Simulan ko itong kwento na to nung nagkakilala tayo.
1st week so maraming orientation at mga tour sa loob ng campus at that time meron na din naman ako pa ilan ilang kaibigan at ikaw din ay meron.
FF - last stop ng tour is sa Chapel at medyo kumportable na ako sa ilan nating mga kaklase pero hindi parin kita nakakausap kasi nahihiya ako. So ang ginawa ko ay kinuha ko ung panyo (yup I think panyo nga yung kinuha ko) ng kaibigan mo at inabot ko sayo para atleast naman makangitian kita,hindi ko lang sinasabi sa iba pero ikaw yung umangat sa paningin ko pag pasok ko ng room eh.
Hiningi ko number mo sa common friend natin at pumayag ka naman smile emoticonand the rest was history. For several months we were dating(?) we always go to class na sabay and pati paguwi sabay tayo kasi on the way naman ung bahay mo sa daanan ko so feeling ko match made in heaven na at sinabi ko sa sarili ko na handa na ulit akong umibig muli. Naks naman big word ! Pero kidding aside,even our friends ay hindi alam kung ano na ba ang meron satin. Lagi lang smile ang sagot natin sakanila.
Eto na unang paskuhan so excited ako kasi nga ang ganda ng vibes pag paskuhan. OA man pero bumili pa ako ng bagong damit para maayos ang getup ko sa gabi na yun PERO ang hindi ko nakita na mangyayari ay ang pagiwan mo sakin sa mismong gabi na yun na ang pinaranas mong kasiyahan sakin nung gabi na yun ay ang huli nating pagsasama. Kinabukasan ni isang text o kahit ano wala na akong natanggap mula sayo at buong Christmas vacation iniisip ko kung may nagawa ba akong mali para iwanan mko.
Nandito ako ngayon after 2years nagpapakamartir dahil alam ko sa sarili ko na kahit anong sabihin ko na hindi na kita gusto ay babalik at babalik pa din ako sa pangalan mo. Babalik padin ang puso ko sa pagmamahal sayo. Yup OA nanaman pero totoo to. Hanggang ngayon mahal pa din kita pero hindi na pwede dahil sa palagay ko mayroon ng ibang laman ang puso mo. Kung magbago man ang ihip ng hangin at hanapin mo ulit ako. Nandito lang ako sa unang lugar kung saan tayo nagkita at magaantay. Mahal pa din kita, mahal na mahal.
John
2018
Faculty of Arts and Letters
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles