Habilin

10K 176 14
                                    

HOY! IKAW! Sana alam mo ang mga bagay na ito:

1.) Moody siya, wag ka magugulat kung magagalit nalang siya bigla sayo. Wag ka aalis sa tabi nya, hayaan mo ibuhos nya lahat ng galit nya sayo. Mga panlalait, mura. Hindi naman kasi totoo yon. Mawawala din inis nya! Hindi sayo, kung hindi sa mundo. 
2.) Minsan makakalimutan ka nya replyan kasi busy siya. Maiksi reply, or hindi magrereply at all. Pero wag ka mag-alala di siya humahanap ng iba. Focused lang talaga siya sa ginagawa nya.
3.) Pagkakain kayo, siya tanungin mo kung san nya gusto. Maselan kasi siya sa pagkain e. Ayaw nya ng cheese, mayonnaise etc. Ayaw mo non? Tipid. Hindi kayo mag ppizza or burger. Mcdo o Jollibee sapat na. Pag sa macdo, chicken fillet with rice saka pineapple with regular fries ayaw nya pala ng gravy ibibigay nya sayo yun di mo na kailagan ng extra gravy. Pag sa Jollibee naman, chicken with spaghetti lang sapat na! itatapon nya yung cheese at hotdog sa sahig kaya kunin mo nalang. Kaysa magkalat pa siya.
4.) Napaka tamad nyang tao, ayaw nya umaalis ng bahay. Kaya puntahan mo nalang siya sa kanila. Dalhan mo pagkain ah! Donat o master siomai sapat na, dagdagan mo na din ng gulaman! Diba tipid.
5.) Kadalasan napaka corny nya magjoke. Tumawa ka! Pwede naman na hindi ka tumawa pero kukulitin ka nya tumawa. Kaya tumawa ka nalang!
6.) Mahilig siya manakit, sasapakin ka nya lagi sa braso. Minsan magkakapasa ka pa. GUMANTI KA! Okay lang sa kanya yun. Kurutin mo sa tyan! Tingnan mo titigil yan.
7.) Mahilig din siya mang-inis. SOBRANG PANG IINIS! Pero wag mo papahalata na pikon ka na. tatawanan ka lang nya ng sobra at lalo ka pang-iinisin.
8.) Pagmalungkot siya, kulitin mo lang siya ng kulitin! Sasabihin nya din ano problema.
9.) Tamad siya maligo. Aalis kayo di siya maliligo, pero hayaan mo na mabango pa din naman siya e.
10.) Napaka kuripot nyan! Ililibre ka nyan with 5php na manok at 10php na buko! Okay na yun! Masarap naman! Magkakahepatitis ka nga lang. 
11.) Pagmanonood kayo, wag ka magulo! Di ka nya papansinin at maiinis siya sayo. FOCUSED KASI SIYA MANUOD. 
12.) Pagkumanta siya, sabayan mo! Gusto nya yon. Kahit pangit pa boses mo. Pag di mo alam ang kanta alamin mo! Para sa susunod duet na kayo.
13.) Siya malakas siya kumain, kung pwede lang ibigay mo na din pagkain mo. HAHA! 
14.) Antukin siya, pag antok na siya isandal mo siya sa balikat mo. Makakatulog siya non! Minsan makakatulugan ka nalang nya kahit nag-uusap pa kayo. Wag ka magagalit! Ang gawin mo pagmasdan mo nalang siya matulog.
15.) Pag gagabihin kayo, ihatid mo siya! Papagalitan kasi siya ng lola nya at tita nya e.
16.) Mahilig siya magkwento about sa mga kaibigan nya, or sa mga tao. Minsan pati paglalaro ng table tennis ikkwento nya sayo. Makinig ka lang, kahit tinatamad ka na sa kwneto nya wag mo papahalata. BAKA MAGTAMPO!

She’s complicated but she’s worth it. Minsan iisipin mo hindi nya na-aappreciate mga ginagawa mo hindi yun totoo! Di lang talaga siya showy. Bakit ko alam? Hindi nya ako ex or special someone. I just know. Wag mo siya susukuan kasi feeling nya lahat ng tao sinukuan na siya at iiwan siya. Wag. Don’t make her feel alone. Masayahin siya pero sa totoo lang she’s a very lonely girl. Gawin mo lahat ng magpapasaya sa kanya. Please. Hindi ko na kasi pwedeng gawin yun e. Sumuko na kasi ako sa kanya kasi kailangan at yun ang tama. Kasi anjan ka. Hindi ko naman siya inaagaw sayo, pero kung pwede lang. Pero alam ko malulungkot siya pag nawala ka, kaya wag nalang. Kasayahan nya lang naman gusto ko.

KabitAko 
2010 
Faculty of Engineering

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon