Mahal

3.6K 28 0
                                    

Mahal

Hi po, Gusto ko lang po sana ishare ang napagdadaanan ko ngayon and I want some pieces of advice of what should I do.

So magsisimula siguro ako sa first time ko siyang nakilala ay sa instagram and twitter, nagkatweet kami hanggang sa nagkadevelopan and nag-usap kami sa wechat, lumipas ang mga araw, naging kami dahil sa tagalog ng "expensive profit" tapos hindi niya daw alam, pero sinagot niya sabi niya "mahal na kita" ode ako naman sinagot ko ng "mahal na din kita". LDR kami, I'm from Tarlac and tiga Makati siya, Nagkita kami, Kami na nun, grabe, Hindi ko alam kung paano pumunta ng Manila pero pumunta padin ako para makita siya, I took the risk and pumunta kami ng MOA nung nagkita kami, ang magical nung araw na yun eh kasi first time ko nakita sarili ko na ganun kasaya, actually siya ang First Love ko.. And yun, HS student palang ako, pero parati akong pumupunta ng manila every week para lang makita siya (balikan pa yun) ewan ko nga kung paano kinaya din eh. Hindi na ako naglalunch, Hindi ako gumagastos, that's how I'm desperate to see the person. Mahal ko siya, sobra. As in. We were goals as fvck. Pumunta na kaming Batangas for Beach camping, Rizal, Laguna for Enchanted Kingdom, Star City, tapos MOA EYE. We're literally relationship goals as fvck. Sa buong 9 months na yun? Sobrang saya ko. Alam ni God yan, Sobrang mahal ko ang tao, Sobrang desperado akong makasama siya habang buhay, and Binaba ko na PRIDE AT EGO ko para lang sakaniya, Efforts? Ginagawan ko lang naman siya ng isang kartolina na naglalaman ng mga gusto kong sabihin sakaniya, kung gaano ko siya kamahal, kung gaano ako kaswerte sakaniya, at kung gaano ako katakot mawala siya. Ginawan ko din siya nung envelopes na may laman na "open when you miss me, open when you want to know how much I love you, open when... Etc" tsaka yung "365 Days Jar" lahat ng mga magpapakilig sa isang tao, ginawa ko para mapasaya ko siya. Tuwing nagbibreak kami? Kapag kasalanan ko, ako humahabol at nakikipagayos/nakikipagbalikan, tapos kapag kasalanan naman niya, Ako padin ang humahabol at nakikipag-ayos/nakikipagbalikan. Ganiyan ko siya kamahal..

Isang araw, pumunta kami ng megamall to watch insidious 3 then pumunta sa bahay namin sa antipolo, naglimbangan kami, Hinahaplos ko yung mga balat niya, inaamoy yung buhok niya, and hinahalikan ang kaniyang noo. Hanggang sa pauwi na siya sa makati, and yun, hindi ko akalain na that will be the last time na magagawa ko pa sakaniya ang manlambing ng ganun. If I only knew na that will be the last time, sana niyakap ko na siya ng napakahigpit at mas pinaramdam ko sakaniya na sobrang mahal na mahal ko siya and hindi ko siya kayang mawala... After 3 days, nung umaga umuwi ako ng tarlac medyo napapraning, ewan ko, may iba akong nararamdaman na nun, and kinagabihan, nagtext siya- ang cold na ang dry. And tinanong ko if there's something wrong, sabi niya naman wala naman and tinanong ko siya if masaya pa siya sakin (grabe, kinakabahan ako ng sobra nung tinanong ko sakaniya yun) sinagot niya "ahm...". Alam mo yung feeling na ang sakit talaga sa puso, bumigat ang dibdib ko. Tinanong ko siya kung ano na nangyayari and sabi niya hindi na daw siya masaya sakin, So I think I did the right thing, sabi ko sakaniya "if hindi kana masaya, tama na. Let go na tayo, tutal hindi ka naman na masaya sakin, let's stop na. I'm willing to sacrifice my own happiness just for you to be happy." Ewan ko, pero I was willing to set the person free, gusto ko siya maging masaya. Kahit sobrang sakit, inendure ko ang pain, at first, pinipigilan niya ako, ayaw daw niya, hanggang sa bumigay nalang siya and sabi niya "Mahal, I love you." And dinugtungan niya ng "Thank You", tinanong ko kung saan siya nagpapasalamat and sabi niya "Sa lahat lahat." Grabe, My heart shattered into millions of pieces. Sobrang sakit. So yun, nagthank you nalang din ako. It was really hard for me.. I kept crying every night. Ang hirap kasi mag let go, 9 months kami. Though alam ko na 9 months lang yan compared sa mga mag-asawa na pero naghihiwalay pa pero siguro dahil kasi first love ko siya.

Isang araw, napagdesisyunan ko na makitulog sa dorm ng best friend ko sa manila and sabi niya naman okay lang daw, sige daw, so yun, dun ako natulog for two nights pero hindi ko talaga kayang kalimutan lahat ng sakit na nararamdaman ko, gigising nalang ako ng madaling araw at maiisip na wala na talaga kami. I talked about it sa kuya ko and he gave me some pieces of advices, para daw makamove on na ako.

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon