Kaninang hapon sa may AB Pav, nakipagmeet ako sa isang AB guy from UST Book Market to buy his PGC textbook. So yeah, bago ko siya mineet, inistalk ko na yung fb profile niya for me to know his face pagnagmeet kami. Judging from his profile pictures, average looking siya, di panget, di rin naman kapogian.
So yun mga 15 minutes late siya sa meeting. I must say na may itsura siya in-person. Sabihin na nating may pagkapogi.
P300 yung price ng book. Kinalkal ko wallet ko, at ang malaking problema ay P100 lang pala ang pera ko. Napangiti na lang ako kay kuya na nahihiya. Siya din ay nakangiti pero kakaibang ngiti. Parang ngiti ng natutuwa sayo.
Nagsorry ako kay kuya ng ilang beses. Gumawa siya ng deal. Sabi niya, "Ganito na lang. Bigay ko na sayo yung libro ng P100. Pero ililibre mo ko bukas ng lunch worth P200. Deal?"
Pumayag ako. At maybe pumayag ako sa isang date, which is fine with me kase I really think he's cute. Excited na ko bukas. :>
Jessy
2013
FACULTY OF ARTS AND LETTERS
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles