M o v e - o n

17.3K 217 10
                                    

You broke up. You move on. Magigising ka na lang isang araw na okay na. Wala na yung bigat ng feeling. Yung sa tuwing maaalala mo siya, may kirot. Oo, masayang alalahanin yung pinagsamahan niyo, lahat ng pinagdaanan niyo throughout your relationship (or kahit MU lang kayo), but you can't deny the fact that it still hurts. Mapapaisip ka na naman kung saan ka nagkulang or kung saan kayo nagkamali. Kasi kung feeling mo "clean" ka na of all the memories and the hurt, panandalian lang yan, sa totoo lang.

Mare-realize mo na hindi ka pa totally nakakalimot. Aminin man kasi natin or hindi, may mga bagay na mahirap makalimutan lalo na kung matindi ang naging epekto. Maybe kasi yung taong yun yung nagturo sayo kung paano maging matatag or yung nagparamdam sayo na importante ka. Siguro naman kasi siya yung laging nandiyan para sayo. He/She inspires you to be a better you, and he/she believes in what you can do. Or baka naman kasi, "the first cut is the deepest" lang ang peg. Mahirap nga kung ganun. Pero, to all of us, mapa-babae man or lalake, walang mali dito. Lahat naman siguro tayo mararanasang ma-fall sa hindi natin inaasahang tao sa hindi inaasahang oras sa hindi malinaw na dahilan.

All I want to say is, makaka-move on ka talaga. Mahirap, pero hindi naman pwede na habambuhay na lang magmumukmok, right? Help yourselves. Find distractions. Yung makakatulong sayo para makagawa ng mga makabuluhang bagay. And think of the nice memories na lang kung hindi talaga maiwasang hindi isipin ang nakaraan. At one point, mangingiti ka. Then maiiyak ka. Hanggang sa darating yung araw na masasabi mong okay na okay na okay ka na. (Maaaring matagal pa yun pero tiwala lang.) Pwedeng nakahanap ka na ng iba... ibang pagtutuunan ng pansin. Or tanggap mo na talaga sa sarili mo na, sa ngayon, hindi niyo pa time and maybe hindi naman kasi talaga kayo ang nakatakda. Kumalma ka lang. Isipin mo, kung pinilit mo ang sarili mo sa taong yun, masaya ka ba ngayon? Always ask yourself that question. It helps. Kung oo ang sagot mo, ewan ko sayo. Joke lang. Sagot mo yan eh, ang sa akin lang, wag mong ipilit kung ayaw na sayo. Someone better's coming for you. 

PS. So magulo yung gusto kong sabihin? I'm sorry  Pero ganito talaga ako. Hehe. I hope may mga nakaintindi sa akin. I tried organizing my thoughts into words pero mahirap. Basta, darating din ang araw na magiging okay na ang lahat. To everyone who bothered to read this, salamat! 

PPS. To girls left hanging, bitaw na. Ako rin naman, naiwang umaasa. Masakit talaga sa una pero kakayanin yan. Sa mga paasa naman, bakit kayo ganyan! Joke lang. Pero kasi, kung wala kayong intention talaga, don't mess with anyone's feelings. Wag niyong iparamdam na ganito, ganyan. Oo, maaaring assumera lang kami pero hindi kami magiging ganito kung wala kayong pinaparamdam. Okay? I know na hindi pa ubos ang mga lalakeng matino at may isang salita. 

Z
201*
College of Science

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon