First Love Never Dies

3.9K 24 3
                                    

Nagkakilala kame non mga 5 years ago. Magkasama every weekend, share ng drinks, nagpapalitan ng kwento. Naging sobrang comfortable ako sakanya. Yung pag may nangyaring maganda sa buhay ko o kahit masama man, sya una kong gustong sabihan. First time ko mafeel yon. Yung hinahanap hanap mo yung isang tao. Okay na sana lahat. Biglang may dumating na kapalit ko. Simula non di na nya ko tinitext. Kahit hi man lang pag nag kikita kame, wala. Sobrang sakit. Sobrang umasa ako na babalik pa sya, pero wala. Triny ko mag move on. Sumali ako sa iba't ibang clubs sa school, nag enroll ako sa dance academy, nag train ako for triathlon, pero wala parin. Bago ako matulog at kagising ko sya parin nasa isip ko. Nag give up na ko na mag try kalimutan sya. Sinabi ko sa sarili ko na mawawala rin sya, hayaan ko nalang. True, medjo nawala. Di na kagaya ng dati na kahit ano gawin ko sya naaalala ko. Naging masaya ako sa relationship ko. Masaya kame ni boyfriend#1. Parang kame lang ni First Love. Tumagal kame ng 4 months ni boyfriend#1. 4 months hanggang naka hanap sya ng kapalit ko. Syempre ako babae at may respeto rin kay boyfriend#1, sinunod ko yung 3 months rule. Wala na talaga akong balak mag boyfriend non katapos ni boyfriend#1 kasi ayoko na masaktan. Sinabi ko sa sarili ko na wag muna. Aral muna. Start ng classes non nung minessage ako nung bestfriend ni boyfriend#1. Nangamusta sya and cinomfort nya ko akse alam nya how broken I was. Kala ko tapos na yung usapan namin nung araw na yon. Kinabukas kagising ko may message sya. Nag tatanong lang tungkol sa Physics. Simula non araw araw, kagising hanggang matulog magkausap kame. Yun na. Nafall na ko. First love nya ko, fourth ko sya. Alam ko unfair para sakanya pero tinanggap nya dahil mahal nya ko. First kiss nya ko, di ko na alam pang ilan na sya. First everything nya ko. Okay mga first few months namin. I have to admit iba sya sa mga past ko. Very understanding, very caring, very transparent. Okay na lahat. Napakilala ko na sya sa family ko and vice versa. Gusto sya ng parents ko (ng mother ko actually) until one day nag message si First Love. Tinatanong nya ko kung settled na daw ba ko sa Manila (kasi incoming freshman ako and incoming sophomore sya). Nag ooffer sya ng help. Sabi nya text ko sya pag pupunta ako ng Manila para matulungan nya ko kung wala syang pasok. Di naman ako maka tanggi. After namin mag usap, lahat ng feelings na triny kong alisin for 5 years, bumalik lahat. Ang hirap. Kahit anong gawin mo, bumabalik at bumabalik parin. Alam ko naman na wala akong chance sakanya pero bakit ganito? Bakit umaasa parin ako? Simula nung first message ni First Love after 5 years, nag away na kame ni boyfriend#2. Di ko alam gagawin ko. Ayokong mawala silang dalawa. Nag message ako kay boyfriend#1 para humingi ng tulong. Biglang umamin si boyfriend#1 na nag sisisi sya sa ginawa nya na pakawalan ako. (Naka tulong sa situation ko ngayon di ba?). Di ko alam gagawin ko. Sobrang lost ako. Sobrang lost ako hanggang sa dumating sa point na kailangan ko mapag isa para mahanap ulit sarili ko. Nakipag break ako a day after ng anniversary namin. Ngayon, di ko alam gagawin ko. Naka tulala lang ako mag hapon, nag sisisi. Di ko alam sino pipiliin ko. Parehas ko silang mahal.

PS: UST silang tatlo. Magiging sobrang dali ng buhay ko sa pasukan. Sobrang dali.

Tulog nalang ako
2019
Faculty of Pharmacy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon