Almost a Forever

3K 13 0
                                    

  Almost a Forever. Almost a Happy Ending. Almost is really never Enough.  


Nagsimula ang lahat sa 'di inaasahang pagkakataon. I never thought that I could be who and what I am right now. Dati 'pag nakakakita ako ng mga tulad mo, hindi pumasok sa isip ko na isang araw, mauugnay ako sa mundo nyo. It all started that day, nasa bahay ako ng pinsan ko, your tita was there, also your sister was there, who happened to be the girlfriend of my cousin that time, but you weren't there. At hindi ko pa rin alam noong panahong yun na nageexist ka sa mundong ito. I went to Thailand for a tour. When I came back, it was September 9, 2011, that was when I've finally met you. You were with your girlfriend then, who is now your ex, of course. Hindi kita pinapansin. Kahit nagpapapansin ka. Alam mo yan. Pinky promise, right? Na sa lahat ata eh ginagawa mo yun. At iba pa. Haha! Hindi ako interesado. At ayokong maging interesado. Unang una, may girlfriend ka nun. Pangalawa, ang babaero mo. Sobra. Ang dami mong sinabay sa ex mo. Haha! Kung alam lang nya lahat. At pangatlo, straight ako. Hahaha

Nagkatext tayo. Syempre ikaw gumawa ng paraan para makuha number ko. Ayun. Hindi ko alam kung pano, pero ayun na. Nafall na ko. Hulog na hulog sa banga te! Haha! Pero pinigilan ko. Kasi nga may girlfriend ka. Pero alam ko rin nun na matagal ng malabo relasyon nyo. Nakipagbreak ka sakanya. Hindi ko na matandaan kung kailan. Pero pinigilan ko pa rin. Kasi nga straight ako. At hindi normal sakin yung mga nararamdaman ko. Pero..... Ang hirap pala talagang pigilan ng nararamdaman. Parang sasabog yung puso ko na ewan. Ang hirap. Bumigay ako.

Fast Forward...

Oct. 15, 2011, naganap ang isang kagimbal gimbal na pangyayari. LOL wala na kayo ng ex mo. birthday celebration ng bestfriend mo. Syempre nandun ex mo. At nandun ako. Nagkagulo. Kasi ang sweet nating dalawa. Pero di pa tayo nun. Nagwala yung ex mo. Inaway ako. At dun bumenta sa crowd natin yung line nya na ""may pa-UST UST ka pang malandi ka!"" na ginawa nalang nating katatawanan ngayon. Hahahaha! At wala akong magawa nung panahon na yun kahit na gano ako katapang at bungangera kasi alam kong may mali ako that time. Pero kahit kailan di ko inisip na mali akong minahal kita. Dahil choice ko yun. At naging masaya ako. Ang pagibig naman kasi, choice din talaga yan eh. Parang sayo din. Choice mo na magpakatino para sakin. Kahit napaka selosa at praning ko, alam kong nagbago ka para sakin. At thankful ako dun.

Parang tanga lang na after nung gulo nung gabi din na yon, parang tangang nagkakantahan at nagsasayawan pa kami ng ex mo. Hahaha weird. Anyway... Naging tayo. Oo. Pero hindi ng gabing yun. Ang grabe ko naman kung nangyari yun. Hahaha lumipas pa naman ang ilang araw nun.

Fast forward uli to present na..

Ang dami nating pinagdaanan. Nalaman ng family ko unang buwan pa lang tayo. Ilang beses tayo nahuhuli sa mall. Maski nandito na sa manila may nakakakita pa rin satin na tga samin. Ayaw nila sa relasyon natin. Kasi nga nasa pulitika ang pamilya namin. Kesyo maraming mata ang nakatingin sa mga ginagawa namin. Dapat maging maayos mga kilos namin. Kailangan ingatan yung pangalan namin. Sanay na ko sa ganung set up ng pamilya namin. Dahil halos buong buhay ko ganun na tumatakbo ang buhay namin. Nun ko lang din nasabing ang unfair pala talaga. Ang daming taong makikitid at sarado ang utak. My dad and I were so close before. Lahat ng sabihin nya ginagawa ko. Pero ito lang talaga ang hindi ko masunod sakanya. Ang lumayo sayo. Dahil hindi ko kaya. Nangyari pang naloko ako sa pagaaral. Kinailangan kong idrop yung dalawa kong subject kasi babagsak na talaga ko. Halos di ko na napasukan kasi ang layo ng nilipatan ko. Ang aga pa ng pasok ko palagi. Pero tapos na yung prelims kaya di na pwede magdrop. FA na lang. Kasi di na talaga ko macacatch up. Muntik pa kong maghinto dahil sobrang gulo ng isip ko. Na parang ayaw ko ng ituloy yung course ko. Samantalang huling taon ko na yun sa college. Pero hindi ikaw ang may kasalanan nun. Nagkataon lang nun na nandun ka na sa buhay ko. At dun lalong tumutol sa atin si daddy. Iniisip nya na ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Pero kung tutuusin, ikaw lang talaga ang naging dahilan kaya nagpatuloy pa ako. At tinapos ko. Ikaw ang nagencourage sakin na pumasok. Araw araw pinipilit mo kong pumasok. Hanggang sa naisipan kong tapusin na nga.

Nangyari pang naglayas ako samin. To the point na yung lolo ko sinundo ako sainyo. Pero di ko sya nilabas at nagtago ako. Ang dami dami ng nangyari satin. Pero nalagpasan natin lahat ng matinding problema na yun eh. Magaapat na taon na tayo. Hindi ko na alam kung pano nagsimulang naging ganito na yung relasyon natin. Lahat ng pinagaawayan natin, ang babaw. Maliit na bagay nagkakairitahan. Lumalaki. Hindi ko na alam mga ginagawa mo. Hindi mo na rin alam mga ginagawa ko. Hindi ko na rin kilala kung sino mga nakakasama mo. Hindi na nagkakamustahan. Hindi na rin natin alam anong mga iniisip ng isa't isa. Nagkakatiisan ng ilang linggong walang usap ni text. Nagkakasalitaan ng masasakit. Wala ng pakialam sa isa't isa. Umaabot sa puntong parang wala ng respeto kung kanino. At ayokong umabot tayo sa puntong walang wala na talagang matirang respeto sa isa't isa. Sobrang daming gumugulo sa isip ko. Hindi ko na alam pano maaayos kasi hindi ko na rin alam kung san nagsimula to. Hindi ko rin alam kung maaayos pa to. Lagi akong umaasa. Pero nakakapagod din maghintay at umasa sa wala. Napagod na ko maghabol, makiusap, at magmukhang tanga. Walang wala na kong pride kakalunok parati twing magaaway tayo. Kasi pakiramdam ko palagi mamamatay ako pag hindi tayo nagayos. Sobrang sakit. Parang di ako makahinga. Ngayon pakiramdam ko namanhid na ko. Pero mararamdaman ko nalang pag natutulala ako at naiisip kita, tumutulo na pala yung luha ko. Ang gulo. Alam kong ang dami ko ring mali. Unang una na ang pagiging praning ko. Dudadera. At masakit din talaga akong magsalita pag nagiging emotional ako. Yun ang problema ko. Hindi ko kayang pigilin yung sarili ko sa sobrang emosyon na nararamdaman. Hindi ko rin alam bat hindi ko matututunang kontrolin yung sarili kong emosyon. At mali yun. Alam ko. Alam kong napagod ka na rin kakapasensya sakin. Kaya siguro ganito.

Ngayon, halos isang buwan na naman tayong di naguusap. Wala ring text. Siguro nga tapos na. Tapos na yung lovestory natin. Siguro nga hanggang dun nalang yun. Hindi ko na rin alam pa ang gagawin ko eh. Kahit na mahal na mahal na mahal pa rin kita, alam ko kasing hindi ka na masaya sakin. Hindi ko na rin alam ano magpapasaya sayo kasi kahit anong gawin ko parang hindi ka na nagiging masaya e. Mas masaya ka pa nga pag wala ako at iba ang kasama mo. And I'm sorry. Hindi ko na alam pano ka pa pasasayahin. I'm sorry. For every pain that i've caused you. Sana maging masaya ka. Sana maging masaya ka na. Maraming salamat sa lahat. For making me one of the happiest when we were together. Thank you for an extraordinary love that you've given me, my great love. Good luck and always take care of yourself.

R.iana Grande
201*
CTHM


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon