Sorry II

14K 311 26
                                    

Dun sa babaeng nagpost ng "SORRY" , si Renzo to. Kilala mo naman siguro ako, kaibigan ni Lance, wag na natin itago sa pangalan na Louie, oo Lance ang pangalan at hindi Louie kung sino man mga nagbabasa dito. Tch. Alam mo ba, sobrang mahal ka ni Lance, tae ikaw lang ang nagpabago dun sa gagong yun parang bakla tumatawa mag isa tuwing kausap ka sa phone o katext. At oo, nasabi na namin sayo kung paano siya nagbago. Hindi na si Lance na malandi, at laging seryoso. At yun nga simula ng bigyan mo siya ng chance na ligawan ka, ang saya niya pinagyayabang pa samin tch. Akala nga namin nilalagnat araw araw yan, dahil kakaiba nga ang kinikilos, pero ayun nga lintek na pag ibig nabisto mo. Ikaw lang nagpabago dun sa mokong na yun, pero Ms.*** ano ba nangyari sainyo? Bumalik nanaman siya sa mala-poker face na mukha nun. Ayaw niyang pag usapan ang nangyari sainyo, siguro nga masakit talaga. Pero sige dahil boto naman ako sayo para kay Lance ikkwento ko ang napag usapan namin nung nag inuman kami. Last week lang nung nakita ka niya sa UST. ( ayan lang mga tumatak sa isipan ko, masyado kasing madrama si Lance ang daming satsat kaya ayan lang natatandaan ko.)
Non-VB: "Pre, nakita ko siya. Kahit dun pa lang sa malayo kitang kita ko na siya. Masakit pa din pala, alam mo bang gusto ko siyang yakapin at sabihin sakanyang mahalin ako. Pero pre ng mag-hi siya umurong yung dila ko, ngumiti na lang ako at umalis dahil ang sakit parang pinapatay ka sa loob pero kailangan mong magpangggap na hindi ka apektado."" ( hindi ko na matandaan yung ibang sinabi niya dyan, medyo lasing na kasi siya ) Kaya simula daw ngayon ngingiti na lang daw siya at mag pretend na hindi nasasaktan. Pero sisiguraduhin daw niya na balang araw ma-rerealize mo ang mga effort na ginawa niya sayo para mapatunayan na mahal ka niya talaga. Pero hindi pa din daw siya susuko sayo. 
Oh ayan, kayo na bahala mag ayos niyan. Alam kong mahilig ka daw magbasa ng ust files. Wag kang mag alalala alam mo naman hindi hilig ni Lance na magbasa ng ganito. Oh wag kang magpasalamat sakin, dito sa bestfriend mo ikaw magpasalamat, gusto ka lang daw nyang tulungan dahil ayaw ka niyang nakikitang nasasaktan. At oo napilitan lang akong i-type to dito ng dahil sa bestfriend mo na kanina pa nakabantay sa laptop ko para daw masigurado kung i-susubmit ko to. Tch. Kung hindi ko lang mahal ang bestfriend mo. -.- sinabi ko naman i-text ka na lng, pero mas maganda daw dito para malaman ng mga nagbabasa dito ang side ni Lance. Tch. Pasalamat talaga tong bestfriend mo na mahal ko siya. Ah basta masasabi ko lang sainyo, bigyan niyo ang isa't isa ng SECOND CHANCE. MAGBATI NAKAYO. AT IKAW **** IKAW NAMAN KUMAUSAP SAKANYA, NATATAKOT SIYA NA MA-REJECT ULIT AT KUNG HANDA KA NA, BASTA, HIHINTAYIN KA LANG NAMIN SA TAMBAYAN

renzooo 
2013 
College of Commerce and Business Administration

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon