Sino nga ba si "SYA"? Itago natin sya sa pangalan na.. "Kamahalan."
Well, si Kamahalan, siya lang naman ang taong nagpapatibok ng puso ko ngayon. Our story didn't start like a fairytale. Wala, magkapitbahay kami for ilang years pero never ko syang napansin nun. Kase may boyfriend ako nun eh.
Until December 2014 came, almost 10 months na akong single nun. Walang commitment and kakalabas ko lang from an almost relationship. Pero hindi ko na ikkwento yun. Basta ayun, we had the oppurtunity to hang out kase may common friend kami within the neighborhood na nagyaya maghang out. Nagulat ako na pumunta sya sa may veranda ng bahay namin kase dun yung venue at ipapakilala daw sya sakin ng friend ko na tawagin nating E. Hindi naman kase normal sakanya yun kase intorvert sya. Tapos first time nya pang pupunta samin. So to cut the story short, sa hohol kami sa bahay nagkakilala.
That day, tiningnan ko sya. I felt nothing. But since then, lagi na kaming magkasama. Araw araw, oras oras, minu minuto. Walang palya yun. Christmas & New Year. All the days in between. Nakaleave na kase for the holiday. Jan 2015 pa ang balik ko. Halos araw araw nagmomovie marathon kami sa bahay. Lagi kaming last two people standing. Tapos dumadating sa point na nagoovernight na sya samin. Tapos magtatabi kami sa sofa bed. Siguro, naattach talaga ako. It felt great kase na may crush ka tapos ganun kayo kalapit. Syet. Ang manyak man pakinggan pero kinikilig talaga ako. Alam niyo bang may tawagan pa kami? ""Beh"" yun pa tawagan namin. Syempre kilig na naman ako pag tinatawag nya ako nun. Magkachatmates din kami. Haha. Parang high school man pakinggan pero pag anjan sya nagwawala talaga ang butterflies sa tyan ko.
Pero, nalaman ko na may GF daw sya. GF na parang kathang isip lamang. Haha. Baliw ata tong crush ko eh. Kase hindi nagpupunta sa bahay nila yung girl. Tapos di rin nya pinupuntahan. Tapos ang matinde, pag lalabas or maghahangout kami with the barkada pag nalowbat sya, hindi sya nagpapanic or nakikitext para magupdate sa GF nya. Minsan pa nga iniiwan or pinapatay nya phone nya eh. Sabi ko pa, ""Ayy, ayoko. Di nakakaakit yung treatment nya sa GF nya. Ayoko ng ganyang BF."" Tsaka feeling ko kung kaya nyang gawin sa GF nya, kaya nya rin gawin sakin.
Ilang linggo ang lumipas pero ganun padin kami. Siguro mas tumibay yung attachment ko sakanya. Naggrocery kami together, movie marathon, nakilala ang friends ng isa't isa, natulog ng magkasama, nagpunta ng tagaytay at caramoan at madami pang iba. Nakakasira ng bait kase parang kayo pero hindi. Hindi madefine kung ano ba kami kase naduduwag ako magtanong. Naduduwag akong malaman na what if ako lang pala to? What if di pala nya ako gusto? What if? Hahaha. Nakakabaliw magisip!
Nakakabaliw isipin na baka pag nagtanong ka mawala nalang lahat. Grabe yung kabaliwan ko. Ibang kaso lang talaga si Kamahalan. Hanggang sa ayun, nagCaramoan kami. Dun ko na balak alamin lahat. Kung ano ba talaga? Meron ba o wala. Kase nahihirapan na ako. Sa tuwing naglalapit kami, lalo akong naaattach sakanya. Siguro, lalo ko syang nagugustuhan. Kahit andami kong flaws na nakikita. Kahit ang layo nya sa ideal man ko. Kahit standards ko hindi ko na tiningnan. Hahaha. Sige na makapal na mukha ko. Sabi kase nila hindi daw kami bagay. 19 and studying sya tapos 21 and working ako. Hindi daw magwowork out kung magkakarelasyon kami. Sabi ko pa nun paano magkakarelasyon eh may NUMBER 1. Hahaha.
Alam niyo ba, sa FB at IG? Puro posts na nakatag sakin yung posts nya. Well, sa FB halos. So, ayun nagCaramoan kami. Objective is to know everything. Pero mission failed kase hindi nya sinasagot eh. Tinulugan ba naman ako. Pero siguro, bulag talaga ako. Kase yung smallest sweetest gestures na ginagawa nya feeling ko ginagawa nya para yun panghawakan ko. Ang tanga tanga na talaga. Haha. Siguro, masyado ko na sya gusto nun. Hindi ko lang maamin. In denial. Takot na mareject. At dahil sa kaduwagan, after ng trip na yun naglie low ako. Pero one day, pagbukas ko ng IG burado na yung Valentine's Day surprise post nya. Sinurprise ko kase sya nun sa kwarto nya. Binura nya. Kaya ayun pinaguuntag ko yung photos namin sa social media accounts ko. Aaminin ko nasaktan ako. Kase yun lang yung meron ako eh. Yun lang pero binura nya. At dahil dun, di ako nagpakita nagparamdam sakanya.
Hanggang dumating sa lugar namin yung bestfriend nya. Tapos niyaya ako magHOHOL. Nagkita na naman kami ulit. I tried my very best to act as if wala lang sakin yung presence nya. Pero ang hirap pala. Nagtuloy tuloy na naman yung story namin. Nakarating pa nga kami ng Batangas kasama nung mga katropa nya. Pero alam nyo, may isa kaming kasama dun na I strongly feel na meron silang ST or something. Itago natin sya sa pangalang ""I"". Si I at Kamahalan, sa sobrang close nila minsan naiisip ko na sila. Nakita ko kase yung wallpaper ni I, silang dalawa. At may nagkwento sakin ng mga bagay na sobra sobra kong ikinagulat. Hahaha. Totoo ba yun? Shet. Parang ang saklap naman nun. Ang saklap kase pagtapos ng trip na yun, confident ko ng masasabi na ""PUT*NGIN*, mahal ko sya. Sigurado."" Kung kelan handa ko ng isigaw. Hahaha. Kahit taken pa sya. Wala na akong pakealam. Feelings ko naman to eh. Hindi ko naman ipinagpipilitan sarili ko. Pero hindi ko kinaya yung thought na magB to B relationship sila. Kaya pala ilang araw syang hindi umuwi kasama si I. Silang dalawa lang. Kaya pala. Kaya pala lagi silang magkatabi sa photos. Kaya pala pag nagpopost si I may heart emoticon pang kasama. Kaya pala sa lahat ng uploads ni I nakatag sya. Kaya pala hindi maging kami kase iba pala ang gusto nya..... kaya pala. Akala ko kase sa mga gestures nya gusto nya ako. Akala ko kase talaga dahil sa mga pinapakita nya sakin. Totoo palang words needs actions and vice versa. Ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko kase kahit ganun, mahal na mahal ko sya. Siya lang talaga. Siya ang sunrise at sunset ko. Siya ang hope and chance ko. Siya lang kahit sinasabe ng mga tao eh marami pang iba jan. Sya at sya lang talaga nakikita ko eh. Hay. Pero sa haba haba ng sinabe ko hindi naman yun yung purpose ko sa pagcoconfess kong ito. Kundi, ang bigyan sya ng message. So here it goes.
Hi Hun,
Nakakagulat ba ang rebelasyon ko? Haha. Nak ng. Ano pang nakakagulat dun e sabi ng mga nakapaligid satin, eh halatang halata na. Ikaw nalang hindi nakakaalam. Pwes, ayan. Alam mo na. Hay. Timing is really a bitch no? Tangina maglaro ng kapalaran. Napakaunfair! Kung kelan kaya ko ng sabihin na mahal kita, kelan ko naman nalamang hindi pala talaga pwede. Kahit pala subukan ko, talo ako. Kahit pala anong gawin kong effort, wala lang sayo. Wala sayo kase iba pala talaga gusto mo. Ang sakit! Ang sakit kase pinaramdam mo sakin eh. Sana di ka nalang lumapit kung ganun din lang pala. Gusto kitang sisihin, kaso unfair nun for you kase hinayaan kita eh. Hinayaan kitang lumapit. Hinayaan kong mahulog ako sayo. Sorry ha? Sorry kase sinubukan kong subukan. Sumugal ako, pero di ko pinagsisisihan. Siguro masakit talaga ngayon. Kase sawing sawi eh. Hahaha. Durog. Malala. Sorry di ako nakinig sa mga paalala ng mga kaibigan ko na wag na sumugal. Much more sa mga taong nagsabe na pwede tayo kaya subukan ko daw. Sorry, sorry kase di ko na pipigilan eh. Itutuloy ko na tong nararamdaman ko sayo. Sumugal na ako. Isasagad ko na. Hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa mawala at matupos na tong feelings ko para sayo. Hanggang sa magising ako isang umaga na okay na ako. Na tanggap ko na, na mahal talaga kita pero tama na. Sana pag nabasa mo to wag kang magalit. Pero kung ganun talaga, wala naman na akong magagawa. Hahaha. Mahal kita, Hun. Pwede bang hayaan mo muna akong manatili sa tabi mo? Aalis naman ako ng kusa pag di mo na ako kailangan eh. Pero habang kailangan mo pa ko, pwede ba? Pwede bang mahalin padin kita? Ang tanga tanga ko na pakinggan. Pero wala eh. Ibang kaso ka talaga. Sayang, Hun. Sayang kase mahal pa naman talaga kita. Sobrang sayang tayo. We coukd have had it all. But you made your choice. Siguro nga iba na yung priorities mo. It's funny kase ikaw yung choice ko dati. I chose you. I chose to stay with you kase natakot ako mawala ka eh. Haha. Thank you for making me kilig everytime. Thank you for cooking for me sa tuwing uuwi ako ng late tapos di pako kumakain. Thank you for taking care of me. Thank you for making me feel na importante ako sayo kahit minsan ang sungit sungit mo sakin. Thank you for fighting with me. Kase dahil dun naramdaman ko may paki ka sakin na importante sayo kahit papaano yung opinion ko at gusto mong maintindihan ko din yun opinion mo. Thank you for making me feel na ako yung partner mo, na ako yung kateam mo. Na magkakampi tayo. Thank you for making me feel na masaya ka sakin. Na masaya kang kasama ako. Salamat sa lahat, Hun.
Mahal talaga kita. At wag kang magalala susuko din ako. Pero habang hindi pa, mamahalin kita hanggang sa mapagod ako.
Nhie Nya Dati
2013
Centro Escolar University
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles