo at sobrang kinailangan ko ng best friend nun tumawag ako.
""Hello? Wait lang ha busy kasi ako eh""
""L huy wait listed ako sa ust (cries)""
""Okay lang yan ust lang yan tatanggapin ka pa din ng parents mo. Oy ha sige na busy ako ulit bye!""Lalo akong nasaktan. AT NAGALIT. ALAM MO KUNG GAANO KO KAMAHAL YUNG UST AT KUNG GAANO KA HALAGA NA MAKAPASOK AKO TAPOS SASBIHIN MO UST LANG YAN??? Anong klase ka best friend??
Kinausap ko si Renard (chilhood friend and kapit bahay ni L) after kong iyakan yung ustet result ko. After ko mag buhos ng sama ng loob sakanya may sinabi siya saakin. 'Alam ko hindi eto yung tamang oras pero di ko na kayang itago e'
Si L nakikipag kita sa ex niya. 5 months na.Nanlumo nalang ako. Halos isang linggo ako umiiyak sa tulog ko dahil sinisi ko sarili ko na dahil saakin di tayo nag workout. Tapos gumawa ka ka lang pala ng dahilan para mag kasama kayo ulit ng ex mo. Sana sinabi mo nalang saakin ng deretso na ayaw mo saakin. Hindi mo kailangan isampal sa pagmumukha ko na hindi ako sapat para sayo kaya naghanap ka ng iba.
2 months kita hindi pinansin. Hanggang sa tumawag ka saakin
""Huy bakit bigla ka nalang hindi namansin""
""P*TANG INA MO BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SAAKIN? 5 MONTHS NA PALA BAKIT HINDI MO MAN LANG AKO SINABIHAN. HINDI MO BA ALAM NA ILANG ARAW AKONG UMIIYAK SA TULOG KO KASI SINISISI KO SARILI KO SA NANGYARI SAATIN TAPOS ANG DAMI MONG DAHILAN NA BINIGAY SAAKIN PERO DUWAG KA! DUWAG KANG SABIHIN YUNG TOTOO. Sana nagamit ko yung 5 months para maka move on sayo!Tapos umiyak ka. Unang beses lang kita marinig na umiyak. At alam ko yan ang pinaka unang mong beses na umiyak dahil sa babae. Sinasabi mo saakin na natakot ka na baka masaktan ako? Bakit pag hindi mo ba sinabi hindi pa din ba ako masasaktan? Ayoko na. Napagod na ako. Sinabi ko na ayaw ko na ng kahit na anong connection sayo tapos sinabi mo na ayaw mo akong mawala sa buhay mo? Na wag kong itapon yung pinagsamahan natin? Tanong ko sayo. Sino ba ang unang nag tapon diba ikaw? Tapos sasabihin mo saakin na kailangan mo ko? Na hindi mo kaya na mawala ako sa buhay mo? Sana naisip mo lahat to bago mo ginawa tong kalokohan mo.
Isang malaking privelage na ako ang unang babae na iniyakan mo. Pero hindi isang privelage ang masama sa listahan mo ng ""mga babae na nasaktan ko""
Don't worry hindi to sad ending. Accepted wait lister ate niyo at i can't wait to start fresh at UST. Dahil feeling ko yung taong nakalaan saakin dito ko na makikilala.
Meredith
2019
AMV College of Accountancy
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles