Nakalimutan na kita eh. Ayos na ako. Okay na ako. Bakit ka pa bumalik? 'Di ba iniwan mo na ako? 'Di ba sinabi mo na ayaw mo ako, at hindi mo ako gusto? Bakit ngayon na ayos at okay na ako, tsaka mo sasabihin na, "Mahal kita?" Mahina na kung mahina, pero hindi napigilan ng puso kong bumigay ulit. Ang galing mo kasing magpakilig eh.
Ilang linggo ka ring hindi nagparamdam bago ka nag-text ulit. Hindi ko naman ikinagulat eh dahil ganyan ka naman – nawawala tapos bumabalik. Sanay na ako sa ganyang style mo. Haha. Noong araw na iyon, tinanong mo ako kung puwede ka bang tumawag. Sino ba ako para tumanggi, 'di ba? Nag-usap, at nagkamustahan tayo. Hindi ko makakalimutan ang pag-uusap nating iyon. Alam mo ba kung bakit? Well, 10 pm – 5 am lang naman tayo nag-usap. Haha.
3 am ng madaling araw, bigla kang tumahimik. Inamin mo na mahal mo pa rin ako. Naririnig ko noon na umiiyak ka. Ako? Natulala lang ako dahil nagulat ako. Akalain mong minahal mo pala ako, at mahal mo pa rin ako. Tinanong ko sa sarili ko noon kung bakit ngayon mo lang sinasabi mga iyan dahil sobrang pinangarap ko noon na sabihin mo na mahal mo rin ako. Here's the deal breaker though: may iba ka, at kapangalan ko pa. Ang bait ng tadhana, ano?
So ngayon, ako ang parang kabit. Sabi mo nga, "Mahal kita, pero mahal ko rin siya." Ngunit 'di ko malilimutan ang sinabi mong, "Mas lamang ang pagmamahal ko sa 'yo, at sana ikaw na lang pinili ko noon." Alam ko naman na siya pa rin pipiliin mo sa huli eh, pero ang sarap lang talagang pakinggan ang mga salitang iyan galing sa 'yo.
I know that you'll leave me when the time comes. Huwag kang mag-alala dahil handa naman ako eh. Hindi magiging madali, pero kakayanin. Basta tandaan mo lang na 'pag kailangan mo ako, nandito lang ako.
Sabi nga sa The Fault in our Stars, "I cannot tell you how grateful I am for our little infinity." Salamat sa pagpapakilig kahit alam kong may hangganan ang lahat ng 'to. Mahal kita, pero I'm willing to let you go, and let you choose her.
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles