Stranger at My Ex-girlfriend's Wedding

8.7K 195 20
                                    

Totoo nga talaga, malalaman mo lang halaga pag wala na.

I broke up with my faithful, loyal, sweet, loving girlfriend of almost four years. (buong college) sabi nila sobrang swerte ko sa kanya. sobrang ganda nya grabe, and matalino. (Dean's Lister sya consistently sa AB sobrang taas ng grades nya) sobrang sweet nya na sinusurprise nya ako lagi, pinagluluto ako ng mga favorite ko, sobrang sweet talaga to the point na sabi ng mga kaibigan ko sana daw may ganun din sila. Inggit na inggit sila kasi sweet at maalaga sya sakin..

bakit ako nakipagbreak? I just felt like it. Parang nawala yung feelings ko bigla because of another girl na crush ko in my class na nakakaclose ko din. Etong si crush, alam na may girlfriend ako pero okay lang sa kanya. I started taking my then girlfriend for granted.. I would bail out on her para lang samahan yung crush ko. (though wala namang relationship, parang close lang)

Then when I couldn't bear her nagging anymore, I broke up with her. Malapit na mag graduation nun. Sobrang lamig ko nun. Umiiyak sya ng sobra sobra, halos mamatay na daw sya sa sakit. Sobrang di na sya makahinga sa iyak tapos ako malamig lang, ang siansabi ko lang "uuwi na ako. tama na ayoko na. uwi na ko hinahanap na ko sa bahay". kahit explanation di ko binigay sa kanya.
Niligawan ko sya ng sobrang tagal at sinuyo ng sobrang tagal at di ko alam bakit nawala yung feelings ko bigla. Sabi nya, di nya inakala na gagawin ko to kasi nga matagal ko syang niligawan at sobrang effort ako sa kanya. Okay na okay kami, kilala na ako ng parents nya at sya din sakin. Graduating na kami nun at may mga plano na. Pero bigla akong nagsawa. She was crying so hard nun at hinahawakan kamay ko na magstay ako at bigyan sya ng rason but I didn't.

I left her there sa UST nun and medyo palakas na ang ulan so basa na mukha nya ng luha at umuulan pa nung iniwan ko sya dun. Broken, sobra.

Naging kami ni crush but I realized after 2 years that she wasn't the one I loved. yung girlfriend ko pa din. Pansandaliang init at attraction oo, pero gusto ko pa rin pakasalan yung girlfriend ko. Grabeng rebound si crush. Akala ko mahal ko talaga umabot kami ng dalawang taon.. siguro minahal ko rin sya kasi 2 years yun. but not the way i loved my ex. Okay lang naman sa kanya since in the end nagkaroon sya ng iba and okay lang sakin because I told her na mahal ko pa rin si ex. masakit di nyung breakup pero masaya na sya ngayon.

Pero yung ex girlfriend ko... gusto ko pa rin tuparin lahat ng pangarap namin. Nagabroad muna ako nun pagkagraduate. Licensed Engineer na ako pero parang maykulang pa rin, and I tried contacting her to her friends pero I never really got the guts na kausapin sya. Sa totoo lang, never akong nagkaroon ng lakas ng loob na pindutin yung "Call" button. DI ko nagawang magbakasakali. ang naisip ko lang, hindi na nya ako babalikan. hanggang sa bawat araw iniisip ko na "tatawagan ko na sya" pero wala pa rin sasabihin ko bukas nalang. hanggang sa sinabi ko sa sarili ko na pagbalik ko nalang. dalawang taon din ako sa abroad, pero naisip ko na pagbalik ko maguusap kami.

Pagbalik ko, tatawagan ko na sana siya para magkita. hawak ko na rin lahat ng sulat na sinulat ko para sa kanya nung nasa abroad ako at namimiss ko sya. balak ko ibigay sa kanya lahat ng sulat na yun na nagsosorry at nagsisisi. Sabi ko sa sarili ko, I will redeem myself and I will get her back.

Huli na pala ang lahat para sa akin. Pagkabalik ko dito, nagreunion kami ng college friends ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nung malaman ko na ikakasal na pala sya sa iba. Dali dali ako umuwi, nagkulong sa kwarto, uminom ng ilang linggo nang hindi lumalabas sa kwarto at puro iyak lang ang nagawa ko. Gusto ko syang kausapin para magsorry man lang, pero alam kong di nya gugustuhin ako makita, at maalala nya pa ang mga sakit just before her big day.

I went to her wedding. Nasa likod lang ako. Dumaan, Kunwari nagdadasal. sa UST sila kinasal. Tumutulo ang luha ko nun, buti nalang at madami dami silang guests kaya medyo puno ang Church at hindi halata na may isang tao sa likod. Nagflashback lahat.... Yung sinabi nya na gusto nya sa UST daw kami magpakasal kasi dun din kami nagkakilala. Nandun lang ako sa likod, sa left side and dahil nagluluha na ako nun, malabo na ang matako, hindi ko makita masyado ang groom. I wanted to be at his place pero alam kong too late na.Nung bumukas ang pinto at nakita ko na sya, sobrang saya ko. Ngayon ko lang ulit sya nakita after so long. She was still so beautiful. Sobra... and now she's smiling and in tears habang naglalakad papunta sa groom nya, na in tears din. Sinong lalaki ang hindi maiiyak pagnagkaroon ng isang katulad nya?

I finished the wedding and went home. Sobrang lungkot , gusto k ona magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Now, Im still not over her. I view her facebook once in a while, and may pamilya na sila. She has two kids, one boy and one girl. The girl looks exactly like her, beautiful like her mom. Sobrang masaya na sya ngayon. Her husband posts pictures of her na para bang high school students sila na in love na 1st monthsary lang. He loves her so much, and I'm so happy for her.

To her husband,
Alagaan mo sya. Well di mo kailangan ng utos from someone who threw her away, pero I still want to say that please love her and give her the best all the days of your lives. I will give anything just to be in your place, pero alam ko na ikaw na ang mahal nya and you make her happy. You are the luckiest guy on Earth, and I just want to tell you to please always take care of her and love her.

To my ex,
A, ikaw pa rin. pero wala na akong karapatan sayo. Masaya ka na sa husband mo na mahal na mahal na mahal ka at ang mga anak nyo. Siguro everyday nalang ako magtatanongng what if, what if tinawagan kita earlier. nagkakilala na ba kayo nun? nagkachanceba tayo kung tinawagan kita noon? Pero wala na.. Alam ko rin na di mo na ko mahal syempre. The way you look at your husband in your faceebook pics, that's the way you looked at me before. Namimiss na kita, sobra. Magingat ka palagi. I'm happy for you. Halos mamatay ako sa sakit ngayon pero alam ko masaya ka na. Ang ganda ganda ng mga anak nyo, just like I envisioned our children would be lalo na kung kamukha mo. Gusto ko lang mag sorry...... alam ko na you got over it na pero still, sorry... and msaya ako para sayo.Mahal pa rin kita. Sana lang maka move on pa ako sayo kasi sa totoo lang parang ako na yung the man who can't be moved. Sana dumating yung araw na hindi ko na titignan ang mga family pics nyp sa fb, lalong lalo na yung wedding pics nyo na lagi ko tinitignan.

Mahal pa rin kita. Every night I cry myself to sleep kissing your picture on my phone. Yes, your picture nung kinasal ka. You smiling in your wedding gown. Every night nagsisisi ako sa ginawa ko, at every night ko iniisip na sana ako yung kaharap mo when you said I do. pero alam kong wala na. Sana masaya ka A. mahal na mahal pa rin kita.

The man who can't be moved
2007 
Faculty of Engineering

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon