Good Bye

1.6K 13 1
                                    

Nakakatuwang isipin ang mga masasayang bagay na nangyari at ginawa ko para sayo. Di ko akalain na magagawa ko yon para sa isang tao lalo na ang tawag nila sakin ay ""tamad at walang effort at walang pakielam sa iba"" parang napa mindfuck nalang ako. Kaya ko pala gawin?

Yung babyahe ako ng tatlong oras para lang makita ka kahit isang oras or kakain tayo ng dinner at susunduin sa school at ihahatid kita sa inyo. Tapos uuwi na ako kasi bawal ka gabihin.

Yung icclose ko lahat ng kamag anak mo. Mahiyain kaya ako. Pero kailangan para naman lagi ka payagan pag aalis tayo! At nakakatuwa lagi ka na nga nila pinapayagan pag ako kasama mo.

Pupunta ako jan para lang dalhan ka ng pagkain mo! Ng paborito mong donat na may butas! Haha. Kahit ano basta may butas. Ang kuripot ko. Minsan di na ako gumagala para lang pagmagkikita tayo may donat akong dala.

Yung susunduin kita sa inyo 3hrs na byahe tapos pupunta tayo sa mall na 1hr byahe tapos ihahatid ulit kita. Saka ako uuwi. Haha! Parang inikot ko lang ang buong mundo.

Yung hinintay ko kayo matapos mag date ng jowa mo para lang ihatid kita sa inyo kasi gabi na at pinagpaalam mo sa tita at lola mo na ako kasama mo.

Yung magkasama tayo tapos nakikinig ako sa usapan nyo sa phone. Kung gaano kasweet. Minsan nababasa ko din paano kayo mag away. Minsan nakikita din kita umiiyak.

Yung tiniis ko yung konting pagmamahal na nabibigay mo sakin. Yung mga bagay na sinasabi mo kagaya ng ""hindi ko maimagine sarili ko na wala siya"" lagi mo sakin sinasabe yun! Ayaw ko naman maging kabit e. Pero para sayo kinaya ko. Pero okay lang, ginusto ko naman magstay sa tabi mo ng isang taon e.

Yung nanjan pa din ako nung nagdesisyon ka na makipagpabalikan sa kanya kahit alam mong mahal na mahal na kita non.

Hindi ko naman sinusumbat, hindi lang talaga ako makapaniwala kung ano ang nagagawa ng ""love"". Wala ngang nakakaalam ng mga ginagawa ko sayo e. Baka hindi rin sila maniwala. Kasi hindi naman talaga ako ganon. Alam mo yon, nakaplano na lahat e. Iniisip ko pagkagraduate ko makakabili na ako ng sasakyan para masmadali na mapuntahan ka. Sa debut mo ako lahat mag aayos, kasi may trabaho na ako. May pera na ako. Dadalhin kita sa iba't ibang lugar. Kasi papayagan ka naman pag ako kasama mo e. Tapos pagkagraduate mo ipapasok kita sa business namin, kasi pwede ka don e. Para di ka na mahirapan maghanap. Tapos nagaapply ako ng trabaho malapit sayo para pwede na kita puntahan agad. Hindi yung 3 hrs pa ako babyahe. Nakakatawa lang kasi bakit ko plinano yon? Hindi ka nga pala sakin.

Sinasabi mo na masaya ka pagkasama ako, at gusto mo ako mahalin. Pero hindi pwede kasi takot ka sa mga bagay na pwedeng mangyari. Ilang pagkakataon na pwede mo na akong piliin kasi lagi naman tayo nahuhuli pero bakit hindi ako? Bakit hindi naging ako. Lagi ko iniisip yan. Sa wakas nag desisyon na tayo na tapusin lahat. Nakikita ko kayo, ang saya nyo. Mukang hindi na kayo nag aaway. Ako lang talaga nakakagulo. Alam ko naman na nasa mabuting kalagayan ka e. Mahal na mahal ka din naman nya. Sobra sobra din. Dati kasi hindi ako makaalis kasi akala ko masmasaya ka sakin. Alam ko na masmapapasaya kita. Pero naisip ko, baka ako lang din nagiisip non.

Isang buwan na. Pero ganun pa din kasakit. Namimiss pa din kita, yung pagmumura mo sakin, panglalait, pananapak. Namimiss ko na yon. Pero i have to move on with my life. Sinusubukan ko naman e, pero bumabalik talaga ako sayo.

Ngayon, may trabaho na ako. Pero malayo sayo. Hindi ko na din kailangan magipon para sa sasakyan kasi masmura naman mamasahe. Haha. Para sa sarili ko nalang yung sweldo ko. Nakakatawa lang isipin na laging may ""ikaw"" sa mga plano ko sa buhay. Pero never naman naging tayo.

Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Nakalimutan ko na sarili ko. Hindi ko alam paano tapusin itong lintik na kahibangan na ito kasi kahit anong gawin ko hindi ako mapagod pagod. Pero kailangan. Sana maging masaya ka lagi smile emoticon

Good bye.

Juan
2010
Secret


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon