Karma

2.4K 20 0
                                    

Nagsimula lahat nung malaman kong binabackfight nya ko. Sobra kong nagalit nun, ni hindi nga kami close tapos kung makapagsalita sya tungkol sakin e ganun ganun na lang. I hate him. I really hate him.

Doon ko naisip na gumanti. I used another personality to get his attention. And it worked. Araw-araw kami magkatext, gabi gabi nagkakatawagan. Nung una nga e ayaw ko pa pumayag na makipagtawagan sa kanya kasi baka makilala nya yung boses ko. But it just happened na iba yung boses ko sa phone. He knows that the girl is my bestfriend and the cousin of my ex boyfriend. Kaya naman biglang nag-iba pakikitungo nya sakin. Bigla syang bumait sakin. Naging super close nga kami e. Imagine that? That time, alam ko ng may iba syang motibo. At ayun nga, he just confessed his feelings sa isang ako.
I was very happy. Sabi ko sa isip ko, sige lang pagpatuloy mo lang. Hayaan mo pa sya mafall. Pero iniisip ko din na imposible lahat yun kasi from the moment they started to text with each other, hindi nya alam itsura nung girl. He doesn't have any idea about what she looks like. And walang sinuman ang mahuhulog sa nakilala lang sa text. But I was wrong. Time passed by so fast, it's been 6 months. 6 months ko na syang niloloko. Ang dami na nyang efforts. Ang dami na nyang napatunayan. Ang laki na ng pinagbago nya. Pano ko nasabi? Because we're just schoolmates. We live in one area. I see him very different simula nung makilala nya yung isang ako. Ayoko sana isipin na ganun nga yung nangyayare, pero barkada na nya yung nagsabing, malaki yung naging epekto nung babae sa kanya. He's studying very well, he goes to church every Sunday. Lahat ng sinasabi nung isa ako, ginagawa nya. He even avoided his girl bestfriend, kasi sinabi ko. Tuwing may away sila, ako lagi pinupuntahan nya. Umiiyak pa nga sya sakin e. Lagi nya sinasabi na, yung isang ako na daw yung right girl para sa kanya. Mahala na mahal daw nya yun. Lahat daw gagawin nya para mapasaya nya yung girl. Gusto kong sabihin sa kanya na ""No. She's not because she doesn't even exist."" Kaso paano? It hurts seeing him so infatuated with a fake girl. Guilt is invading me everytime. Iniisip ko na lang na, oh ayan nakaganti ka na. Maging masaya ka na kasi masasaktan mo sya pag nalaman nya yung katotohanan. Pero hindi e. Hindi ako masaya sa mga nangyayare. Habang tumatagal, ako na yung nasasaktan. Habang tumatagal, mas narealize kong mahal ko na pala sya. Sa loob ng 6 months na panloloko ko sa kanya, nakilala ko yung tunay nyang pagkataon yung tunay nyang ugali, yung buhay nya. He's a nice guy, very gentleman, very caring. Mahal ko na sya. Oo mahal ko na sya at ayoko na syang saktan pero kelangan nyang malaman yung katotohanan.

Napakalaking desisyon yung ginawa kong pag-amin sa kanya. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyare. Alam kong pwede nya kong saktan sa oras na aminin ko yung totoo. Pero nung inamin ko, ako pa yung nasaktan. Alam na pala nya nung simula pa lang. Sa loob ng 6 months, naggagaguhan lang pala kami. Ayun lang, ako nafall. Pero sya, nacontrol nya yung feelings nya. Isang malaking palabas lang pala lahat. Akala ko, nagtagumpay ako sa paghihiganti ko, pero hindi pala. KARMA. Karma ata tawag sa nangyare sakin.

Until now, I'm hoping na mapapatawad pa nya ko. After the confession kasi, nilayuan na nya ko. Yung mismong ako. Ang sakit sa part ko nun. Yung tipong, gaganti lang naman ako, pero sa huli, ako yung talo. Natatawa na lang ako sa sarili ko.

I still love the guy. But I need to accept the fact that he doesn't feel the same way. Nanghihinayang ako sa friendship namin na nabuo nung naglokohan kami. Pero wala e, hindi na talaga maibabalik. I'm tring to be okay. Iniisip ko na lang na at least may lesson akong natutunan. At yun ay huwag gumanti. Revenge will never be a solution to my anger. Bakit ka pa gaganti? Ipaubaya mo na lang lahat kay God. Kung binabackfight ka, hayaan mo lang. Wag mo ng patulan. Alam kong madaming pwedeng mangjudge sakin, pero sana intindihin nyo din yung part ko. Haha thankyou. Godbless 

Engineering student
2015
College of Engineering


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon