Sinister

11K 104 33
                                    

Isang araw naglalakad ako sa may Dapitan pauwi ng magring ang phone ko, Ate ko pala. Tinatanong nasan na daw ako. Sabi ko, uuwi na ko samin at dun na muna siya sa unit namin. Tuwang tuwa sya dahil solo niya at wala daw epal. Sabi ko, okay... Maglinis ka dyan at ako uuwi muna at namimiss ko na ang aso ko. Friday nun at wala akong pasok pag Saturday.

Tinext ko naman ang boyfriend ko at sabi ko tapos na ba class nya, magkikita kasi kami after ng class niya, iintayin ko lang sya sa SM San Lazaro papagupit din kasi ako. Nagreply sya at sabi niyang may shoot daw sila at di na kami makakapagsabay pauwi. Nainis ako pero sige go lang para sa school naman at naiintindihan ko marami talagang shoot shoot dyan sa college ""where the cool kids are"" sabe nga ng kanilang shirt.

Sweet ang bf ko sakin. Lagi kami sa bahay nila. Kilala ako ng parents nya. Yun nga lang di alam na kami na. Ang alam ay close lang talaga kami at tinutulungan ko lang sya sa mga plates nya. Mahilig din kasi akong magdrawing at magpicture picture. Kaya wala lang sa parents nya na nandun kami palagi sa kanila.

9pm na nun tapos na ko magdinner at wala pa din text si bf. Ayoko sya iflood kasi baka sabihin clingy. Pero di ako makatiis at tinawagan ko sya. Sinagot nya. ""Wait lang ha di pa kami tapos."" Di pa ko nakakapagsalita non after niya sabihin yun may narinig ako na parang maaligasgas at mga taong nagtatawanan. Parang nasa inuman. Ang loko hindi nya napindot siguro ang "end call" kaya ako naman nakikinig lang. Naririnig ko sya na nagsasalita "Tang*na pre panalong panalo ako kay *****. Mag isa lang daw siya mamaya eh." Alam kong siya yun di ako pwedeng magkamali na boses nya yun. Makikinig pa sana ako pero bigla ako tinawag ng mama ko. Kaya napilitan akong ibaba. Di ako mapakali kung sino yung pangalan na yun, at kapangalan pa ng ate ko. Naisip kong si ate yun dahil mag isa lang sya sa unit namin. Atsaka, ano ba, bakit ko naman pag iisipan si ate ng masama. Maarte nga ang ate ko pero siguro naman alam niya ang dapat at palagay ko di niya type ang bf ko pati alam naman niya ang relasyon namin.

Monday na. May pasok ako pero sabi ko kay ate di ako papasok. Kaya siya lang ang nauna sa unit. Di padin ako mapalagay na di kaya nga ang ate ko ang tinutukoy ng bf ko kaya ang ginawa ko habang naliligo si ate tinignan ko ang phone niya. Wala naman akong nakita na number ng bf ko. May mga lalaki syang katext. Pero di ko binasa. May nagtext bigla na number lang. Tinatanong kung asan na daw si ate. Lagot ako pag nakita niyang na read yung message. Kaya dinilete ko. Nagtext ulit. Pero di ko na binasa. Nasa lock screen nalang yung number. Ewan ko kung ano sumapi sa akin at kinuha ko yung number. Tinext ko pag alis ni ate. Matagal magreply. Kaya tinawagan ko.

Sumagot. Lalaki. Di ko kilala. Pero kinukutuban pa din ako. After breakfast nagpaalam ako kila mama na pupunta na sa unit at may assignment kako ako na nalimutan gawin. Nagmamadali ako. Nagpunta ko sa unit. Kinakabahan ako. Nakalock. Nakikinig kinig pa ako. Pero parang walang tao. Pagpasok ko wala ngang tao. Pero nandun gamit ni ate. Hindi pa sya pumapasok. Nakahanger ang uniform na suot nya. May panty na agad sa labahan kahit kakapalaundry lang namin. Pinagpapawisan na ko. Pero iniisip ko na ang sama kong kapatid at kung ano anong iniisip ko sa ate ko. Naisip kong bumili muna ng inumin sa baba kaya pinatay ko na ang ilaw, kumukuha ako ng pera ng biglang bumukas ang pinto, may lalaking nakahawak sa likod ni ate, bumababa pa nga sa may pwet nya, at nung gumilid sya paloob, pinisil nung lalaki yung dibdib nya. Napakunot nalang ako ng noo sa nakita ko dahil ang gara sa feeling pero di ko inaasahan na pagbukas nya ng ilaw at pag todo ng pinto bf ko pala ang gumagawa nun sakanya. Nakatanga lang sila ng makita nila ako. Napaupo ako sa kama at napaiyak nalang. Di ko akalain na ang ate ko pa ang gagawa nito sakin samantalang siya ang kinukwentuhan ko ng mga problema ko sa bf ko. Sinubukan nya kong amuin pero di ako nagpahawak sakanya. Ang bf ko ay umalis agad sa unit at iniwan kaming dalawa na umiiyak. Sinabi ko kay mama yung nangyari at nagalit sya kay ate. Pero napatawad nya din. Hanggang ngayon di ko kinakausap ang ate ko. Pag nasa bahay kami ay malalang tension lagi sa pagitan namin. Humiwalay din ako ng dorm at sumama sa tatlong kaibigan ko sa may España. Mag isa nalang si ate sa unit. Naintindihan naman ni mama ang pinang gagalingan ko pero hindi ko padin talaga sya kayang patawarin. Parang ayaw ko ng mag bf ulit at baka gawin nanaman niya sakin.

Para sa ate ko, sigurado ako na di nagbabasa yun dito dahil busy sya sa law school. Pero kung mabasa mo man ito, pasensya na pero sagad padin sa kaibuturan ng buto ko ang galit ko sayo.

At para sa ex ko, ayos ka din eh nu. Akala ko ok ka sa setup natin. Peke lang pala lahat ng sinabi mo. Sana di nalang ako nagtiwala. Sana di nalang kita minahal. Sana di nalang kita pinayagang makapasok sa BUHAY ko.

P.S. Same sex kami ni bf

keroppi 
2010 
Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon