MUNTIK NA MAKULONG!

23.8K 764 161
                                    

Dati may alaga akong itik. Yung baby duck na nabibili sa mga naglalako na may kasamang mga iba ibang kulay na sisiw. Anyway. Sobrang minahal ko yung pet kong si baby duck. Long story short, one day namatay siya. Sobrang heartbroken ko lang. Ayoko naman siyang itapon sa basurahan ng wala lang kaya yung ginawa ko, nilagay ko siya sa kahon tapos ginawan ko siya ng poem about saying goodbye. Tas kinantahan ko pa siya ng "You'll be in my heart" (yung sa Tarzan movie). Tapos ang problema ko, di ko alam kung saan ko siya ililibing. Naalala ko yung dating bahay namin na malapit sa bahay namin ngayon may backyard. Alam ko friends naman mama ko chaka yung nakatira na dun ngayon so dun ko nalang naisipan ilibing.

Pumunta ako dun, tas nagpaalam ako na may ihuhukay lang ako sa backyard nila. Pumayag naman sila. Everyday afterschool, bibili ako ng plotted plant na maliit na pang patay tas pupunta ako sa backyard ng dati naming bahay para iwanan kay dead ducky. Mga one week akong ganun. Araw araw, flowers na pang patay. Nagiba tingin sakin nung may ari ng bahay. Nagulat nalang ako one day biglang dinumog ng baranggay yung bahay ko. Apparently nagsumbong yung may ari ng dati naming bahay. Akala nila maaga akong nabuntis tas nilalaglag ko yung bata tas dun ko nilibing. (Galing nila magisip ng drama story. Di ko kinaya) Ayun, dinala ako dun sa backyard tas nung hinukay nila itik lang naman po na patay ang nakita nila. Muntik na nilang tawagan yung SOCO. Medj naloka ako sa mga ganap.

Ang moral ng story po ay: Wag ma-attach. Mapapahamak ka.

Daisy Duck
2010 
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon