The Struggle of Being a Tall Girl

14.4K 356 66
                                    

This is it, yes alam kong maraming mapapataas ng kilay dito sa post na to lalong lalo na sa mga di binayayaan ng katangkaran. Pero maniwala man kayo sa hindi ang daming disavantages ng pagiging matangkad lalong lalo na sa aming mga babae !

1. People always tell me “wow, ang tangkad mo , Pwede kang pang Model , o kaya Volleyball player”. Seriously porket matangkad Model agad? At Volleyball player??, eh ni hindi nga ako marunong magserve ng bola. Pero ito talaga ang malupit “Tara basketball “ sarap bugbugin ng nagsabi sakin nito. 

2. Wearing Dress, Pants and High heels. Tuwing magsusukat ako ng dress , laging nagmumukang t-shirt . Ang hirap din bumili ng pantalon , madalas kasing bitin nagmumukang tokong. Ang mas malala forever flat shoes na lang kami.

3. Karamihan sa mga babaeng matankad ay payat. So ano aasahan mo sa payat eh di flat chested, flat butt. All in all flat body


4. Blocking peoples view. For example sa concert ,maraming naiinis kung bakit pumepwesto ako sa unahan , shit lang kasalanan ko bang matangkad ako at maliit sila, may karapatan din naman akong pumwesto sa unahan . Sa seat plan sa classroom , hindi kailanman ako nakaranas umupo sa unahan , nakakahiya kasi baka may masabi pa sila. 

5. Madalas kaming nabubukulan. Untog dito, untog dun. Kaya kailangan yumuko ng maigi tuwing sasakay ng jeep at tricycle. 

6. Most of the boys prefer small girls to be their GF! so paano na kaming mga tall girls? Forever alone nalang ! 

PS. Kaya sa mga small girls diyan wag kayong mainsecure saming mga tall girls dahil kami rin minsang naiinsecure sa inyo. 

Ms. Tangkad 
2012 
Faculty of Philosophy

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon