Nangyari to 4 year ago.
Sa province ako nakatira. Sandali lang ako sa UST (6months lang yata ako I think) dahil nagkasakit ako, hindi ako kumakain, hindi ako natutulog. Palagi akong malungkot, I always think about my boyfriend. Umuwi ako sa province namin from Manila. At hindi na ako ulit nagaaral at bumalik ng UST dahil nahihirapan akong malayo sa bf ko. (sobrang baliw ko noh?)
OO nabaliw ako sa bf ko. Nung una naman okay kami. Hanggang sa nag 4months kami, ibinigay ko sa kanaya ang virginity ko. Kasi mahal ko sya eh. Simula non, nagbago sya. Naging kampante sya. Dati palagi sya yung nangungulit at tumawag sakin sa phone, pero simula nung ibinigay ko yung virginity ko, parang nabaligtad ang mundo. Dati kapag monthsary namin, hinihintay nya pang mag 12midnight para lang tawagan ako at batiin, pero ngayon hindi na. Ako na yung palaging nangungulit, ako na yung palaging tumatawag, pero hindi nya sinasagot mga calls and text ko. Minsan nga umaabot ako ng hunded missed calls. (totoo, hindi ito oa ha.)
Minsan umiiyak nalang ako, tinitiis ko. Mahal ko eh. Nung 5 months na kami, nagtrabaho sya sa ibang town, medyo may kalayuan) sobrang hirap ng communication namin. Palagi naka-off ang phone nya, tapos kapag tumatawag naman ako, kung hindi nya irereject yung call, hindi nya nasasagot). Minsan sa isang araw, 2 beses lang kami nagkakausap. Sobrang hirap, kasi ang layo nya saakin eh. Pero pag sya yung tumatawag sakin, nanginginig akong sagutin yung call.
7months na kami, umuwi na sya sa province namin. Ganon parin yung set up, tatawag ako, hindi nya sasagutin. Naalala ko, first day ng klase ko nun, tawag ako ng tawag sa kanya, naka-off ang phone nya, all day naka-off. Of course magaalala ako diba?! Umuwi ako sa province namin, sabi ko sa sarili ko, magaabsent muna ko, tutal first week naman ng klase. Umuwi ako ng province kinabukasan, still, naka-off parin phone nya. Habang byahe ako pa-Bataan, tumatawag ako pero naka-off parin. Hanggang sa nakarating ako ng province namin. Nagulat nga si mommy eh, bakit daw ako umuwi eh may pasok daw. Sabi ko nalang may naiwan akong importante. Pumunta ko sa kanila, ( sa bf ko ) nakita ko sya kasama tropa nya pero hindi nya ko nilapitan. Kaya ako yung lumapit, tinanong ko sya kung bakit patay phone nya, sabi nya sira daw charger. Parang wala lang sa kanya. Maiyak iyak ako nun kasi feeling ko wala syang pake-alam sakin. Umabot kami ng 3 years ng ganon. Pero ngayon medyo nagbago nya sya. Nasasagot na nya yung calls ko pag wala sya sa trabaho nya. Ramdam kong mahal nya ako PERO ang hindi ko maintindihan, minsan lagi syang galit sakin.Nalimutan ko yung date pero alam ko May yun eh. May liga sila ng basketball. Gabi nun, sabi nya may liga daw sila. So ginawa ko, pumunta ko sa court na gaganapan ng liga nila. Nakita wala namang tao, walang liga in short. Tinawagan ko sya, sabi ko nandon ako sa court (malapit lang yung bahay nila sa court, 8 na bahay lang siguro pagitan) nagalit sya sakin, tandang tanda ko pa sinsabi nya habang kausap ko sya sa phone, "tangina mo naman ang kulit mo naman! punyeta! umuwi ka na" the i answered him sa malambing na boses, "ayy, bakit ka nagagalit, eto nga may dala kong bimpo at tubig akala ko kasi may liga kayo, puntahan mo naman ako dito."
and then ang sabi nya "bahala ka hindi kita pupuntahan dyan tangina"
sobrang iyak ako ng iyak non.
Guys, gusto ko lang malaman, ano ba dapat kong gawin?Mia
2011
College of Architecture
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles