Finger Lickin' Good

27.4K 503 59
                                    

Nangyari ito sa dati kong dorm. May isang jar ng nutella yung dormmate ko pero di niya ginagalaw yun. Araw-araw kong nakikita ang jar na yun until one day, di na ako nakatiis, sinawsaw ko yung daliri ko sa jar ng nutella. Di ako gumagamit ng kutsara, daliri ko talaga. Haha. At dumaan ang mga araw, medyo dumadalas ang pagdawdaw ko ng daliri ko sa jar na yun. Hindi pa rin ginagalaw ng dormmate ko yung nutella. Hangang sa ako na ang makaubos ng jar na yun. 2 weeks after ko maubos ang nutella, lumipat na ako ng dorm. Ewan ko kung nagsuspetsa siya na ako yung tumitira sa nutella niya. Salamat sa libreng nutella. :))))))

Sawsaw

2010
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon