Bakit nga ba ang hirap magkagusto sa ibang tao? Alam mo yung lagi mo siyang gusto kausapin pero hindi mo magawa? Yun ang nangyayari sakin ngayon and I think I need some help.
So eto kwento ko, meron akong blockmate ngayon. Madalas ko siyang tinatawag na crush dati.
"Uy crush nagawa mo na homework?" yung mga tipong ganyan.
Akala ko nung una wala lang, pero shet nagkagusto nako sakanya. Oo maganda siya, pag nakita mo sigurado mapapalingon ka. Kaso di ako dun nahulog eh, nagustuhan ko siya dahil sa pagkatao niya. Simple, mabait, friendly, loving sa magulang, bihira ka na makahanap ng ganyan ngayon lalo na sa mga magaganda.
Minsan gusto ko siya ayain kumain kaso kasama naman niya lagi mga barkada niya. Ito pa isang problema, sobrang hirap na hirap akong mag approach sakanya. Yung tipong natatameme ako? Dati hindi naman ganoon. Pero ngayon na parang nafall ako sakanya. Sobrang hirap na.
Nakikipag usap nalang ako sakanya ngayon madalas sa text messages. Bihira kami mag usap personally, siguro natatakot ako lumapit kasi baka asarin kami o sadyang wala lang akong lakas ng loob. Madalas pag nag uusap kami tungkol nalang sa school. Kadalasan pa parang napipilitan lang siya mag reply.
Lagi akong nag iisip masyado sa mga bagay bagay. Pag di siya nag reply parang guguho na yung utak ko kakaisip kung bakit di siya nag reply. May sinabi ba akong mali? Masyado ba ako naging clingy? Feeling close ba? Grabe, dahil diyan parang nadedepress nako masyado.
Ngayon iniisip ko kung ihihinto ko na ba, parang ang hirap kasi na lagi akong malungkot. Madalas kong banggitin sa sarili ko na she's out of my league. Hindi ko siya kayang abutin. Kaya gusto ko nalang huminto, para hindi ko na siya maistorbo. Minsan kasi parang pakiramdam ko pang-gulo nalang ako sa buhay niya.
Dapat ko na bang tigilan?
Sorry kung mahaba, gusto ko lang talaga ilabas. Medyo nakakaiyak kasi, kakanuod ko lang ng Kdrama.
Torpedo
2015
Institute of Information and Computing Sciences
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles