Suicide

2K 21 0
                                    

Para 'to sa mga taong naliligaw na ng landas, sa dumidilim na ang landas at tila wala ng makitang bukas.

Sabi nila kada 40 segundo ay may namamatay na tao dahil sa suicide. Kundi lang siguro malakas ang kapit ni Lord sa'kin (Oo, si Lord at hindi ako) baka matagal na akong naggive up sa sobrang dami kong problema sa buhay. Ito ay mensahe ko sa lahat ng mga taong nais ng tapusin ang kanilang mga buhay at para sa mga taong pinagwawalang bahala lang yung mga kaibigan nilang nagsasabi na gusto na nilang mamatay.

Naniniwala ako (dahil napagdaanan ko na din ito) na ang suicide ay di lang basta paraan ng mga taong gustong sumuko sa buhay kundi ito rin ay isang tawag para sa TULONG, para sa (mga totoong) KAIBIGAN at para sa karagdagan pang dahilan para mabuhay pa ng mas matagal at magbago.

Para sa mga kapwa ko na naiisipan ng tapusin ang buhay (well, ako di na ngayon), tama sila. Magdasal kayo sa panginoon kahit isang beses lang. Kokonsensiyahin ka niya. Doon mo malalaman na mahal ka niya talaga dahil ginagamit niya ang konsensya mo para lang mabuhay ka. Sabi nga nila ""GOD KNOWS WHAT'S BEST FOR YOU"" at naniniwala ako roon dahil di ko malalaman na nakapasa pa pala ako at siguro di pa ako 3rd year ngayon kung hindi ako nagtiwala sa kanya.

Sabi dati ng isang senior ko nung high school, sabi nila pag nagpapakamatay daw ang isang tao bago siya mapunta sa dapat niyang patunguhan ipinapakita daw sa kanya ang mga dapat mangyari sa buhay niya kung lumaban siya at pinagpatuloy ang buhay. Paano kung nagbreak kayo ng boy/girlfriend mo at gusto mo na magpakamatay dahil di mo kayang mabuhay ng wala siya? pero nangyari yun dahil may darating pang mas deserving para sa'yo. Yung di ka lolokohin o (literal na) sasaktan. Paano kung hirap na hirap ka na sa college dahil ang daming requirement at feeling mo babagsak ka na? pero naging ganoon lamang dahil di mo mararamdaman ang achievement feels kundi mo pinaghirapan ang isang bagay. Paano kung dinaramdam mo na di ka mahal ng magulang mo kasi di kanila nabibigyan ng atensyon o di ka nila pinakikinggan? pero di ka lang nila nabibigyan ng atensyon dahil di sila ganun ka open sa feelings & concern nila para sa'yo (kung ikaw nga di na masyado nag-I I love you eh). At maraming pang what ifs sa mga problemang di mo na inisip intindihin dahil feeling mo ang UNFAIR ng mundo sa iyo. Isipin mo na lang lahat ng what ifs kung nabuhay ka, na magkakapamilya ka ng masaya; na makakatapos ka ng kolehiyo kahit nakailang ulit ka na (at least you tried); na once magkatrabaho ka mabibili mo lahat ng gusto mo; na may pag-asa pang maayos ang pamilya mo at marami pang iba. ISIPIN MO NA LANG.

At para doon sa mga kaibigan na walang kwenta na tinatawanan ka lang pag sinasabi mo ng ""AYAW KO NA"" ""MAGLALASLAS NA AKO"". Akala niyo joke iyon? Minsan itinatawa na lang mga dumadaan sa depresyon ang mga salitang iyon dahil wala na silang mapagkunan ng lakas kundi yung konting ngiti dahil di nila matanggap na sumusuko na sila...SA BUHAY. Mag-isip isip kayo, baka bukas makalawa wala na ang kaibigan ninyo.

OK. Smile na guys. Sorry mahaba pero gusto ko lang ishare sa inyo na hanggang sa oras na tinatype ko 'to ay buhay pa rin ako at masayang ineenjoy ang nalalabing bakasyon at nagpapasalamat ako sa mga TUNAY NA KAIBIGAN na hindi ako tinawanan o hinusgahan at sinukuan sa mga panahong sinasabi ko ng ""AYOKO NA"". Be an INSPIRATION guys. Mas magandang pakinggan na ""Friend, thank you talaga ah kundi dahil sa'yo matagal na akong sumuko"".

Di ko kayang mamatay
20XIII
CFAD


Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon