We were doing good for 7 months. Pero biglang pasukan na ng second sem noon. Isang jeep lang ang layo natin pero tinalo pa natin ang LDR sa dalang ng pagkikita at pagtetext natin.
GC ka. And I mean GC in the nicest way. Sabi mo, "Magiging busy muna ako ha? Pero kapag kailangan mo ko, tatakbuhin ko ang taft hanggang Espanya. Promise!"
Babae siya. Lalake ako. Pero kung makabanat siya, parang siya yung lalake. At kung sumagot naman ako, parang ako yung babae. Sabi ko, "Okay lang. Praktis na din siguro to para sanay na ako pag doctor ka na."
And so the days went by. Nagtetext ka pa din everyday. Pero yung normal lang, "Good morning baby. Good night baby. I love you baby. Kain ka na." Pero kapag nag reply na ako, di ka na nakakapagreply. I understood. Because I know your course demanded a lot from you.
I got bored. I started flirting with girls. Yung iba, ka-course mo pa nung undergrad ka. Iba daw talaga ang Pharma. It went to a point na maling landian na ginagawa ko pero pinagpatuloy ko kasi gago ako. Merong girl na constantly na linalandi ko. Feeling gwapo ko lang puta pero hindi talaga ako gwapo. Minsan, lumalabas kami. Masaya ako kapag kasama ko siya. Then one time, nalaman ko na may nilalandi siyang iba. Sa sobrang inis at lungkot ko, tinext kita. Sabi ko, "Hi, baby. I just need you right now."
After 3ish hours, there you are. I didn't know how you managed to locate me, pero alam ko lagi mong kasabwat friends ko. Yinakap kita. Andami mong bitbit. Lab gown. Libro na tripleng kapal nung akin. Sabi mo, "Sorry. Ang tagal ko. Kasi eh. Andami nag jojogging, di ko natakbo ng mabilis." Tapos tumawa ka.
Yung guilt na naramdaman ko, intense. Hiyang-hiya ako. Andun ka to comfort me when I was upset over someone I like who's flirting with another guy.
Naglakad-lakad lang tayo along Lacson. Tapos bigla nag ring yung phone ko. Pagtingin ko, di ko inexpect na si girl yung magtetext. Nabasa mo. "Hello, honey. Kita tayo maya?" yung text.
Tumigil tayo sa paglalakad. Naiiyak ka na. Di ko magawang mag salita. Naiisip ko na lang, sobrang tanga ko, gago, tangina ko talaga. Pero nagulat ako. Yinakap mo ko. You were crying hard then. Tapos sabi mo,
"Okay lang yun. Okay lang... Okay lang. Promise."
What I did to derseve her, I'm clueless.
Asdfghjkl
2010
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles