hi! Ako po ay isang "lesbian" may gf po ako. At hindi ako tanggap ng mga magulang niya. At siya bilang ""teacher"" na dapat maging magandang ihemplo at halimbawa sa mga estudyate nya, ako ay itinatago nya. Madaming rules na dapat akong sundin:
1.) bawal ko siyang sunduin sa kanyang trabaho.
2.) bawal mag HHWW sa public (lalung lalu na sa SM north) (malapit lang kasi ang mga kamaganak nya dun)
3.) bawal mag post ng sweet pictures sa FB (friends nya kasi ang mga kamaganak nya at estudyante nya)
4.) hanggang sakayan ng jeep ko lang siya pwedeng ihatid. (NOTE: 3km pa ang bahay nila sa loob ng village)
5.) dapat alam ko na pwede nyang itanggi na walang namamagitan saaming relasyon.
Sa ngalan ng pagmamahal.. Alam nyo bang pumayag ako sa lahat ng yan.. Nagmamahal pa ba ako o tangang tanga na ako?
Ang mas masakit inirereto sya tinutukso sa iba at hindi nya masabi na may special someonena sya. frown emoticon
That's my tomboy ng QC
2012
College of Education
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles