I've been so loyal and faithful when it comes to relationship. I'm the kind of girl nowadays na malandi yung mata. (Yung mahilig mag-pogi haunting. Sorry sa term lol haha 😂✌) Pero hanggang tingin lang. Hanggang dun lang. syempre, loyal ako eh.
Me and my boyfriend were in a long distance relationship since April. Nasa Manila ako, nasa Pampanga siya. I gave him everything. Attention, time, love and efforts. Kahit may nagdidiscuss na professor sa harap ko, once na magtext siya sakin rereplyan ko kaagad siya. Kahit na inaantok na ko, I still wait for him to text me na nakauwi na siya. Minsan kahit may gagawin ako, inuuna ko muna yung tawag niya para lang kamustahin siya. Yun lang kasi ang kaya kong gawin habang wala siya sa tabi ko. Habang wala siya sakin. Para maramdaman niya ako, at para hindi ako magkulang sakanya.
Until one day, nagising ako na he's getting cold na. Second week palang ng classes nun. Kinabahan ako. Kinabahan ako na baka may iba nang nagpapasaya sakanya. Na baka may nakita na siyang iba dun sa colleges nila. Napaka-unsual. Nawala na yung sweetness, yung care at effort. When I asked him na "Baby, bakit ba ang cold mo? Anong problema? Kung ganyan ka ng ganyan magbreak na lang tayo." nagalit na ko. Sobrang inis. But I was shocked with his reply, "If that's what you want. Edi sige."
I can't believe it. Nagulat ako. Tinry ko na makipagbalikan pero ayaw na niya, the last text I got from him was "Ayaw ko na. Hindi na kita mahal. Pagod na ako sayo. I fell inlove with someone else." Sobrang sakit. Sobra! Still, tinry ko padin. Mukha na akong tanga at desperada but idc. I want him. I want him back.
I cried for several weeks. Ilang araw din akong iyak ng iyak everytime na maaalala ko siya. I can't believe it. Nasakal siya sakin, but actually nag aalala lang ako sakanya. Gusto ko lang na maging updated sakanya. Ano bang laban ko sa distance? But he misinterpreted it. Damn.
Several weeks passed by, nagtext siya ulit. "Baby. :(" Nabuhayan ako ng loob. Nagparamdam siya!! Tinawag niya ako sa endearment namin. Naging rude muna ako sakanya. "Ano na naman ba to? You want me to get hurt again?" but he responded "Kung ayaw mo ako kausapin. Okay fine. Sige di na kita guguluhin" Pero ako naman na tanga, naawa sakanya.
Bumalik kami sa dati. May text, tawag, ganun. Parang kami ulit, pero walang label. "Less than lovers, more than friends." Ganun. Umasa na naman ako. Pero after two weeks, nalaman ko na yung "landian" namin, pang-friends lang pala. Oo, friends lang daw kami. Pagkatapos niyang bumalik at manglandi, friends lang daw kami. ANG SAKIT NA NAMAN. ANG SAKIT. Dun ko lang nalaman na nagkabalikan na sila ng ex girlfriend niya last July lang. At akong si tanga at iniwan, wala nang nagawa kung hindi umiyak nalang ulit. Ano bang laban ko dun sa girlfriend niya ngayon? Same place lang sila ng girlfriend niya. Samantalang ako, nasa Manila. As in wtf!
I gave everything, pero I guess hindi padin enough yun para mahalin niya ako. Ang ganda niya. 😭💔 Nakakainis. Nilalamon ako ng insecurities ko. Nagkulang pa rin pala ako, after all those efforts I did.
MP! Sana masaya ka na sakanya. Sana kaya ka niyang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo. Ingatan mo siya ha? Wag mo saktan! Andito lang ako, kapag kelangan mo ko. One text away.
ThatShouldBeMe
201*
Travel Management
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles