High school sweethearts kami ng boyfriend ko and we're in a long distance relationship for almost 5 years. He's my 1st boyfriend. 1st love. Sa October 12th anniversary namin. Last year nagwork sya abroad. Hindi naman ako tumutol dahil alam ko para rin naman yun sa mga pangarap nya at para na rin sa aming dalawa. And besides sanay naman na kami sa long distance relationship at malaki ang tiwala namin sa isat isa. Tiwala na yung bang kapag nagkikita kami hindi namin gawain na tingnan ang celfone ng isat isa para lang icheck kung sino ang mga nasa phonebooks at tinetext. So 2 months pa lang sya doon at ok naman ang set up namin. Palagi rin kami nagkakachat. Hanggang isang araw hindi talaga sya nagoonline. Nagaalala na ako para sa kanya. Hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko doon para lamang kamustahin sya. So i have this feeling na kapag nilog-in ko fb nya, may kukuha man lamang akong sagot, kung sino madalas nya ichat na workmate nya. And may nakita nga akong name ng girl nasa pinakatop, yun ung last nyang sinendan ng msg. Hindi pa nga nya nireread yung msg ko. Kilala ko lang sa pangalan yung babae. Alam ko yun ung secretary nya dati dito sa pinas at friend din nya. Hindi nya nabanggit sa akin na magkasama pala sila sa ibang bansa at sa isa pang company. So akong curious (actually kinakabahan nako) binasa ko yung conversation nila. Yun natuklasan ko na lang may nangyari nga sa kanilang dalawa at pinaguusapan nila ay tungkol sa pregnancy test. Ako tong gulat na gulat. Hindi ako makagalaw. Ni hindi sumagi sa isip ko na magagawa nya sa akin to. Hindi sya yung tipo ng lalaki na inisip kong gagawin sa akin to. Sa tagal ng relasyon namin hindi namin ginagawa ang ganoong bagay. Dahil nagpromise kami sa isat isa hindi namin to gagawin hanggat hindi pa kami kasal. Sobrang sakit lang. Hindi ko maipaliwanag. Ngayon kami na ulit. Pero yung sakit andun pa rin. Hindi ko pa rin magawang kalimutan ang panlolokong ginawa nya. At dun sa babae, malandi sya. Kung sana nagpigil ka rin teh walang mangyayari.
Bhie-tter
2015
COED
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles