Hi Ma, konting push na lang magpapakamatay na ko...
Alam kong walang nangyayari sa buhay ko ngayon, di ako nakapasok sa med and yun gutso mo but not me. Sa ngayon di ko alam san pupunta, lost na lost ako pero ang dami mong pinapagawa sakin na kumuha ng ganitong courses, apply dito apply dun, pero sa ginagawa mo mas nalilito ako. May plano ako para sa buhay ko, pero ayaw mo naman, gusto mong gawin ko ay yung gusto mo.
lagi kang tumatawag, pero puro degrading words lang, bumababa lang tingin ko sa sarili ko. Feel ko napaka-walang kwenta tao ko, feel ko wala akong kayang gawin. Naiinitindihan ko na gusto mo gumanda buhay ko, buhay natin, pero na dedepress na ko ma, di ko na kaya, 21 pa lang ako pero sumusuko na ko. Pag pinauwi mo ko, mas walang mangyayari sa buhay ko.
Dami mong binitiwan na masasakit na salita, di ako robot ma, di lang ikaw may emotions, ako din. Ang sakit na kinahiya mo ko dahil sa course ko (you said so yourself), di ka masaya na graduate na ko, ayaw mo ngang tingnan yung grad photo ko eh, kala ko mag salu-salo tayo after graduation, magisa lang pala akong kakain ng fastfood sa kotse.
Eto ako, sa depression sa weight ko na 51kg, naging 45 kg. Dumadalas na din pag iyak ko at pagisip na magpakamatay, gustong gusto ko saktan sarili ko, naiintindihan ko na mannerisms ng mga baliw, feel ko nababaliw na ko. Gusto kong parusahan sarili ko.
Lagi kang galit bakit masyadong importante friends ko, yun ay dahil sila nagbibigay lakas sakin, ngayong busy na sila at magisa ako ngayon, natatakot ako ng sobra sobra...
Sana mabasa mo to, pero alam kong hindi, labs ko pa rin naman kayo at thankful ako sa lahat ng mga binigay mo, dahil sa unconditional love nagagawa mo to, pero sana mainitindihan mo din ako, iba talaga generation niyo dati sa ngayon, survival of the fittest na ngayon at ang daming norms and standards ang society na ang hirap gampanan kaya mas nakaka-pressure. I just have this feeling na if I go beyond this norms and standards mas ikakahiya mo ko, dahil ngayon pa lang kinakakahiya mo na ko.
if there's someone out there who wants to help me fight this depression, please do, I just need a friend...
little miss gehenna
2010
College of Science
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles