Love Keme

2.8K 20 0
                                    

Sabi mo iba ka sa mga "stereotypical" na mga lalaki. Yung mga manloloko, babaero, and everything else under that catergory. Naniwala naman ako, since gustong gusto kita and mukha naman na feeling is mutual.

Nagpaligaw ako nga mga half a year to see kung gusto mo talaga ako at kaya mo magintay. And you proved to me naman na your intentions are true. Kaya sinagot kita. Nung mga first months, ok naman tayo. Walang problema. Too good to be true nga e.

One day, nung on the way na ako with my friends para bumili ng birthday gift ko for you, tumawag ka kasi sabi mo sakin may kailangan tayo pagusapan. Yun pala nakipaglandian kana sa iba. At least honest ka daw sabi ng iba. Pero that was the first time na anyone did that to me. Ang sakit talaga. A new feeling kumbaga. Hindi kita kinausap nun kasi hindi ako makapaniwala na you're just like everyone else. Pero tawag ka ng tawag. You didn't give up and eventually, sumagot nadin ako. Sinabi mo sakin na hindi na mauulit. Promise diba? Bakit may lumabas sa news feed ko na nakikipaglandian ka nanaman?

Bago magvalentines. Wow. Saktong sakto. Sinabi mo sakin na naginuman kayo sa dorm nyo. Tapos may girl na nalasing. Pinahiga mo sa kama mo. Tapos tinabihan mo kasi wala ka ng choice? Haha wow talaga. Hindi pwede gisingin? Tapos pinaamoy breath nya kung amoy yosi? At umamoy ka naman. Ano tapos nagkiss hanggang pumatong na sya sayo. Buti naman naisipan mo sabihin na may girlfriend ka. Pero wow ha. May chikinini. Sinurprise mo nga ako nung valentine's, pero kitang kita ko ung kasalanan mo sakin sa leeg mo.

Tadtad nanaman ng sorry. Ito naman ako si tanga, pinatawad ka nanaman. Pero pag naalala ko bumabalik parin ang sakit. Hindi ko na alam gagawin ko sayo. Hindi ko alam kung should I stay or leave? Do I deserve better? What should I do now?

Hay tangina lang. Hindi ko na kasi masabi sayo ang galit ko kasi sasabihin mo sakin na ang tagal na nun. Bakit hindi pa ako nakakamove on dun. Kung ikaw kaya nasa position ko? TANGINA LANG TALAGA. Puro ka nalang sorry pero ipakita mo naman na sorry ka.

stupid
2012
CTHM


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon