A letter from here to somewhere

19.4K 256 37
                                    

Fourteen months na sana tayo ngayon. Ang saya sana natin kahit wala tayong ginagawa maghapon. Pero wala eh, hanggang dito na lang talaga tayo. Ayokong matapos ang lahat pero pinili mong umalis na lang at tuldukan lahat to.

Hindi ko pa rin tanggap at hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Sinaktan mo kasi ako. Ayoko tanggapin na wala na tayo pero ano nga bang magagawa ko? Nag desisyon ka na. Pero bawat sandaling maiisip at maalala ko ang mga bagay na dati ay tayo, ang mga pinagsamahan natin, bumabagsak na lang ang luha ko. Kahit ngayon na sinusulat ko to para sayo. Masakit pa rin talaga, at mas masakit na wala kang pakialam. Hanggang ngayon mahal pa rin kita kahit na iniwan mo ko mag-isa.

Hindi pa rin naman ako sumusuko, pero natatakot akong bawat hakbang na gawin ko patungo sayo ay lalo ka lang lumayo. Kung nasaktan kita hindi ko naman yun ginusto. Alam mo namang hinihingi ko lang sayo na maging honest ka sa lahat ng bagay tungkol sa atin at sa nararamdaman mo.

Hindi ako perpekto, oo swerte ko nga lang na naging tayo. Kasi sa totoo lang di ko naman inasahang mahal mo rin ako - noon. bawat araw na kasama kita sobrang saya ko, at ipinaramdam ko lahat sayo yun. hanggang ngayon tinutupad ko pa rin ang mga pangarap na binuo natin, kahit ako na lang mag-isa. Mahirap kasi tinatalo ako ng lungkot ng kawalan mo. Hindi mo alam planoado ko na talaga ang future natin. Hinihintay ko lang makagraduate tayo. Nag-aaral pa lang tayo nakabudget na susuweldohin ko sa future. Oo, kasi pinag-iipunan ko na yung kasal, yung bahay, at magiging pamilya natin. Ang sarap kasing mangarap na kasama ka. Handa akong ibigay lahat ng kaya ko dahil alam kong kakayanin ko kung kasama kita. Pero nawala ka.

San nga ba tayo nagsimula? Gusto ko lang naman alagaan at mahalin ka. Pero simula nung parehas tayong umalis sa UST nagbago ka. Nung unang mga buwan sweet ka pa kahit na ldr tayo, pero nung nagtagal napansin ko ang panlalamig mo. Akala ko ba naiintindihan mo kung bakit di tayo ganun makakapagkita ng madalas? kaya nga ko lumipat ng school kasi hini na namin kaya ang UST. Kaya sorry kung mahirap lang ako, kung di kita mapuntahan gaya nung magksama pa tayo.

Inamin mo sakin na siguro nga nababawasan na yung feelings mo, kasi nga ldr tayo. Halos mabasag ako nun, pero okay lang, pagkukulang ko rin naman yun. Kaya nga kahit na magkalayo tayo binigay ko sayo lahat ng oras ko, kahit na virtual lang tayo nagkakausap. Masakit yun sa part ko, kasi lalaki ako. Ako dapat gumagawa ng paraan pero di ko kaya. Kailangan kong isipin ang pamilya ko, yung matitipid ko para maibigay sa mga kapatid ko. Sa totoo lang ang hirap maging lalaki, kasi dala na rin ng pride na ikaw ang magdadala ng relasyon kasi lalaki ka, sobrang sakit na hindi mo man lang mapuntahan ang mahal mo. Kasalanan mo kung wala kang maibigay sa mga special days, kahit na tanggap naman yun kung wala talaga. Mahirap maging mahirap, lalo na at lalaki ka. Lalo pa kung ikaw ang tumatayong ama kasi wala ka ng tatay.

Naging seloso ako, inaamin ko. Pero pano bang hindi? Halos wala ka na talagang oras sakin, at busy ka lagi. Intindi ko naman, pero sana intindihin mo rin ako. Masakit kapag mas may oras ka pa sa mga kaibigan mo. Payag naman ako, kung di ko sana ramdam ang panlalamig mo. Sabi mo naguguluhan ka sa sarili mo kaya humingi ka ng space. Konti na lang talaga mapapatay mo na ko. Ang sakit eh. Di ko alam kung ano gagawin ko. Babalik ka ba kung ibigay ko yung space na yun? Naayos natin, tumagal pa tayo ng isang buwan hanggang anniversary. ang saya ko na. Salamat sa mga kaibigan natin.

Napuntahan kita, pero di ko alam kung alam mong nangutang pa ko para lang saýo. Kaso sa totoo lang malungkot ako nun. Gusto kitang yakapin pero di ko magawa. Gusto ko hawakan kamay mo. Kasama kita pero di kita maramdaman. Andun yung saya, pero parang wala ka. Sa tinagal tagal nating di nagkita sobrang namiss kita, pero di man lang kita nayakap, kasi natatakot kang makita ng iba. Tinanggap ko na lang kasi baka nga makita ng iba at makarating sa parents mo. Pero naman, di mo pa ba halatang may alam na sila? Hinihintay na lang nilang ipakilala mo ko sa kanila. Ipinagsigawan ko na sa mundong mahal kita, hinihintay ko lang na payagan mo kong sabihin sa kanila, o ikaw mismo magsabi. Masakit din kasing "kaibigan ko po" ang marinig kong sagot mo. Sino ba ako?

Siguro ilalabas ko na lahat ng hinanakit ko sayo dito. Wala ka naman kasi talagang balak kausapin ako, swerte ko na lang kung basahin mo pa to. May nabasa akong post by the name "khaya", feeling ko ikaw yun pero di mo naman inamin.
Wag mong sabihin i didn't stand up for you kasi ipinaglaban kita. Alam ng lahat kung gano ko ka-proud na gf kita. di kita ipinaglaban? saan? may hindi ba ako alam? sabi ko naman kasi sayo maging honest ka, kahit masakit pa.. Paano ba naman kita ipaglalaban sa isang bagay na di ko alam? At paanong di ko iisipin na fake ang lahat kung halos dalawang linggo pa lang ng iwan mo ko may bago ka na? ikaw na mismo umamin sa post mo diba? you are finally with some other guy..

Pero sa lahat lahat mahal pa rin kita. Di ko nga alam kung bakit mas mahal pa kita ngayon. Mahirap ang kalimutan ka, di ko kaya. Bumalik ka na please? Gusto kong magising sa bangungot na to na ikaw ang una ko makikita. Wala akong gusto kundi makasama ka, at maging tulad tayo ng dati. Tigilan mo na ang pagtingin sa masasakit na nangyari kasi hindi naman dapat ganun ang relasyon diba? Wag mo nang ipilit ang pagkukulang natin kasi limot ko lahat yan makita ko lang ulit ang ngiti mo, that smile you would always give me. gusto ko na tigilan ang pag-iyak ko kaso di ko magawa. Walang makapagpasaya sakin kundi ikaw. Sinubukan ko na lahat, pero wala. Lahat kasi ikaw naalala ko, yung mga nakaraan na masaya tayo. Pero sa halip na maging masaya ako hindi eh, kasi ako na lang mag-isa. Bumalik ka na, hihintayin kita kahit gaano katagal. Sana alagaan mo ang sarili mo kasi wala ako sa tabi mo. Sana alagaan ka ng bago mo at ibigay lahat ng di ko nabigay sayo, pero pangako ko maghihintay ako. Bumalik ka lang kung kelan ka handa. hanapin mo ang sarili mo. Hindi ako mawawala.

Jollibee
2008
Faculty of Engineering

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon