Hinulma ako ng UST at SALAMAT

3.2K 49 2
                                    

Dati akala ko hindi mababago ng isang unibersidad ang estudyante sa kolehiyo. Nasa isip ko kasi pag college parang MEDYO established na yung morals and perspective mo sa life. Pero nahubog ako ng UST.

1.) Hindi ako marunong tumawid hanggang high school pero dahil college na kailangan ng mag commute. Salamat UST at nag provide kayo ng mga tamang tawiran sa loob at labas ng unibersidad. Natuto akong tumawid ng TAMA at maglakad sa tamang lakaran. Na-aamaze sa akin ang friends ko from other university kasi daw ""maangas"" na nakakasunod ka sa tamang pedestrian rules. Plus points din ata yun sa guys pag sinabi mo na ""uy wag ka tumawid diyan baka maaksidente ka. tara dito!"" HAHA kasi may nagka crush sakin dahil don. Oo weird pero plus points.

2.) Salamat UST at nakakilala ako ng diverse na tao sa buhay at natuto akong hindi manghusga. Madaming mayaman sa course ko as in... whew ""MAYAMAN"". Yung isa kong kaklase parang Gu Jun Pyo na sa yaman. May mga haciendera din na may kabayo sa backyard hahaha. May mga old moneys na mayaman pa since Spanish period tapos nasa History books yung mga angkan nila. Pero sa kabila ng yun may mga iskolar. Mga kapos pero pinagbubuti ang pag-aaral. Mga galing sa public school. Mga working student. Mga iniwan ng magulang at wala ng nagaalaga. Pero pag suot namin ang uniporme? Pantay pantay kami. Dahil kapag naka-uniform ang lahat nababawasan ang panghuhusga ayon sa pananamit. At ang myayaman na tinutuoy ko ay hindi showoff. Hindi conyo. Mga palaging sa karinderia kumakain. Mga nagsasabi din na ""shit wala na kong pera!!!""

3.) Social life. Salamat sa UST at sa mga orgs ng arki na laging nagaarrange ng mga parties. Salamat UST sa agape, paskuhan, college weeks, magagandang fireworks, magandang Christmas decors sa unibersidad at nasusulit namin ang pagiging estudyante. Kahit na madalas mareklamo ang mga arki sa school decorations deep inside masaya talaga kami twing napapadaan sa lovers lane. Walang tatalo sa Christmas decors ng UST!!!! Salamat dahil twing may party hindi show-off ang mga tao. Chill lang. Hindi yung ""cool kid ako"" vibe. Kaya lahat welcome. Lahat enjoy! SALAMAT!!!

4.) Salamat sa magagandang buildings at landscape ng UST. Nagkakapag practice ang mga up and coming photographers. Salamat sa mga masasayang events at may nakukunan sila. Salamat sa magagandang tambayan ng students. Quadri Park ang paborito kong lugar sa UST kapag mag-isa at kapag konti lang ang nagpapractice magsayaw. Dun ako madalas nagiisketch ng mga ideas habang nakaupo sa bench at nakasandal sa lamp post. Pag may kasama namang friends Lover's Lane ang trip ko dahil may vibe dun na masayang magkwentuhan. Kapag naman kasama ang ""special someone"" gustong gusto ko maglakad at tumambay sa fountain of wisdom or knowledge. Pag gutom ako? SYEMPRE carpark na yan at QPav. Salamat at may seattle's best at starbucks sa loob pati na rin 7eleven at family mart. Para bago tumambay may mapapagbilihan.

5.) At huli salamat sa mga manong/ate/kuya na nagpapakumpleto ng student life namin. Salamat kay kuya siomai ng P.Noval dahil kapag kapos pero gusto ng sulit sa kanya ang takbuhan. Salamat sa Kantunan/Naughtea Boy kapag gusto namin mag-cut may matatambayan na malapit. Pati na rin yung isang karinderia na may LCD tv na kahilera nila na pwedeng manood ng UAAP finals at NBA finals.Minsan pati si sir chief dati dun din namin pinapanood hahaha. Salamat sa Starbucks at D'cream na pwedeng maglatag tracing paper o Bristol kapag kapos sa oras. Salamat sa Joyce at Joli's. LAM NIYO NA YUN. Salamat sa mga manong guard na pwede pakiusapan na wag muna isasara yung gate w/in five minutes dahil tatakbo ka pa mula p.noval gate papunta sa espanya gate hahaha

UST ANG ANGAS. Salamat din pala sa mga beato peeps kahit nakalupasay na tayo sa hallway para matulog, kahit naka scotch tape yung mga plate natin sa pader tapos wala tayong paki kung pangit o maganda basta kelangan natin ng flat surface para mag-ink, kahit na may nagdadala na ng extension sa classroom para masaksak natin laptops natin... MASAYA PA RIN!!!

Thankful
2016
College of Architecture

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon