Just wanted to share my story. Nangyare eto ngayon. December 24, 2014 10:14 am. I texted my love last night kung ano na ba talaga kami. We've been together for 2 years and 8 months. On and off. Pero can still handle things pa naman. Ngayon wala na kami. Pero may namamagitan pa samin. We still talk, We still see each other and we still get jealous.
Magulo ang relasyon namin. Pero aaminin ko, mahal na mahal ko padin sya. I tried to move on after we broke up pero it turns out na sya padin talaga. Minsan ayoko na pero tanga ako e. Isang text nya lang sakin, Nandun na agad ako. Sobrang hirap mag move on mas lalo na kung parehas kayo ng mga kaibigan, hinahanap ka ng magulang at nagaaral kayo sa isang paaralan.
Sinubukan kong tanungin sya kung ano na ba meron samin. Kasi nahihirapan nako. Ayoko na yung feeling na lost. Umaasa nanaman ako na postive sagot nya. I texted him. "Tawag ka." He called after a few minutes at eto ang convo namin.
Me: uy ano na. Nabasa mo ba text ko?
Him: Ano? Ang drama mo. Mamaya nalang nanunuod ako.
Me: Kausapin mo naman ako.
Him: Mamaya na nga. Nanunuod pako NBA e.
*Call ended*
So ayun, Kahit kelan wala talaga kong laban sa NBA na yan.
After an hour nag wechat sya sakin. At ayun, nagtalo nanaman kami. Sinabihan nyako ng masasakit na salita. Minura nyako. Pinagtabuyan. Habang ako, umiiyak at sinusuyo sya.
Me: Ayaw mo na ba talaga? 101% sure?
Him: Oo ayoko na.
Me: Di mo na ba ko mahal?
Him: Hindi. Di ko nga alam kung bakit pa kita minahal. Napaka walang kwenta mo.
Me: Wag ka namang ganyan oh.. Pls.. Kung may nagawa man ako sorry na pls wag mo nako pangunahan ng galit..
Him: Hay nakakairita ka. Ang kulit kulit mo. Ginagalit mko!!! Sinira mooo na yung araw ko!!! Puta bwiset. Wag mo nako kausapin!
Gumuho mundo ko nung nabasa ko sagot nya. Kala ko kaya ko pang tiisin yung sakit e. Pero unti unti akong dinudurog ng mga salita nya.. Di hamak na isang babae lang naman ako na di worth it para sa taong mahal ko.
Ikaw, kung nababasa mo to.. Sorry sa lahat ng nagawa ko. I tried my best to make it up to you. Binabaan ko na pride ko, ginampanan ko na yung role dilang pagiging girlfriend mo pero as boyfriend na din. Hinatid sundo na kita sa bahay mo, pinagluto na kita ng gusto mong pagkain, mas pinili kita kesa sa mga kaibigan ko, binuhos ko na lahat ng luha ko para mapansin mmo na nahihirapan nako. Pero isang walang kwentang malanding babae padin yung tingin mo sakin. Eto yung pinakamalamig na pasko ko. Di lang dahil sa ulan. Kungdi dahil dyan sa cold heart mo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Pero lalayo nako, sumaya ka lang. See you when I see you. Sana pagbalik ko galing Canada, napatawad mh nako.
At sana yung susunod na babaeng mamahalin mo, di mo gagantuhin. Sana mahalin mo sya hanggang dulo, tanggapin mo sya sa kung ano man sya. Respetuhin mo at pagkatiwalaan mo.
Nakatatak ka padin sa puso't isipan ko. Pero isang memory ka nalang sa buhay ko.
Merry merry christmas and happy new year! God bless
Cristine Reyes na nabugbog
2014
College of Commerce and Business Administration
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles