Student Nurse

20.6K 322 25
                                    

Isa sa mga trabaho ng student nurses ay yung mga trabahong tinuturing na pang "care giver"" sa ibang bansa. Bukod sa pag bibigay namin ng gamot o pag gawa ng mga skill gaya ng pag-lagay ng catheter, etc., kasama din sa "job description" namin as student nurses yung pagpapaligo at pagpapalit ng diaper ng mga pasyente.

Minsan, nagkaroon ako ng pasyenteng may lung disease kaya may nakapasok na tubo (intubated) sa daanan ng hangin nya. Ayun, maraming beses din sya naassign sa akin kaya naalagaan ko sya mabuti. Nakilala ko asawa nya, mga anak, kaya medyo napalapit ako sa kanila at ganun din sila sa akin. Yun nga, dala ng sakit nya, hindi nya kayang magkikilos kaya ultimong pagpapalit ng diaper nya na -- medyo humahagod sa ilong yung amoy -- ako na nagpapalit. Aaminin ko, hindi ko talaga gustong ginagawa yun. Minsan hirap na hirap akong wag mapakita ng expression habang ginagawa ko yun.

Then one day, out of nowhere, nung pumunta kaming ward, nakita ko andaming tao. Nakita ko na iba na kulay ng pasyente ko. Namatay na. Hinanap ko ngayon yung asawa kasi, sabi nga sa amin ng mga professors namin, nursing is a wholistic approach. Ako naman yung masunuring bata, sinubukan kong i-console yung asawa.

Hinawakan ko sya sa balikat as a sign of empathy, ngumiti sya at hinawakan din yung kamay ko. Damn... BIGLANG BUMUHOS YUNG LUHA'T SIPON KO. Nasira pagkalalaki ko, at naturingan pa naman akong patay na bata sa madalas na kawalan ko ng reaction sa mga bagay bagay. Walk-out ako bigla at humagulgol sa kabilang dulo ng ward.. siguro medyo nakakatakot akong umiyak kasi pag may nagtatangkang lumapit sakin biglang lalayo.

Maalaga
2010
College of Nursing

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon