Thomasian Crush Na May Braces

3.2K 26 0
                                    

I knew about her from my bestfriend na na-meet ko here in Alaska. Barkada sila, college sa AMV. Sobrang crush ko na sya non, mej mga 2 years ko na syang crush. Hanggang tingin lang ako. Ang ganda kasi tapos Thomasian (may something talaga ako sa Thomasian na may braces). Di nya ako kilala, stalker lang ako. Lahat, from FB, IG pati Tumblr nya nastalk ko na. May jowa sya non. Kaya ako abangers lang, ako din meron that time. Nakailang uwi na ako ng pinas, napupunta ako sa condo ni bespren sa UST, but I never get the chance to meet her until one time nagsabay kami umuwi ni bespren sa pinas. so sabi ko ipush na,ipakilala na sakin. Gusto ko lang mameet, pero I swear di ako umaasa magiging kami. Haha So this was last March 26,2014. Sa project pie shaw blvd, nag treat si bespren para na din get together ng barkada nya, so pumunta ako, pupunta daw si crush, ksama ko pa si ex ko non. (Wala naman malisya kasi crush lang) nauna kami dumating. Tapos dumating na ung group nila, sobrang kinabahan ako kasi bukod sa crush ko nga, sobrang ganda nya. So ayun na pinakilala na ako ni bespren sa lahat ng friends nya, tas lahat sila shinake hands ko para mashake hands ko si crush. Haha! (Oo malandi ako! Sorry na ) Pag shake hand ko kay crush, I put my hand inside my pocket para i-preserve yung touch of hand nya. Hahaha

Fast forward
Me and my ex broke up last June 2014 (5 year LDR. No 3rd party.) Di pa ko ready makipag relationship ulit, but I was talking to some people na din. Nakachat ko ung ex ni crush, and yes nagbreak din sila. Naging close kami.(di ko cinlose to make lakad to my crush, kasi nag gigitara din sya so we're both musically inclined) Tapos jinojoke ko sya na maganda ung ex nya, na crush ko and all. Jinoke ko pa nga tinawag ko na 'ung bebe natin' (si crush) hahaha tapos sabi nya i-message ko daw, dahil torpe nga ako, sabi ko ayaw ko d naman nya ako kilala personally, sabi nya itetext daw nya para kausapin ako. So tinext nga nya, minessage ko na si crush. July 31st 2014, I said 'Hi 😅' tapos yun nag usap na kami. Then naging close naman kami. First week palang yata in love na kami with each other. Dito ko nafeel yung legit 'di na makatulog,di na makakain' kasi iba ang time differences namin and sobrang adik with each other. Facetime kami everyday. Nagustuhan ko personality nya as in tawa lang kami ng tawa, akala ko kasi masungit sya. Tapos sobrang kalog pala, matalino tapos pure hearted, ang daming moments na nakatitig lang ako sakanya tapos nakasmile lang ako kasi sobrang ganda. She's really an amazing girl. Buong week non bangag lang ako parang cloud 9. Sobrang saya. Nagkwento na sya about her life, dami nya napagdaanan, from that moment I told myself na walang ibang deserve 'tong taong to kundi maging masaya. Yun lang yung goal ko lagi, yung masaya sya kasi pg masaya sya mas masaya ako. Then I sent her flowers and chocolates sa office, at dahil sobrang crush ko sya. Tinodo ko na. Nilinggo linggo ko. Before ako umuwi, from aug to sept nag-send ako sa office nya every week ng mga gifts like flowers at mga makakabusog sa officemates. Haha! As in weekly yun. Yung officemates nya ung nag aabang na ng next gift. Haha One week palang kami nag uusap nagpbook na ako ng ticket pra makauwi ng Pinas. Hehe Then, naging MU na kami. Sobrang pinagdadasal ko sya, na sana mag tuloy tuloy kung anong meron kami. And God never fail me. She told me naman na day 1 plang she liked talking to me na. Parang hinihintay nalang na magkita kami to be official. September 20,2014 nagkita kami. NAGING KAMI NA OFFICIALLY. Sabi ko pa after maging official kami, 'di pa din ako makapaniwala' I felt so kabado. Then she kissed me. Then after magkiss, she asked me 'ano naniniwala ka na?' I said 'Oo okay na' Hahaha! Ang saya ko lang kasi dati hanggang tingin lang ako, tas ngayon girlfriend ko na sya

Last march 2015 umuwi ako ulit, nagdate kami ulit sa project pie nung march 26, year 2015 naman. Tapos jinojoke ko sya na prang nakikipagkilala ulit. Tandang tanda ko pa every bit nung nameet ko sya. Kinikilig pa din ako. Nagkasundo kami na magdate don every March 26 I proposed to her last April 11,2015 sa Tagaytay, I made harana to her and may fireworks. Try to listen the song Fine by me by Andy Grammer, yan yung proposal song ko. She said yes, and now inaayos na namin yung petition to get married here in states kasi legal dito ung same sex. hirap na hirap ako sa proposal na to. Bilang torpe nga ako. pero sobrang smooth ng nangyari, well planned naman.

With her ko narealize na pag pala dumating na yung right person for you maffeel mo talaga sya as in parang may magic, nagclick lang kayo tapos yun na. Kahit bagong magkakilala lang kayo once you felt it, ayaw mo na syang pakawalan. Ang bilis ng lahat samin pero sobrang alam namin na kami na talaga. Honestly dati ayaw ko ng kasal, kasi ayaw ko yung feeling na matatali, but when I met her, no doubt, gusto ko nang ikasal agad agad basta sya at sya lang rin ang papakasalan. Pag napagkkwentuhan namin how we started kinikilig pa din kami.

I'm a frustrated Thomasian. Idk what's with UST pero sobrang special nya sakin. Di ako thomasian but my fiancée is, so okay na ko dun

To my Thomasian crush na may braces,
Like what I always say. Makita lang kita kinikilig na ako. Kahit tayo na at mapapangasawa na kita, everytime I stare at you naccrush pa din kita and I keep on asking myself what did I do to be blessed like this. Pangarap lang kita noon, ngayon reality na. I honestly couldn't ask for more. I already found what I've been looking, waiting and praying for and I'm never letting you go. Lagi mo sinasabi you love my smile, but you never knew you were the reason in my every smile. I don't wanna make no promises pero gagawin ko lang yung goal ko na pasayahin, pakiligin at alagaan ka, palagi yun. I love you my forever crush.

And to everyone who's reading this, wag kayo mawalan ng pag asa sa crush nyo. Haha

Alaskan
2012
AMV College of Accountancy


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon