1 year akong single, at halos lahat na ng kabatch ko, may bf/gf tapos yung iba nag-aasawa na. Last year, yung isa kong friend, sinabi niya sa akin one time na try ko daw yung Omegle, pampalipas oras. So i tried it once, puro mga bata nachachat ko at gusto nila fubu, so nashshock ako! Haha
then one time..
"You both like DLSU"
Me: bakit mo ako iniwan?
Stranger: di kita iniwan! I need to find myself.
Me: so its not me, its you?
Stranger: exactly, im sorry, babe! But i still love you!
Me: love you too, babe!Dyan nagsimula conversation and nagkasundo kami agad kasi magkaage lng kami. And di siya tulad ng iba na fubu lng ang gusto niya. So he got my number and binigay ko kasi ayaw ko na ulit magtinder. Haha so we texted for a week, after she asked me to go out with him, di pa namin nakikita ang isa't isa kahit sa fb man lang. Basta ang sabi niya is matangkad, moreno at chinito siya. Haha nagdate nga kami, sinundo niya ako sa office noon at nagtataka mga officemates ko, 1st time daw may sumundo sa akin at kaya daw di ko dinala kotse ko. After our 1st date, halos everyday na kami nagddate, ang saya saya ko kasi nakakatipid ako sa gas at sa parking, hahaha JK babe!
After 3 months, naging kami kasi parang di lang sya ang nanliligaw sa akin, parang nililigawan ko din kasi siya. Haha
8 months na kami noon, tapos bigla niya ako ginulat sa balita niya na kailangan daw niya pumunta ng canada para tumira daw doon and hindi niya alam kung kailan siya uuwi dito. Wala ako magagawa,kailangan niya gawin yun para sa future niya. Natatakot ako noon, kasi i cant handle a long distance relationship, yan ang dahilan kung bakit kami ngbrbreak ng mga ex ko. So after a month, umalis na siya papuntang canada. Hinatid ko siya sa airport, kahit ayaw ko siya ihatid noon, no choice kasi walang maghahatid saknya sa airport, lahat ng family niya nasa Canada na. Di ko skanya pinapakita na gusto ko na umiyak, hinintay ko muna siyang nakaalis bago ako umiyak! Haha nagpromise siya na lagi siyang magoonline sa viber at sabi niya may gagawin kaming code sa omegle.
Halos araw-araw kaming nagchchat, kailangan niya kasi icheck yung kotse niya na iniwan niya sa akin! Hahaha kung napacar wash ko na ba, kung pinacheck-up ko na daw ba. Before kasi siya umuwi, pinilit niya ako na ibenta ko na kotse ko at yung kotse niya ang iiwan sa akin. Siya din nagpaalam sa parents ko about sa decision niya, para daw yung pera na pinagbentahan ng kotse, invest ko muna or magnegosyo daw ako. Bago pa siya umalis, nagpractice din kami magpalit ng gulong at 1 month niya ako tinuruan magdrive ng manual, automatic kasi yung akin. Pinalipat din niya ako sa condo niya, para malapit daw ako sa office, pero ang gusto niya talaga, may nagmamaintain sa condo niya. Hahaha
lagi niya ako sinusurprise tuwing uuwi siya, yung biglang magviviber na sunduin ko daw siya sa airport kinabukasan o kaya bigla nlng siya darating sa condo. Ako na ata pinakaswerteng girlfriend that time,
Suddenly, dumating na yung time na kinakatakutan ko, halos 1 week na kaming walang communication, di na siya online sa viber at sa fb. Tinatawagan ko bahay nila at kinocontact ko din family niya pero di din sila sumasagot.
Araw-araw na akong umiiyak noon, after 1 week bigla siya sumulpot sa office at doon siya nagpropose, kinausap niya yung family ko at mga officemates ko. 1 week na pala siya nandito sa Pilipinas at inaasikaso niya yung proposal niya.
Mag 1 year na kami ngayon, and next year na yung kasal namin. I will be a june bride. Di na din siya bumalik ng canada kasi 2 months na akong buntis.
Thank you so much babe for everything! Cant wait for the moment to walk in aisle with our baby. Kaya sa mga hopeless diyan, at di naniniwala sa forever, wait lang kayo darating din ang babe niyo haha
Ps: gusto ko ng santol! Yung malaki! Hahaha
omeglenomore
2013
University of Santo Tomas
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles