2012... noong una tayong nagkakilala. naaalala ko, hindi mo ako gusto noon at ganun din naman ako sayo. ngunit makalipas ang ilang buwan ay nakakaramdam ako ng hindi ko gusto sa pagkat kayo ng kaibigan ko at alam kong hindi ito tama... "nasaan sya?" "kasama mo ba sya?" "bakit hindi sya nagrereply?" ilan lang yan sa mga salita mo na dumudurog sa puso ko noong mga panahon na yon.
2013.. kalagitnaan ng taon. matagal na kayong wala ng kaibigan ko noon kaya't umamin na ako sa kaibigan ko na gusto kita at humingi ng paumanhin sa kanya.. siya ay nagulat at tumawa ng tumawa dahil sa hindi paniniwala sa mga narinig nyang salita na lumabas sa aking bibig.. pagkatapos naman noon ay sa kanya rin nanggaling ang lakas ng loob ko na sabihin sayo ang aking tunay na nararamdaman..
makalipas ang ilang araw.. nagtext ka at nangamusta.. ako ay gulat na gulat at agad agad na napaisip kung ito na nga ba ang panahon upang umamin ako sayo. hindi ako mapakali noong mga panahon na yon sa pagkat hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa iyo ng tama dahil alam kong hindi ka maniniwala sa isang taong mapag birong katulad ko.
makalipas ang ilang oras.. bigla ko na lang nireply sayo kung ""pwede bang maging tayo kahit one month lang?"" sobrang kaba ko.. alam kong hindi ito ang tamang representasyon ng pagmamahal ko para sayo. ngunit hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang lakas ng loob ko noon kaya iyan lang ang nasabi ko...
nagtanong, nagulat, tumawa. nagtanong, nagulat, tumawa. yan ang mga sagot na nakuha ko mula sa iyo. makalipas ang ilang minuto ay pumayag ka na rin. sobrang natuwa ako na hindi ko na maipaliwanag ang mga dahilan ng ngiti ko. at napagkasunduan natin na gawin lamang na lihim ito.
matapos ang isang buwan ay tinanong mo ako kung gusto ko pa bang ituloy kung ano ang mayroon satin. hindi ako nagdalawang isip na sumagot ng ""oo"" sapagkat wala namang kahit sinong tao ang gustong mawala ang kanilang mahal, diba?
ika apat na buwan ng ating relasyon sinabi mo saakin na akoy nagugustuhan mo na at nung ika anim na buwan naman ako umamin sayo na mahal na mahal kita..
naging maayos ang takbo ng relasyon natin hanggang sa dumating na ang mga third party.. marami akong nababalitaan, naririnig, nararamdaman at nakikita.. na hindi ko kayang sabihin saiyo sa pagkat ayokong mawala ka.. nagagalit ang aking mga kaibigan sa katangahan at bulagbulagan daw na ginagawa ko.. may mga kaibigan akong nagpahiram ng kanilang instagram at twitter sa akin upang mabalitaan ang mga nangyayari sayo..
marami.. marami akong nakita na hindi ko sinabi sayo. marami akong nabasa. hindi ko inaasahan na ganun pala ang kaya mong gawin.. naiyak, nasaktan, naiyak, nasaktan.. ang tanging nararamdaman ko ng mga panahon na iyon. dumating din ako sa punto na hindi ko na tinitignan ang account mo dahil ayoko na at nagsasawa na akong masaktan ngunit alam kong mas masakit kapag iniwan mo ko.
isang taon na tayo mahigit hindi ko parin kayang sabihin sayo.. ayokong sabihin sayo dahil baka sumabog ako, makapag salita ng hindi maganda at tuluyan na mawala ka. ilang beses kita binigyan ng chance.. ""may gusto ka bang sabihin?"" mas gusto ko kasi noon na sayo manggaling mismo. sapagkat umasa ako na kahit papaano ay alam kong nagsisisi ka sa mga kasalanan mo. na nakokonsensya ka. ngunit nabigo ako. dahil sa tuwing tinatanong kita niyan ay nagagalit ka at sinasabihan mo ako na naghihinala ako sayo.
november 2014.. hindi ko parin sinasabi sayo ang lahat. wala ka paring idea na alam ko at nakikita ko ang lahat. kakauwi ko lang noon galing sa birthday party ng kaibigan ko. lasing ako nun. hindi ko na nga nakuhang magbihis ang tanging nagawa ko na lang ay tawagan ka. sapagkat yun ang nakasanayan ko. ""drunk call"" ikaw parin ang hinahanap ko kahit wala na sa tamang wisyo ang isip ko. kinausap kita noong madaling araw naiyon.. pinag ppromise kita na wala kang iba. ""wala kang iba? promise? s2g?"" ang naaalala ko na lang nun ay ""oo na matulog ka na ___"" naiyak na lang ako nun dahil hindi mo kayang mangako at tuluyan na lang na nakatulog.
makalipas ang ilang araw.. nakita ko na lang sa isang account mo ang isang litrato na may kasama kang iba na nanood ng sine. nakita ko rin ang mga comment niyo na para bang walang ako.. na para bang sya lang at wala ako.. kinausap kita dahil hindi ko na kinaya. sobrang durog na durog ako nun at wala akong nagawa kundi umiyak na lang at tawagan ang kaibigan ko na pwede kong makausap. nalaman ko rin na naging kayo dalawang araw bago kita pinagpapromise sakin. kaya pala.. kaya pala hindi mo magawang mangako dahil meron ng kayo. nagbreak tayo. ngunit ako rin mismo ang nakipag balikan sayo makalipas ang ilang oras dahil hindi ko kayang wala ka..
alam ko malaki ang naging pagkukulang ko.. hindi tayo nakakapag kita dahil sa problema ko sa aking pamilya.. kaya hindi rin kita masisi na maghanap ka ng iba.
naging smooth at halos perfect na ang pagsasama natin dahil nagkikita na tayo at nakilala na ako ng personal ng pamilya mo..
january 2015 naghiwalay tayo dahil nalaman ng pamilya ko. nasaktan kita at pinagsisihan ko ng sobra iyon. nagalit ka dahil hindi ko kayang ipaglaban ang meron sa atin. nag break tayo ng isang linggo dahil galit na galit ka noon sa akin at galit na galit din ako sa sarili ko bakit hindi ko maipaglaban ang meron satin. sinubukan mong makipag balikan ngunit ako na mismo ang umayaw. dahil alam kong masasaktan ka lang lalo dahil hindi ko maipaglaban ang meron sa atin at alam kong hindi nila tayo matatanggap dahil pareho tayong lalake.
P.S. Im glad na okay ka na kagaya nung sabi mo nung huli kang nag message smile emoticon
P.P.S. malapit na sana second anniversary natin. hahaha"
llij
201*
Faculty of Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles