Confused as F

3.2K 21 0
                                    

This vacation I'm my usual self na happy happy lang. Basa, sulat, marathon ng mga series, kain, tulog yung routine ko sa araw-araw. I like to spend my break as relaxing as possible because sa pasukan hello stress na naman ako since incoming 3rd year na ako at kapag 3rd year med tech daw sobrang toxic daw hehe 

So last week habang habang nang-iistalk ako ng mga tao sa twitter nakita ko yung update nung isa kong batchmate saying na nag-aaral na sya for this and for that. I let it pass na lang since GC yung batchmate ko na yun kaya wala namang bago dun. Then I did some more stalking sa iba kong blockmates and discovered na they were reviewing na for NMAT!! I was alarmed kasi as far as I know sa 4th year pa yun itetake.

Then parang naging uneasy ako bigla. Parang naisip ko na dapat na rin ba akong magreview? Sobrang wasted ba ng vacation ko sa mga pinaggagagawa ko? Magte-take pa ba ko ng NMAT or hindi na since wala ng certainty na mag-memed ako? Mag-aaral na din ba ko since baka ako na lang yung walang alam pagdating ng pasukan?

Yung feeling na parang may kumatok sa pinto ng CR nyo habang nagcoconcentrate kang magpoops. O yung feeling na kakatulog mo pa lang pero parang five minutes pa lang nakakalipas ginigising ka na agad ng nanay mo. Pakiramdam ko nakatingin na sa akin yung future ko at sinabi nya na, ""Ano na beh? Med or work?""
Kasi as of now pag may nagtanong sa akin ng ganyan ngayon, walang wala akong maisasagot sa kanya. Akala ko nung highschool na after kong mag pre-med diretso med na ko haha. Pero may mas malaking mundo na pala nag-aabang sa akin after ng graduation. Hehe ready na ba ko mag-work kasi suntok sa buwan na may pang-tustos pa ko para sa Med school. Yep maraming mgsasabi na may scholarships out there pero what if di umepekto? Ano na nga bang backup plans ko if ever di na ko magiging doktor? Ang hirap pala kapag mula pagkabata mo pa pangarap ang isang bagay. Naging sobrang focused ka dun at nakalimutan mo nang tumingin for other options.

Sorry ah. Nag-ooverthink na naman ako hehe Nang dahil sa mga twitter updates biglang napunp yung utak ko ng napakaraming tanong.

Pero sabi nga sa GoT ""The night is dark and full of terrors, but the fire burns them all away"". Whatever happens in the future alam kong gagabayan ako ni Lord sa lahat ng magiging decisions ko. Kailangan ko lang magtiwala sa sarili ko smile emoticon

Thank you for reading my thoughts hehe

Jon Snow
20--
Wherever


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon