Fresh Grad ako from Commerce. Meron akong blockmate dati na may problem sa pagbayad ng tuition fee nung 2nd sem, sobrang nagalala ako dahil kita ko naman sakanya na deserving siya magaral since nakikita ko talaga yung mga effort niya para lang makapasok. Mataas yung mga grades niya and kita ko na hardworking and masipag talaga siya since naging kagrupo ko na siya sa ibang subjects. During 2nd sem, pinahiram ko siya ng ipon ko para makapagenroll siya. Di ko siya binigyan ng deadline para magbayad. After a few months, nakagraduate din kami and sobrang saya ko lang para samin dahil parehas kami ng pinagdaanan na challenges habang nasa commerce kami since parehas kaming irregular students. Tas one time nabalitaan ko na nakakuha siya ng job during graduation week namin basta march yun. Tuwang tuwa ako dahil nakuha niya yung dream job niya at a good company. Tas nung isang araw bigla siyang nagtext sakin "Hi girl! free ka ba sa saturday next week? Babayad na ko ng installment ng aking utang. Plus i really do miss you na. Swerte mo isa ka sa mga makaka experience ng 1st payday ko haha "
Simple things like that really make me happy and gusto ko lang sabihin na super proud na proud ako sa kaibigan ko na to. Masarap sa pakiramdam kapag nakakatulong ka sa buhay ng ibang tao. Nakakataba ng puso.
Happy
2010
College of Commerce and Business Administration
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles