Nung January 28, sumakay ako sa bus papuntang uste sa may commonwealth nang may nakasabay akong taga-arki na nakapigtails. Ang dami niyang dala. Pero mukhang wala siyang paki.
Wala na kasing upuan kaya nakatayo lang kami at dahil malayo-layo pa naman yung biyahe, bigla ko siyang napagmasdan. Yung mata niya naluluha tapos parang naiiyak siya sa isang bagay. Yung nagkaroon na ng upuan sa tabi ko, kinalabit ko nalang siya at pinaupo dun. Nakita kong nahihirapan siya maupo dahil sa mga dala niya kaya hinawakan ko muna para makaupo siya. Tinignan niya ako at tsaka nagthank you at ngumiti pero yung halong sincere at pilit. Yung parang sincere siya sa ngiti niya pero yung mata niya parang may tinatagong sakit.
Yung umalis na din yung katabi niya, kinalabit niya ako para makaupo daw ako at napansin ko yung bag niya. May icon ng survey corps ng snk. Kaya natanong ko kung updated siya sa anime na iyon. Sabi niya hindi na daw siya makanood dahil sa plates pero meron daw siyang kaibigan sa ibang school na nagkukwento kung ano nang nangyayari sa series. Meron din daw siyang nalaman na anime na parang snk pero sa outer space. Hindi ko lang maalala yung buo pangalan. Ang naalala ko lang yung sidonia...
Tapos nun, tumahimik nanaman kami. Gusto ko sana siyang tanungin kung anong nangyari sa kanya at kung bakit parang naluluha siya kaya lang baka iba yung maisip niya.
Pagkababa namin sa harap ng uste, napansin kong nasa kabilang dulo pa yung beato. Medyo late na ako sa klase ko pero hindi man pinapahalata ng babae na nahihirapan siya sa dami ng dala niya, tinulungan ko nalang siya papunta sa beato. Hinawakan ko yung green na parang envelope na may mga triangles at yung buff paper na dala niya. Tinanong ko kung late na siya at tama ako. Kaya binilisan namin yung lakad. Tumigil siya sa harap ng monkeybars at sinabihan ako na kaya na daw niya at nagpasalamat. Binalik ko yung gamit niya at nginitian siya tapos pumunta na sa building namin.
Yung break time ko, nakwento ko sa mga kaibigan ko yung babae habang papunta kami sa mcdo sa p noval. Mas kaunti kasi yung tao dun eh at may kikitain yung isa kong kaibigan. Pinagkakantsawan nila ako dahil baka sparks na daw kaya tinitigan ko lang sila ng masama.
Yung nasa may gate na kami, kinalabit ako ng isa kong kasama.
Siya: Uy ___. Yun ba yung arki na sinasabi mo? *sabay turo*
Yung tumingin ako, nakita ko nga yung babaeng nakapigtails. Napabuntong hininga ako yung napansin din ng mga kasama ko na parang naiiyak padin yung mata niya kaya nilapitan ko na siya at kinalabit. Pagkakalabit ko, tinignan ako ng nakapigtails.
Ako: Hala. Mukha ka pa rin problemado?
Siya: *tinitignan lang ako na parang hindi ako kilala (hindi naman talaga eh. haha)*
Ako: *napakamot ng ulo* Nagkasabay tayo sa bus sa may commonwealth. Nagkatabi pa nga tayo yung umalis na yung katabi mo.
Siya: Ahhh... Yung tumulong sa akin.
Ako: *tumango* Napansin ko kanina na parang problemado itsura mo at tatanungin ko sana kung bakit pero...
Siya: Wala yun. Unang beses ko lang magcommute mag-isa. Hatid sundo ako eh.
Ako: Ahhh. Oo nga pala. Ngiti ka naman diyan oh.
Siya: Ha?
Ako: Mas gumaganda ang isang babae kapag nakangiti. *sabay ngiti*
Siya: *napaatras* Wat?
Ako: Sige ganito nalang. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo pero ang masasabi ko lang. Smile so the world will smile back on you.
Siya: Sa Barney yan noh?
Ako: Ahahahaha. Oo... Kabataan ko kasi eh.
Siya: Sabi na nga ba. Favorite ko yun yung bata ako eh. *sabay ngiti*
Ako: Ngumiti ka na rin! Maintain mo lang yan ah.
Siya: ...Sige.
Tatanungin ko sana pangalan niya nung bigla akong tinawag ng mga kasama ko kaya nagpaalam nalang ako.
Pagdating namin sa mcdo ng mga kasama ko, pinagusapan nila yung nangyari kanina.
Friend 1: Ang tagal niyong nag-usap ah. Sparks na ba?
Friend 2: Oo nga. Napangiti mo pa yung arki. Ayieee.
Ako: Mga loko kayo. *batok sa kanila*Natawa nalang sila sa akin.
Pero sa totoo lang. Habang kumakain kami at nagtatawanan, hindi ko maalis sa isipan ko yung arki na iyon. Para bang may kwento siya na kailangan ko marinig. Lalo na yung mata niya, medyo masama makatingin sa umpisa pero parang bata na nag-eenjoy sa buhay kapag nakangiti siya.
Haha. Gusto ko sanang malaman yung pangalan niya. Hindi na rin ako nakapagpakilala.
Nasabi pala ng mga kasama ko na naUST Files na rin siya noon?
Hindi ko lang alam kung anong post yun.Pero kung may nakakakilala sa arki na iyon pakilagay naman yung pangalan niya oh. Nais ko kasing tanungin siya kung anong kalagayan niya ngayon. Nag-aalala ako dun eh. Yung itsura niya yung hindi pa siya nakangiti parang magtatanks sa sarili eh.
Kung binabasa niya ito, sana okay na siya ngayon. Sana malaman niya na may mga tao din na nag-aalala sa kanya. Magpakatatag ka lang, ate. Malalagpasan mo iyan. smile emoticon
Purple dinosaur
2013
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles