Thanks for the Memories

29.2K 638 40
                                    

Bigla akong nagising nung narinig ko yung bell…Ayun tapos na yung last subject naming, ayun nagmadali akong bumaba para magyosi, medyo tipsy ako(yup, bad girl ako, pumapasok ako ng nakainom pa) and then paglabas ko ng St. Raymund’s Bldg… ayun nabangga ko siya, isang engg student.. medyo masakit yung pagkabangga ko sa kanya.. kaya ayun nagkatinginan kami tapos nagsorry ako sa kanya…. Nakatingin parin sakin (siyempre maganda ako e!) tapos nagsorry rin siya, tapos nakita ko nalang inaasar siya ng mga kasama niya….ng nagyoyosi ako sa dapitan nakita ko siya galing Asturias, magisa lang tapos inapproach ako… nakangiti pa siya nun, sabi niya “Ate, yung panyo mo nahulog”… nagulat ako kasi di ko pala namalayan na nahulog ko yung panyo kanina… “Ako pala si Elti, masakit pala yung pagkabangga mo sakin kanina, ok ka lang ba? Sorry di ako nakailag…”, tinigil ko yung pagyoyosi ko, “Ok lang naman, salamat sa pagbalik ng panyo ko ah”.. alam kong inaantay niyang magpakilala ako pero hindi ko ginawa…kinabuksan nakita ko nanaman siya dun sa yosi spot ko kasama ung mga kaibigan ko, nag hi ulit sakin pero d ko pinansin, tapos nakita ko yung kaibigan ko may pinapakita sa phone, ayun binigay ata ung number ko, ayun kinukulit nako sa text, tapos nag-aya na siyang kumain, naalala ko pa unang libre niya ko sa siomai-an dun sa lacson, madalas na kami nagkikita.. naging close siya sakin… hindi naman siya gwapo, pero may appeal, sobrang bait niya….alam niyang may bisyo ako pero di parin niya ko dinedeadma…. Ramdam ko na may gusto siya sakin, ako naman unti unting nahuhulog rin sa kanya… naging close kami for 3 months, then ayun nagtapat siya sakin… “Kim, alam mo bang ayaw na ayaw ko sa mga babaeng may bisyo, hindi ko alam pero ikaw yung nagustuhan ko..”, “Nag-hang yung utak ko, di ko lam pano magrereact, kung maiinis, maiinsulto, pero sigurado ako, kinilig ako, si Elti yung tipong maangas tignan na cute pero sobrang bait at ang linis ng puso, tapos wala pang bisyo...ayun naging kami… Naalala ko pa yung sinabi niya pa sakin, “Kim, kung magyoyosi ka, bigyan mo rin ako, three times ng niyoyosi mo, ako magyoyosi para sayo”, may asthma si Elti, wala siyang balak gawing bisyo ang pagyoyosi, ginawa niya yun para umiwas ako, naawa ako nung minsan nagyosi ako tapos 3 yosi yung ginamit niya, ayun kinabukasan sinumpong ng asthma… Nagbago buhay ko sa kanya, totally, nawala yung pagyoyosi at paginom ko… feeling ko naging bagong nilalang ako dahil sa kanya, mas naging close ako kay God, active kasi si Elti sa church…madalas akong sumama sa Praise and Worship nila sa church nila….. both 4th year na kami ng nalaman namin na may cancer siya sa liver… stage 2…nalungkot ako… as in nadepress talaga..si Elti naman, nakangiti parin, masyado siyang positive sa buhay, ang sabi pa niya sakin, “Malakas ako!, mabubuhay pako ng 80 years Kim, wag ka ng sad diyan! :)”… nagkunwari akong okay ako pero kasi sumasama ako sa family niya pag nag chechemo siya, parang hirap na hirap siya, pero pag nakaharap na sa tao nakangiti lagi…. Dumating ang panahon na nagtapos na siya ng BSCE, ako naman nagwowork na… lagi parin kaming sweet tulad ng dati.. may mga pangarap na kami sa isa’t isa, pero nung April 25,2012… nagtext yung mom ni Elti, ayun nasa ICU daw, sobrang sakit daw ng tiyan… Pinuntahan namin siya… iba na yung feeling ko… nakahiga na siya dun sa ICU, marami raw komplikasyon sa katawan niya.. di ko alam pano ako magrereact…. May 2,2012, hindi ko alam na ito na pala huling beses na makakausap ko si Elti, natatandaan ko pa yung huli niyang sinabi sakin, “Kim, ok lang kung may maghanap ka ng iba, hindi ako magagalit, basta mas pogi sakin at mas mabait ah!:D”, nainis ako nung una kasi parang nagpapaalam na siya, pero ayun kinabukasan,May 3,2012, natanggap ko yung text, “wala na si Elti”… Iyak ako ng iyak sa office ng mabasa ko yung text, tinawagan ko pa yung kapatid ni Elti para malaman kung totoo nga…..

Di ako makamove on…Ang lalakeng nakapagpabago ng buhay ko, wala na…Ni hindi man lang nagpaalam sakin ng maayos, nakakainis siya, may pasabi sabi pa siyang 80years pang mabubuhay eh wala pang 2 years, nawala na siya…..Hanggang ngayon, nagpaparamdam parin siya sakin, sa panaginip,… “Elti, kung nasan ka man, alam mong mahal na mahal kita, ikaw nakapagpabago ng buhay ko, nagpapasalamat ako kay God dahil sa 3 years nating pagsasama, naging fruitful ang buhay ko… salamat.”

Guys, mahalin niyo mga taong nagpapahalaga sa inyo.. hindi man natin sila makakasama habang buhay, ang matatamis na alaala naman ninyo sa isa’t isa ay mananatili magpakailanman…

Kim 
2007 
College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon