The Girl With The P

2.5K 15 1
                                    

Incoming freshie nga po pala..

So here it goes..

Bilang babae syempre gusto natin presentable tayo
Kaya nga..
Nagmemake up
Bumibili ng mga damit
Mga shorts, skirts, tops and dresses, shoes and accessories
at kung ano ano pang cheche bureche na di ko na alam ang tawag kasi hindi ako sanay
ang mga damit ko ay galing donation box as in mga pinaglumaan nila mommy, ate ko at tita ko pero ayos lang. I'm grateful naman. Although minsan, you want to feel na you're a girl, you get to dress like those models you see on TV yet I just sigh on what I see as I stare at my reflection.

Shirts and pants kind of girll kasi ako
Although I wear dresses on Sundays pero ngayon kasi..
Taba ko na..hihi
(that akward moment and feeling na mas sexy pa nanay mo kesa sayo. hayst)
So ayun! di ko na feel magdress
I guess alam naman ng mga girls na nakakawala ng confidence ung kita bilbil mo, halata yung tiyan mo sa t-shirt mo, trying hard na hindi magmukhang suman sa mga sinusuot, yung makita mong halos pantay ung dibdib mo sa tiyan mo..

Yung mukha ko..
I don't even know how to wear make up
hanggang blush on,powder at lipstick lang ako..
mukha pa akong flappy bird sa labi ko xD
Occasionally ko lang ginagawa un
pero sa totoo lang hindi ako pala-powder
madalas makitang oily yung mukha ko at haggard
Madalas pa naman ako mawalan ng panyo
Asar naman kasi yung mahilig mantrip na ang trip ay ang magnakaw ng panyo
Sana naman sa college hindi na iyon uso anoh?

Hindi ako matangkad
Tipong bonsai
Chubby,chaka, chanak (tiyanak) ako
Ang masakit pa..
Pagiging tisay na nga lang ang asset ko
Hindi ko pa inalagaan balat ko..

Nagsimula siya sa dandruff na tumindi
Napansin kong hindi na pala dandruff kinakaskas ko kundi scalp ko na
Ayun! Nagsugat siya to the point na may amoy pa
O sige na mandiri na kayo
Oh wait! there's more!
Akala ko may pimple lang ako sa likod
pero pagkacheck ko bakit parang kaliskis ang dating
Kumalat yung pantal pantal na parang kaliskis sa buong katawan ko
Lalong bumaba self esteem ko noon
Maikli lang ang buhok ko
Para lang matago yung puro pantal sa noo ko
Nagpa-bangs ako
Try niyong i-imagine
Oo! kamukha ko si Dora!
Violet pa po bag ko nun hahahaha

Masakit na paulit ulit kang tatanuning ng mga tao sa kung anong kalagayan mo tapos pauluit ulit mo rin silang sasagutin kahit na ayaw mo naging kapalaran mo..
Na kung bakit sa lahat pa ng sakit na pwede mong maging sakit is yung halata pa..

Yung nakikita pa na wala namang permanent cure..
Pwede ma-control ung pagdami nila pero lalabas at lalabas kung kailan niya gusto
Tapos magtitrigger pa siya kapag stressed ka eh hindi naman maiwasan iyon..
I have a skin disease called ""Psoriasis""
Search niyo na lang..
Yung nakikita niyo doon..
Yep! ganoon ang itsura ko
Although hindi ganoon kalala kasi naglalagay naman ako ng ointment peor it can be bad as that..

Nakakalungkot yung mga biro na sabihan kang hindi ka magkakaboyfriend kasi ipagpapalit ka lang naman sa mas maganda, mas sexy at malamang, walang psoriasis

WOW ha!

Oo na! Nagseself pity ako..most of the times
Takot akong maiwan
Na baka ipagpalit
Na paano kung hindi ako makapaglagay ng gamot
Medyo mahal pa naman siya
Paano kung hindi na umepekto yung gamot
Paano kung matadtad na naman ako ng mga pantal tulad dati na sobrang lala niya
Natatakot ako sa rejection..
baka pandirihan ng mga taong hindi nakakaintindi
Natatakot ako sa mga oras na iyon..

Gigising sa umaga
Pagkaharap sa salamain, ang taba na nga, may nakakairita pang Psoriasis..

Oh well..

Oo na!
Mas marami pa ring tao ang mas may malaking problema kaysa sa akin..

Kaya tumingin na lang sa mga bagay na dapat pasalamatin ko..

Mga taong nandiyan para sa akin and called me beautiful despite of the fact na nakikita nila ang mga marka ng psoriasis

Mga taong tinanggap ako at niyakap ako in my darkest hours
Mga taong mahal ako at nirerespeto ako
Mga taong hindi ako iniwan, iniiwan at iiwanan.

Mahal na mahal ko po kayo..

Maraming maraming salamat sa Panginoon kasi sila yung naging instrument para hindi ako panghinaan ng loob na abutin ang pangarap ko at tandaan na hindi hadlang ang sakit ko at walang magagawa ang pagseself pity but to bring ourselves down..

Sa mga taong hindi nakakaintindi ng sakit ko..
Hindi po siya nakakahawa,,
Feel free to hug us

FREE HUGS! kiki emoticon

Sa mga taong ang pakiramdam nila ay hindi sila maganda
Huwag kang mag-alala, ang maganda ay depende lang yan sa katabi.. CHAROOOOT!..dejoke lang..
Love yourself!
Huwag dumepende sa mga mata ng iba
Hindi mo obligasyon maging head turner
Obligasyon mong maging komportable at tanggapin ang sarili mo
'Yung tipong hindi mo kailangan magpa-impress sa iba..

So ayun lang..
Pasensya na kung mahaba..

God bless everyone!
Mwuaaah

/sɵˈraɪ.əsɨs/
2019
Science


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon