Hi UST Files! Sana talaga ma-post to agad agad, para damang-dama pa yung freshness na nagyari samin nung Freshmen Orientation Week. At dahil wala akong kausap ngayon, naisipan kong dito nalang muna idaldal ang samut-saring experience ko XD
So eto na talaga... SIGURADONG MAY MAKAKA-RELATE DITO AT MAY MATATAWA(ewan lang din XD)
[ TUESDAY (Aug. 4) - Morning ]
Yey! First day namin pero halong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Asar talaga kasi may gc pala ang block namin sa fb pero hindi ako kasali kasi hindi ko alam na gumawa pala sila. So ayun, stranger lang ang peg ko dun pagpasok ko sa room ko sa 3rd flr main building (college of science ako). Nakakakaba kaya kasi baka walang kumausap sakin, baka walang pumansin sakin, baka ang sasamahan lang nila yung mga ka-level nila. Pagpasok ko ng room shy type kunwari, tas medyo pabebe din ako djk. tumabi ako sa isang girl na mag-isa lang din, kase yun ang pinakamalapit na bakante eh. Syempre pakilala kami chuchu blah blah. Getting to know each other.. (Anu daw?! XD) Pero nag-antay lang ako ng ilang minuto nag-aasaran na din kami ng katabi ko. ABA MATINDE! Isang boy, isang girl sila. Tapos hanggang sa nagsabi kami na sabay-sabay na kami mag-lunch tutal solo din daw sila at walang kasabay. Syempre medyo malakas ang loob ko na unang mag-approach kase kapal muks ako ever since elemtary at hs days XD At ipinagmamalaki kong friendly at maingay talaga ako woooh yeah \m/ Edi ayun tatlo kame. Then pinapila na lahat ng freshies sa hallway. Mabanas. Kase madami kame tas medyo siksikan ganon, sa sobrang init sisimple ka na lang na paypayan yung kili-kili mo kase mapapansin mong bagyo na pala dun di ka lang na-inform hahaha Wooooohhh! Then lumabas kame lahat, pumasok kami ng nakapila parin sa QPav (dun sa 5000-seating capacity arena nila o taray diba?) Grabe! KPOP FAN ako so dama ko yung KPOP Concert dun! XD Luh. Grabe pagpasok mo pa lang, kanya-kanya na ng cheer at sigaw bawat colleges! XD Makikita mong excited ang lahat. Tas may apat pang bigscreen na nakapalibot sa arena para kita nung mga malalayo seats yung nasa stage. Bongga diba? may mga camera man pa at spotlight. Tapos bet ko pa yung fog na nasa stage. XD Ok tama na. Pero de, MAPAPA-BEAST MODE KA TALAGA SA SAYA~ XD Sabay may mga kanya-kanyang props, at pailaw pa bawat colleges. Yung amin yung parang lightstick eh. HAHAHAHA Tapos ang kagandahan pa nyan nasa unahan yung seat namin, kumbaga sa concert hindi lang sya VIP, SVIP NA SIYA! Wooohhh! At dahil mahilig ako sa sayaw, mas natuwa ako sa Salinggawi Dance Troup! MYGHAD! Atlast, napanood ko din sila ng live kahit hindi pa talaga UAAP! smile emoticon
*fast forward*Tapos nag-lunch na kame aba matinde ulit. Di naman ako na-inform na may inaantay pala si Cha (kunwari name ni girl) ibang section sa course namin. May inaantay daw siya, sasabay daw samin maglunch. Luh. Edi eto na.. Natanaw namin yung tinuturo ni Cha. Nang lumapit samin. alive na alive na nag-greet samin. Sabe pa niya samin ni Sean (kunwari name ni boy).. ""Wazzup Bro.. "" (sabay apir) then sakin naman.. ""Hi! Wazzup.. Im... (madami nang sinabe)"" (sabay shake hands saken) Takte. Siya palang naririnig kong mag-english maghapon na dere-deretso. I mean sa block namin parang wala namang nag-e-english ng ganon. Tagalog lang ok na. Siya panay talaga ang pag-e-english niya with ACCENT PA! Ano to?! As in nakakatawa siya mag-english kasi akala ko jino-joke niya lang kami or akala niya nag-e-english din kame. Ayun pala, ganon talaga siya sabi ni Cha. Nalaman ko na sa La Salle chuchu kasi siya nag-aaral, RK, at english speaking talaga. Sorryn naman. Siya si Dan (kunwari name nya). Hyper siya, laging nagkukwento. Tapos kahit sino atang guard ang nadadaanan namin sa UST, gini-greet niya. Sabay matatawa nalang yung mga guards! wtf~ Yan tuloy kaclose na niya siguro halos lahat ng mga guards sa campus HAHAHAHA
[ TUESDAY (Aug. 4) - Afternoon ]
So sa 7-eleven lang muna kami bumili ng hotdog sandwich kasi kailangan na namin agad makabalik sa room. Lahat ng mapuntahan naming kainan puno na kasi ba naman late na natapos yung sa arena ewan. KAWAY SA MGA NAKARELATE NUNG 1ST DAY FRESHIE! PATI SA MGA LATE DIN NAKABALIK! 7-eleven nalang kami kasi yun lang ang malapit na walang pila. Shet kase 11:45am na at 12:00 dapat nasa room na. Tae talaga kase, alam niyo bang inaabot kami ng halos 10mins paglakad ng balikan from Main building palabas? Sinabayan pa ng tirik na araw. Yung lahat kame amoy pawis na bago makabalik at maka-akyat sa 3RD FLOOR ganon. Nakakahapo mga be squint emoticon Aba ilang hagdan pa ang inaakyatan namin. At dahil pabebe kame, walang makakapigil samin na mag 7-eleven na nga lamang at dun kami bumili ng hotdog sandwich. Tas bago pa pumasok ng room, akong si tanga na na-mantsahan pa ng sauce yung white polo ko (dibdib part) which is yung Type B uniform namin. Ang swerte diba? Na-late na nga kami pagpasok sa room, haggard pa kame with matching amoy araw, at eto ako muntik ng mamatay sa kahihiyan na may mantsang kita sa dibdib ko. Pag may pumapasok pa naman sa pinto usually, LAHAT SILA TITINGIN SAYO. ARTISTA ANG PEG MO DON. Buti nalang medyo malaki yung bag ko, sinakbit ko nalang siya sa harap ko. Sana hindi nila nahalata kasi medyo malaki yung mantsa. HINDI KO MALILIMUTAN YUNG SAUCE NA SUMIRA NG ARAW KO 1ST DAY NA 1ST DAY PA NAMAN. AYAW KO TALAGA NG MAY MANTSA SA DAMIT. HANGGANG NGAYON SINISISI KO PARIN YUNG SAUCE NG 7-ELEVEN squint emoticon
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles