Naging hopeless romantic din ako dati. Sa loob ng 4 na taon, isang linggo bago ang Valentines, nasa Dangwa ako parati nagpapareserba ng rose. May inflation rate kasi pag malapit na ang Valentines.
Hindi lang basta rose kinukuha ko ah, Ecuador rose na long stem (yung rose na malaki -- gaya ng love ko lol!) na may Malaysian mums at sinamay na ako pa mismo nag ayos.
Being the hopeless romantic that I was, talagang todo effort ako sa pagpapaganda ng itsura ng rose ko, with matching ""Hany"" at mga mahiwagang pick up lines. Sinukuan ko na kasi ang harana eh, may sumpa ata ng friendzone.
Anyway, blue rose ang inorder ko. Na disappoint lang ako kasi faded yung blue na halos wala. Sabi ko kay manong ""Akong"" (yun name niya), pwede bang gawin niyang mas blue pa tapos balikan ko ng lunchtime, tapos umoo.
Pagka lunchtime, nakita ko yung rose ko, blue na blue talaga. Ginamitan na ng spray paint. Mas blue nga naman ang lumabas. No choice, kinuha ko na tapos takbo ako sa Med bldg para mabigay 'yung rose ko.
Pagkabigay ko, inamoy niya agad yung rose. Nahiya ako, kasi magbibigay ka na nga ng rose, amoy pintura pa. Kaya takbo ulit ako ng dangwa, kumuha ako ng Ecuador rose na mas simple. Wala nang oras pagandahin, may duty pa kasi.
Pagdating ko, hiyang hiya ako na lumapit. Binigay ko yung bagong white rose, tapos sabi niya bakit pa daw ako kumuha ng bago, ok naman na daw yung nauna. She smiled and took it anyway.
Naisip ko, ano ba naman yung gagastos ka lang minsan para special ng konti 'yung Valentines at mangitian ka ng minamahal mo, di ba? You might argue na "walang forever." Siguro nga wala.
But at that short moment, the absence of eternity didn't matter -- her smile did.
Dangwa boy
2010
College of Nursing
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles