Before the first sem ends. Nagtext si Louie (itago na lang natin sa pangalan na yan) he's from College of Business Administration Major in MM.
L: *insert name here*
Me: Yes?
L: pwede ba kitang ligawan?
Me: lol ano nanaman trip mo? Ang dami mo kayang babae. Babaero ka kaya
L: Kaya ko naman iwasan para sayo eh, gusto talaga kita.
Me: Joke ba yan? Haha.
L: Hindi ako nagbibiro, totoo ang mga sinasabi ko. Maniwala ka naman sakin *insert name here* ;(
Me: Kung totoo yan kelan pa?
L: Simula nung una tayong nagkita sa building niyo nun. At hindi mo ba nahahalata na kahit tapos na ang class ko hinihintay kita at niyayaya kitang kumain lagi para lang makasama ka. ;(
*yeah we often eat sa Sisig express, together with my bestfriend.*
Me: Bakit hindi mo pa sinabi noon pa?
L: Kasi natatakot ako na baka i-reject mo ko. Natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan natin dahil alam ko naman na ang turing mo sakin ay kaibigan lang. Pero ayoko ng itago pa to dahil gusto talaga kita. At natatakot akong maunahan ako ng iba dahil alam kong maraming nanliligaw sayo. At pinagsisihan ko araw araw kung bakit hindi ko nasasabi sayo ang nararamdaman ko. ;(
Me: Are you serious?
L: Yes. Hindi ka ba naniniwala?
Me: sorry. Pero hanggang friends lang talaga tayo.And that time hindi na siya nagtxt. Hindi ko na rin siya nakitakita sa campus. At dumating ang paskuhan, naglalakad ako papuntang car park, and i heard a familiar voice na tinatawag ako,
L: *insert name here*
Me: Uy Hi. ( awkward )
L: *smile* and walked away.Napailing na lang ako. Okay na ang ganun kesa maging awkward. And that night din nag text siya. I can still vividly remember pa the exact time. 12:43 am.
L: *insert name here*
Me: Hello. Kmsta paskuhan?
L: Okay naman. Masaya. Pero mas masaya kung kasama ka.
Me: Napag-usapan na natin to diba?
L: Seryoso ako. Kung magmamahal man ako, wala ng ibang babae kundi ikaw lang.That time, i was dumbfounded hindi ko alam gagawin ko. And yung time na yun i felt lonely. Naiinggit ako sa mga nakikita ko nung Paskuhan, ang saya ng mga lovers makikita sakanilang mga ngiti ku gaano sila kasaya sa piling ng kanilang mga minamahal. And yung time na yun, binigyan ko ng chance si Louie na manligaw sakin, hanggang sa naging M.U kami. One time, nagkakamalabuan na, i don't know basta naguguluhan ako sa sarili ko.
L: may problema ba?
Me: wala naman.
L: ano ba talaga tayo? Bakit parang pinapaasa mo ako?
Me: ikaw ba?
L: M.U diba ganun naman diba?
Me: pero ayoko ng m.u.
L: Ha? Bakit?
Me: mahirap pag M.U kasi alam mong iyo, pero hindi talaga sayo kaya kapag inagaw ka ano pang habol ko?
L: so, gusto mo tayo na?
Me: Hindi, Hindi mo maintindihan,
L: ipaintindi mo sakin, nahihirapan ako. Ano bang pwede kong gawin?Hindi ko na lng siya nireplayan. Pero txt pa rin siya ng txt. At naging busy narin ako dahil sa pag prepare ng mga events dito samin. Hindi kinaya ng konsensya ko ang nagawa ko sakanya, at saktong aalis na ang bestfriend ko to L.A, i went to her house at kinwento lahat ng mga nangyari samin para humingi ng advice, tandang tanda ko pa ang sinabi niya.
BF: gaga ka pala. Bakit mo pinaasa ang tao? Diba ang sabi ko naman sayo kung hindi ka sure sa nararamdaman mo, mag back off ka na. So, si *Ex* pa din ba? Kaya mo nagawa sakanya yun para makalimutan mo si *ex*?
Me: i dont know. Part of me sinasabi ay yes. Best, why do we love the people that ignore us, and ignore the people that love us? Bakit ganun?
Bf: Because you're getting your heart worked up with your ex who left and cant love you back na. But there's this guy who loves you and wants to be with with you, but the problem is you are ignoring him. Best, the best way to heal a broken heart is to find another love.
At dun ko narealize na, nagugustuhan ko na pala siya, yung mga efforts na ginagawa niya. Tama nga si best, why would i settle being a princess when i can become someone's else queen?
Pero huli na, wala ng pag asa. Dahil parang strangers na lang kami. Hindi na niya ako pinapansin pati sa mga text ko. At nakikita ko sa mga tweets niya na ang dami niyang ka-tweet na babae. ;(And kaninang pagpasok ko ng second sem, nakita ko siya malapit sa building nila. I don't know what to do, pero huli na, nakita na niya ako, pero tumango lang siya with poker face then umalis.
"Bestf: Okay lang yan. Ganyan talaga mga lalaki. Sympre nasaktan yan eh. Alangan naman ngumiti yan sayo. It takes time. Hayaan mo muna siya. "
Kung nababasa mo man to, at feeling mo ikaw to. IM REALLY SORRY. HINDI KO NAMAN SINADYANG SAKTAN KA. Sinabi ng mga kaibigan mo kung gaano mo daw ako kamahal. At nagbago ka dw simula nung nagka-MU tayo dahil wala ka dw pakialam sa mga babaeng pinapakilala nila sayo. ;( IM SORRY. SANA MAPATAWAD MO AKO.
"It's very ironic that in order to be happy you need to feel sad first but i guess that's life must be, ang masaktan at maging masaya"
PS: im not going to put my real course
Ms. A
2015
College of Science
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles