Best Actor & Best Actress III

2.2K 43 0
                                    

It's been a year nung nagpasa kami ng story namin ng Girlfriend ko dito (She's from FEU). Parang kelan lang mga estudyante pa kami, Ngayon officially unemployed na haha!

Madaming nagcomment sa post namin noon na "Walang Forever!" "Mabe-break din kayo!" at nakakatuwa din na madaming kinilig at natuwa sa kwento kung pano kami nagkakilala. Kahit kami hindi namin maimagine na pwede pla talaga mangyari yung mga ganun no? Anyway, Alam kong di pa sapat yung tagal ng pinagsamahan namin para makilala namin ang isa't isa at malaman na kaming dalawa na talaga, pero hindi naman masamang i-enjoy yung mga araw na magkasama kami diba? Yung pagmamahalan na nararamdaman namin ngayon. Yung memories at moments namin together. Yun naman ang importante diba? Yung nararamdaman nyo sa isa't isa. Dapat pahalagahan. Kumbaga sa halaman, dapat inaalagan para mag grow. Para mag grow yung binhi ng pagmamahalan nyo. At yun ang ginagawa namin.

Pero nkakalungkot din pla, lalo na ngayong aalis kna papuntang ibang bansa. Maninibago ako ng sobra. Mamimiss ko yung pagiging clingy mo, mapang asar pero numero unong iyakin, mapangurot, maldita, mapanapak at madaldal na tipong hindi nauubusan ng kwento. Ang saya saya ko tuwing magkasama tayo, yung tipong hindi nauubos yung ngiti ko, yung feeling na mas napapamahal ako lalo sayo.

Thank you Babe, kasi nung mga panahong nagiging mahina ako at nawawalan ng pag-asa sa studies, sa relationship natin, nung mga panahong binuhusan ako ng problema, ikaw yung taong hindi ako iniwan kahit nasisigawan na kita paminsan, kahit alam mong naiirita na ko, kapag hindi ako nagttext sayo ni hindi mo ko pinakitaan ng paghihinala. Yung mga araw na hindi kita masyado kinakausap, yung mga panahong lugmok ako pero pilit mong pinapagaan yung loob ko. Ikaw yung babaeng marunong umintindi sa ugali ng isang lalaki. Yung hindi mo pinaparamdam sakin yung ""Nature"" ng babae. Na kapag galit ako, hindi mo ko sinasabayan kasi alam mong problemado ako, yung bigla mo nlang akong yayakapin ng mahigpit at sasabihing ""Mahal na mahal kita at ayokong nakikita kang ganyan."" Natatahimik nlang ako bigla, naluluha. Hindi ko kasi maimagine yung sarili ko kapag nawala ka na. Pano na ko pag umalis ka na? Kahit sa simpleng bagay maaalala kita. Pero kagaya mo, magiging matapang din ako. maging matatag ako tulad ng ginawa mo. Kaya wag kanang umiyak jan, pati ba naman sa pag alis mo ako pa din ang iniisip mo? Smile ka na. May 2 weeks pa tayo na magkakasama bago ka umalis. Basta tandaan mo palagi, sa lahat ng sacrifices, pagmamahal at pag-iintindi mo sakin, lahat yun naging reason para mahalin kita ng higit pa sa inaasahan mo. Lahat yun naging reason para makita ko ang sarili ko na ikinakasal sayo, bumuo ng Pamilya at mapatunayan sa buong mundo na wala mang Forever... pero may Lifetime.

HAPPY 1 year and 5 months Babe!! Mahal na mahal kita. Sobra!

PS: Sana natapos mo tong basahin. Sa sobrang iyakin mo kasi, minsan puro kana iyak hindi mo natatapos yung binabasa o pinapanood mo hahaha


My Girlfriend is the BEST of the BEST
2010
Faculty of Engineering


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon