Jacket

3.5K 49 0
                                    

I was a freshmen and he was a junior, both from the Faculty of Engineering pa. But no, hindi doon nagsimula ang story namin. Funny thing about fate? It finds a way.

Nagkakilala kami sa first job ko, it was his second, after 6 months of being bum dahil ayaw niya sa previous job niya. Who would have thought that it was fate doing its thing na pala. Nakaugalian na namin na kapag may bago, pinapakilala so there, pinakilala siya sa lahat. Hindi ko pa nga siya gaano pinansin noon kasi "busy" ako. I remember our friend saying, "UST ka, diba? Sakto UST rin siya. Alam mo, bagay kayo." And I just shrugged. Heartbroken kasi.

Nung nagdecide na akong magmove on, I saw his picture sa wall at naisip ko, cute siya. Crush ko na siya. Ganun lang, walang kiyeme. Kilig to the bones pa ako nung unang Christmas party namin together kasi palagi ko siyang nakakatabi. Tapos he was wearing his UST jacket pa, he asked.. "May jacket ka ba?" kaso ang slow ko, hindi ko nakita ang opportunity kaya sabi ko lang meron, yun pala ipapahiram niya ung suot niya. Score na sana. Anyway, dun nagsimula ang lahat. Sabay kaming maglulunch, minsan hinahatid niya ako sa labas ng bahay namin. Nanliligaw na pala siya. Mabilis lang ang lahat, in almost 2 months, naging kami. Wala, eh. Ganun talaga. Opportunity, igrab na.

Pero after 11 months of being together, he changed. We broke up. Ang reason niya noon? Hindi ko na masyadong maalala talaga bukod sa masyado kong inaasa ang happiness ko sa kanya na nahihirapan na siya. Mabigat daw. And I think, confused din yata siya sa feelings niya para sa akin dahil masyado ngang mabilis. Halos kabebreak lang din pala nila ng ex niya (pero fyi, lampas naman na sa 3 month rule yung amin. haha!). He even called me by her ex's name habang nag-aaway kami. Syempre I cried my heart out.

Magulo, minsan nag-uusap kami. Minsan hindi. Officemates, eh. Hindi maiiwasan. Minsan pa nga may landian pang nagaganap sa amin pero hindi na kami. Tapos hindi ulit mag-iimikan. MU times 2 ba, magulong usapan at malanding ugnayan. Dumating pa sa point na nung hindi ko na kaya, nagdecide akong magresign (pero hindi naman dahil lang sa kanya, iniisip ko rin yung sweldo kasi malaki yung makukuha ko sa inapplyan ko kumpara sa kompanya ko). I told him and he got mad. Ayaw niya raw na siya ang rason kung bakit ako magreresign at sinabi kong hindi naman siya pero syempre given naman na parte siya. Ang hirap kayang magmove on lalo at araw-araw mo siyang nakikitang masaya habang ikaw, nahihirapan na. Pero dahil dun, hindi ako nagresign. Lalaki lalo ang ulo niya, masyado nang feeling pogi.

And then our group went out of town and I felt na we're rekindling something there. Parang kami kung umasta kami roon. Nung nagkasakit ako sa last day namin, he took care of me pa. At doon nagsimula na nag-uusap na kami ulit talaga, wala nang iwasan. Parang kami pero hindi. Until one fateful day, nagkabalikan na kami. He realized daw na hindi niya kasi ako kayang mahalin kung hindi pa siya buo (feeling ko talaga hinango galing sa One More Chance ang story namin), at buo na raw siya. Ako nga raw ang mahal niya. Habang ako naman, natuto na ako hindi dapat palaging nakaasa sa kanya. Kaya kong mabuhay nang wala siya, pinili ko lang na kasama siya.

Hindi pa tapos. Haha! Ilang buwan mula nang magkabalikan kami, dahil siguro namiss ang isa't isa. Nakabuo kami. Unexpected pero not unwanted. Takot kami kasi feeling namin hindi pa kami ready pero wala naman na kaming magagawa. Nagpakasal kami, civil. (Bye dream proposal, bye dream wedding)

3 years after our civil wedding anniversary, under that big round thing (secret kung saan) with few stars from above and his ipod playing a nice music, inalalayan niya akong tumayo habang siya lumuluhod. Tinanggal niya ang civil wedding ring namin (silver lang un! wala kasi kaming budget noon), umiiyak na ako kasi akala ko wala na, akala ko hindi ko na mararanasan. And then he popped the question, "<insert full maiden name here>, will you marry me?". Totoo pala na kapag nandun ka sa point na yun, maiiyak ka lang. Niloko pa niya ako kasi hindi nga ako sumasagot, as if naman na makakahindi pa ako. Pero there, I said yes. Saksi ang mga stars.

Just this year, we had our dream wedding.

PS:
Feeling ko hindi ko najustify ang pagiging normal ng lovestory namin pero ayoko ring pahabain pa, isa lang naman ang gusto kong sabihin, nakita ko to habang naghahanap ng quotes....
"Never force anything. Give it your best shot, and then let it be. If it's meant to be, it will be."

Baby, I know you're not a fan of social media pero promise pag napublish to, ipapabasa ko sa'yo para makita mo ung famous line mong.. "May jacket ka ba?"

Dane
2008
Faculty of Engineering

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon