Hindi ko po alam kung san ko sisimulan to, kung sa background info ko ba o sa nararamdaman ko.
Ang alam ko pang gulong gulo nako sa mga panahong ito at ang tanging gusto ko lang ay ang matapos na ito. Alam ko wala akong karapatan sa buhay ko, ang Diyos lang ang may karapatan para bawiin ito. Pero Lord, bakit mo pa po ako binubuhay? Di ako nanunumbat, nagtatanong lang po ako dahil di ko na po talaga alam kung para saan pa at ginigisin mo pako kinabukasan.
Nasasaktan po ako. Araw araw lalong lumalalim yung sakit. Araw araw lalo ko pong napapatunayan na wala talaga akong papatunguhan kahit na pilitin kong maging makabuluhan.
Im a fresh graduate from unfamiliar school. Wala parin akong trabaho kahit hanap na ko ng hanap, apply ng apply, lahat nalang nirereject ako. Nakakapagod.
Kahit sa taong mahal ko, na akala ko tatanggap sa pagkatao ko biglang nawawala. Para kang yung weather ngayon ang cold mo.
Sa 4 na naging bf ko sakanya ko lang inamin na raped victim ako. Sabi mo tanggap mo ko. Oo naramdaman ko naman yun nung mga unang bwan natin,pero unti unti kang nagbago hanggang sa ngayon tuluyan ka nang di nagparamdam isang bwan na na wala akong naririnig mula sayo. Sana sinabi mo nalang na ayaw mo na sakin, matatanggap ko naman na di talaga ko worthy. Tinetex kita di ka nagrereply frown emoticon di ako makikipagbreak. Hihintayin kong ikaw ang magsabi nun. Dahil diko kaya. Mas masasaktan ako.To my bf : wag kang mag alala di naman ikaw yung rason kung bat ko gagawin to, masyado na lang talagang masakit yung nangyayare ngayon sa buhay ko. Masyado ng maraming rejections ang natatanggap ko mula pa noon. Sobrang napapagod na ko at gusto ko nang magpahinga. Masakit na masakit na .
Sa mga kaybigan ko di niyo mararamdaman na last day ko na yun. Di ko hahayaan. Papatawanin ko parin kayo, aasarin ko parin kayo, papakinggan ko ang mga drama niyo sa buhay habang sinasamahan ko ng background song.
Ang hirap magpanggap na malakas ka, ang hirap pala na nakita ka ng ibang tao na malakas ka kasi akala nila kaya mo na mag isa. Pero di nila alam durog na durog ka na sa kalooblooban mo yung tipong gumuguho na yung itinatayo mong pundasyon.
Alam niyo bang mahirap maging raped victim, kasi duming dumi ka na sa katawan mo. Tapos di mo pa.masabi sa ibang tao kasi kakaawaan ka nila yung iba huhusgahan ka pa.
Yung sa ex ko na pinagpalit ako sa bestfriend ko tapos malamang di nako virgin,well pag namatay ako magpapakita ko sayo habang nakikipagsex ka sa iba. Makabawi man lang. Di ko sinabi sayo na raped victim ako ang sabiko lang may nangyari samin ng ex ko. Sabi mo kasi tatanggapin mo ko kahit ano pa ko e.
To my currently bf ulit : ILOVEYOU no space no period capslock para dama mo. Akala ko iba ka, akala ko ikaw na. Pero siguro di ka pa nga handa . Iintindihin kita kahit anong mangyari. Iloveyou for the last time. I LOVE YOU. With period kasi ngayon may ending na tayo , with space kasi magiging malaya ka na pero capslock parin para damang dama mo yung feelings ko.
Mama : sorry po, mahal ko po kayo pero diko na po kaya ma. Sorry kung diko sinabi na naraped ako nung 6 palang ako at iniiwan niyo ko kila tito at sa pinsan ko pag wala si tito. Sorry . Iloveyou po. Babantayan kita. Tapos tatakutin ko si papa para maisama ko na siya at wala ka nang maging problema. Iloveyou mama.
Main reason to do this? Im so tired. I just want to rest for the rest of my life. Ayoko na maging pabigat kahit kanino. Ayoko nang umasa kahit kanino. Ayoko ng makaramdam ng sakit. Ayoko na pagod na pagod na ko.
GreatPretender.
2015
CoE
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles