Akala ko ikaw na ang prince charming ko. Akala ko ikaw na ang knight in shining armor ko. Akala ko YOU ARE THE ONE na. Pero bakit tayo nagkakaganito? Nagsimula lahat ng kamaliang ito nung malaman kong ""kabit"" lang pala ako. Grabe hindi ko kinaya nung nalaman ko yun. Sa sobrang sweet mo, sa sobrang bait at pag-aaruga mo, sa sobrang sipag mong dalawin ako, sa mga binibigay mong roses at gifts, sa mga masasayang date natin, hindi ko akalain na may kahati pala ako habang tunay akong nagmamahal sayo. Sabi mo sakin wala na kayo. Bakit mo ako niloko? Pinakilala pa naman na kita sa magulang ko at welcome kang tumira o matulog dito sa bahay namin. Binigay ko naman lahat sayo aah. Binigay ko lahat ng gusto mo. Hindi ako mahigpit, parati kitang pinapayagan sa lahat ng gusto mong gawin o puntahan. Di rin ako bantay sarado sa phone mo or fb mo. Oo, aaminin ko, religious akong tao pero tinalikuran ko yun dahil natukso akong ibigay pati virginity ko. Pero di ko akalain na dalawa pala kaming ka-sex mo. Ang sakit sakit. Binaboy mo ko. Bakit mo ginawa yun? Pero dahil tanga ang umiibig, pinatawad kita. Lumuhod ka sa harap ko, nagmakaawang patawarin kita at nag""sorry"" ka ng maraming beses at sabi mo pa, hindi mo na siya mahal, na ako na ang mahal mo at ako ang gusto mong makasama. Pinaniwalaan ko lahat ng yun. Pinatawad kita agad agad. Pero wag mo naman din sana madaliin akong ibalik agad ang tiwala ko sayo. Wasak na wasak na kasi yung tiwala ko sayo. Akalain mo, sa mga oras na hinayaan lang kita o niluluwagan kita, yun pala yung mga oras na kasama mo yung ""tunay mong gf"". Ni wala ka ngang ginawang panliligaw muli after kong malaman yun eh. Parang wala ngang nangyari. Balik sa dating gawi. Sex dito, sex diyan. Date at kain kung saan-saan. Pero ngayon ikaw pa ang nagagalit kung bakit sobrang praning ako kakabantay sayo. Natatakot kasi akong baka gawin mo ulit sa aken yun. Ang hirap hirap maka-move on. Napatawad na kita, pero yung tiwala nahihirapan pa kong ibalik. Sabi ko tulungan mo kong ibalik tiwala ko sayo. Na kapag nagtxt ako, magreply ka. Kapag tumawag ako, sumagot ka. Kapag tinatanong ka asan ka, sabihin mo. Minsan sinasabi mo sa aken na nahihirapan ka na sa mga pinaggagawa ko sayo para maibalik lang tiwala ko. Pero bakit ako sinisisi mo? Hindi ko kasalanang maging ganito ako. Alam mo naman na napaka-positive at happy kong tao. Pero ngayon puro negative, pagkalungkot nalang ang nararamdaman ko. Minsan pa pag nag-aaway tayo, madalas mo kong saktan at sigawan. Pero pag nilambing mo na ko, okay na tayo ulit? Bakit nagkaganon? Dati prinsesa turing mo saken pero ngayon parang wala na lang. Babae ako, pero sinasaktan mo ko at paulit-ulit mong pinapaiyak. At okay lang saken yun basta mag-sorry ka at lambingin mo ako. Kung alam mo lang, sinuko ko na nga lahat ng meron ako para sayo. Pati pagtrabaho ko, tinigil ko kasi nagseselos ka na may gusto saken mga katrabaho ko. Kahit alam mong hindi ko sila kinakausap kasi sabi mo bawal ako kumausap ng lalake, at ginagawa ko yun. Hindi rin ako tumitingin sa ibang lalake kasi magagalit ka. Pero bakit pag ikaw na lahat gumawa niyan, okay lang? Wala dapat pag awayan? Akala ko ba dapat fair ang relasyon na to? Pero bakit ako lang ang nagdudusa at sumusunod sa mga rules mo? Ngayon, halos wala na akong kaibigan. Wala naring lumalapit sa aking trabaho dahil ang dami ko ng tinanggihang offer dahil ayaw mo. Ngayon walang wala na ako. Ikaw nalang ang meron sa aken at ang pride ko. Wala narin ako mapagsabihan o mahingian ng payo sa relasyon natin. Dahil lahat sila sinasabi na hiwalayan na kita. Pero sabi naman ng mga ""love experts"" parte lang yan ng pagmamahalan. Kelangan mong umunawa sa partner mo at marunong magpatawad para magtagal kayo at kayo ang magkatuluyan. Ano ba talaga ang nararapat kong gawin. Gusto kitang iwan na para matapos na ang pagdudusa ko. Pero mahal kita, hindi ko kayang gawin yun at ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Haaayy! Tanga ko na talaga. Lintek na pag-ibig.
"I used to know where I'm going."
Ms. Green
Batch 2014
BS Commerce
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles