Mahirap mag move-on pero ganito talaga e. Hanggang sa ngayon ay nadarama ko ang galit na pilit kong tinatanggal sa pagiging abala at masigasig ngayon dahil nag-umpisa na naman ang semestre at ipinagpapatuloy ko ang aking paglalakbay sa pagiging abugado. Kailangan ko lang siguro nga ilabas ang lahat ng ito.
What if its lol? This was the first message she sent to me when through this dating app. Perhaps aside from her looks, what drawn me into her were her intellect, being sensible and both having the same interests. I just felt that there was a connection so I decided to pursue her. She was a guidance counselor by the way. Maraming mga masasayang alaala na nabuo sa loob ng 8 buwan na iyon. Mga bagong karanasan, tawanan at kulitan namin. Maliban pa doon, boto naman sa akin ang mga magulang niya at gusto nila ako lagi dumadalaw sa bahay. Maganda din ang pakikisama ko sa kanyang mga kaibigan.
Siguro sa tinagal tagal ng panahon na kasama siya sinabi ko sa kanya sa unang pagkakataon na mahal ko siya. Tuwing tinatanong ko siya kung nadarama din niya iyon ang sinasabi niya lagi di niya alam. At dumating nga ang kaarawan niya nitong 2 linggong nakaraan at tinanong ko sa kanya kung pwede ba niya ako maging nobyo. Sinabi niya na di pa ngayon at ayaw niya ng commitment. Di naman niya sinasabi kung bakit, ang sinasagot lang ay ayaw lang niya. Tapos. Hanggang sa umabot na nitong isang araw tinapos niya na lahat ng komunikasyon sa amin at sinabi niya na di daw niya ako kayang mahalin, di daw kami talo. Nag sorry siya at lubusan daw niya akong nasaktan. Bakit ganun? Kung di nga niya ako gusto bakit pa niya pinatagal ng ganito? Sana sinabi na lang niya agad.
Hindi ko alam sa ngayon kung nagbingi-binghihan ako sa nabanggit niya nung una kami nagkakilala na may takot nga siya sa commitment. I expected too much that she will take the chance with me since all this time we were together she showed her care for me though sometimes inconsistent. I expected because I thought her effort to make time for me indicates her willingness to face that phobia or nito niya lang na realize lahat at di pala ako para sa kanya.
Masakit dahil nagbuhos ako ng lahat para sa kanya, pero ito lang ang ibinalik niya, pinaasa lang ako. Ubos na luha ko para sa kanya, at minsan nag-iisip ako kung ano ba ang kulang sa akin. Siguro nga nag expect ako at naging attached masyado sa kanya kaya ako nagkakaganito. Sabi nga nila, for every rejection there is a redirection. Marahil Diyos na ang nagsabi mag concentrate muna ako. Ibibigay niya ito sa takdang panahon. Di na ako ulit gagamit ng app na yan. Hopeless case.
Ito na lang ang mensahe ko sa kanya: Ligaya, sa totoo lang nag aalab pa rin ang galit ko sa iyo. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na sa kabila ng lahat maraming maraming salamat pa rin sa lahat dahil may mga naituro ka rin naman sa aking mga aral sa pag-ibig. Salamat dahil tinuruan mo ako magpahaba ng pasensya at pilitin ang lahat na intindihin ka. Kung sakali man na magkita ulit tayo balang araw ay maging mature ka na at matuto sa mga magiging karanasan mo. Sorry din dahil di ko talaga kaya na maging magkaibigan pa rin tayo at makita ka sa piling ng iba. Ipagdarasal na lang kita lagi, mag-iingat ka.
Astrea Ad Aspira
2010
College of Commerce.
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles