A Very Very Bad Boy

13K 396 30
                                    

Tayong dalawa ay parang yung mga nasa stories lang na bad boy meets good girl sa isang eskwelahan. Isa kang bwisit, gago, manyak at babaero. Wala kang sineseryoso kahit pag-aaral mo nga hindi mo siniseryoso eh. Ako yung sobrang kabaliktaran mo.

Matagal na kitang kilala dahil sobrang gwapo mo nga naman talaga at maraming nagkakandarapa sayo pero ako unang beses mo lang akong nakita noong nagkataon na magkatabi yung kotse natin. Kasama mo barkada mo nun at isa sakanila sinipulan ako at tinawag na sexy. Umirap lang ako dahil sobrang stressed na ako dahil katatapos lang ng dalawa kong exam habang kayo eh parang chill chill lang.

Sumunod nating pagkikita ay sa may library. Akalain mong napupunta ka pala dun? Hindi kita pinansin pero ikaw papansin ka. Makulit ka at maingay. Nilapitan mo ako at hiningi ang number ko. Umayaw ako pero makulit ka at sobrang nagingay ka hanggang sa muntikan kang mapalabas. Pero 'never give up' ata ang motto mo kaya ayun, sa bandang huli binigay ko na number ko sayo dahil sobrang nakakahiya ka na. Mageskandalo ba naman sa library!

Niligawan mo ako pero madami akong naririnig na chismis na marami kang nililigawan kaya hindi kita binibigyan ng importansya noon kapag nagtetext ka. Umabot ng dalawang buwan panliligaw mo, nakulitan na ko sayo dahil palagi kang tumatambay sa labas ng room namin. Siguro nachallenge ka sakin kaya todo effort ka sa panliligaw. Pero wala eh, marami pa rin akong nakikita na mga side chicks mo.

Hanggang sa umabot ng pitong buwan, hindi ka pa rin tumitigil sa pangungulit sakin. Madalas ako na ang sinasamahan mo kahit hindi ko naman gusto na kasama ka, napipilitan lang talaga ako kasi inaasar ako ng mga kaibigan ko sayo. Eh sobrang busy pa ng buhay ng graduating kaya nakakatamad ka lalong bigyan ng importansya.

Second Semester ng 4th year, sinorpresa mo ako. Hinila mo akong lovers' lane sabay bigay ng bulaklak at sabing "HAPPY ANNIVERSARY!" Hinampas ko pa sayo yung bulaklak at sinabing hindi naman tayo pero sinabi mo agad "One year na kaya akong nanliligaw sayo!"" Natawa na lang ako. Sa araw din na iyon, napapayag mo ako sa isang date.. hanggang sa nasundan pa iyon ng hindi na mabilang bilang na dates. Humupa na rin yung mga chismis na may mga babae ka pa. Naging seryoso ka na rin sa studies mo.

Isang buwan bago graduation, narealize kong mahal na pala kita. Graduation day, sinorpresa mo ako ng mga bulaklak kasama pa parents mo. Ayun, meet the parents agad ang peg nating dalawa.

Sabi mo pa, "Sagutin mo na kasi ako. Good boy na ako, nagbago ako dahil sayo." Tapos yung sinagot ko lang sayo, "Okay. I love you too." Ang saya saya mo nga nun eh. Naiyak nga ako nung napansin kong napaiyak ka. Damang dama ko na mahal mo nga ako.

Second anniversary, niyaya mo akong magpakasal. Pumayag ako. Kinasal tayo after one year. Ang saya ano? Maayos yung buhay natin, may maganda tayong trabaho, pinaramdam mo sakin na ako ang reyna mo at ang nagiisang babae na gusto mong makasama. Tinupad mo nga iyong vow mo noong kinasal tayo, na magiging faithful ka at ako lang ang mamahalin mo hanggang sa mawalan ka ng buhay.

Sobrang tinupad mo nga iyon.

At ngayon, one week na lang First Anniversary na. First death anniversary. Bakit ganun? Ang saya na eh, napakaperfect na talaga. Pero bakit kasi kelangan mong mawala agad? Anim na buwan lang tayong kasal. Bakit naman ganun? Ang daya mo. Sabi mo good boy ka na, pero bakit mo ko iniwan agad? Ang sama sama mo pa rin. Bad boy ka pa rin. Hindi ka kasi sumusunod sakin! Sabi ko sayo wag ka na pumasok kasi mahangin, at baka umulan ng malakas, madulas ang daan at baka kung anong mangyari sayo. Inaaway away pa kita noon bago ka pumasok nung araw na yun kasi matigas ang ulo mo eh. Sinuyo mo naman ako, sabi mo maghahalfday ka lang sa trabaho para maglambingan na tayo magdamag.

Umiyak pa ako nun kasi gusto ko talaga na sa bahay ka lang. Pero anong sabi mo? ""Wag na umiyak ang baby ko, uuwi rin ako para di mo ko mamiss agad. Promise!"" Yan talaga yung sinabi mo sakin nun. Pero hindi mo naman tinupad yung promise mo. Hindi ka na umuwi. Ay oo, umuwi ka pala agad. Kaso wala ng buhay. Sana sinama mo na lang ako.

Baby, alam kong walang facebook o UST files page dyan sa kung nasaan ka man pero gusto ko lang malaman mo na hanggang ngayon, wasak na wasak pa rin ako. Masakit pa rin. Anong gagawin ko? Gusto kong hukayin yung libingan mo para lang mayakap kita. Ang hirap. Ang sakit naman ng ginawa mo sakin eh, sana nakipagbreak ka na lang sakin noon kesa sa ganito kasi hindi ko talaga kinakaya.

Pero alam mo, salamat sa binigay mo sakin na magandang regalo. Salamat sa munting anghel na binigay mo. Dalawang buwan na lang isang taon na si Gabriel Angelo. Kahit na ang pinakamasakit na parte sa lahat ay iyong hindi na kita kasama na bumuo sa mga pangarap natin noon pag nagkababy tayo. Diba dapat magiging spoiled wife ako sayo kapag buntis na ako? Sabi mo irerecord mo pag nanganak ako diba? Pero kahit na ang hirap na magbuntis na mag-isa, pag nagpapacheck up ako at naririnig ko yung heartbeat ni baby at nakikita sya sa screen, ang saya saya pa rin kasi regalo mo sya sakin eh. Noong nanganak ako, naiyak ako kasi sobrang saya ko at nayakap ko sya. Para na rin kitang nayakap eh.

Sa ngayon, yung bahay natin, mga tawa at iyak ni Gabriel ang nagpupuno sa katahimikan. Kahit na may malaking butas pa rin sa puso ko, kahit na pakiramdam ko malungkot pa rin, kahit na gusto pa rin kitang makita sa bawat paggising ko at makatabi sa bawat pagtulog, kahit na miss na miss ko yung mga yakap mo, kahit bwisit na bwisit ako sayo noong college pa lang tayo, kahit na iniwan mo ako, kahit na binigyan mo ako ng malaking sugat sa puso, ramdam na ramdam ko pa rin yung pagmamahal mo. Salamat sa lahat, mahal. Kakayanin ko to para sa anak natin. 

MGO 
2009 
College of Nursing

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon