Hi I'm Gabby, hindi ako student ng ust yung ex ko lang.
Nandito ako para ishare yung nangyari sakin na hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan.
Nagdownload ako ng isang app para makahanap o makameet ng ibat' ibang tao. May mga nahanap at nameet ko na rin, pero lagi na lang nangyayari sa tuwing nakikipagmeet ako eh nawawala agad sila kinabukasan, yung biglang hindi na lang magpaparamdam. Pero one time kakaswipe ko may namatch ako and sa tagal na namin naguusap naisip namin na magmeet na nung una inisip ko na pagkatapos ng meet na to eh sigurado mawawala rin to.
Oo nga pala itago na lang natin siya sa pangalang ""Love"" yan kasi yung tawagan namin. 1st yr college siya sa UST at ang course niya is accountancy. So nagmeet kami sa dapitan sa españa dahil tutal doon malapit yung condo niya. Nagdaan pa ilang pagkikita namin at dahil lalong patagal na ng patagal yung pagkakakilala namin sa isa't isa eh parang may nagbago. Dumating yung araw na napagtanto ko na naiinlove na pala ako sa kanya.. That time na alam ko na yung feelings ko para sa kanya ay kinausap ko na siya tinanong ko kung anong balak niya sakin at ang sabi niya seryosohin, nung una hindi ako naniwala dahil sino ba naman makakahap ng true love sa pamamagitan ng social app.
Madalas kaming magusap simula umaga hanggang gabe magkatxt kami at magkatawagan dumadating pa sa puntong natatawa na lang kami kasi wala ng kwenta yung pinaguusapan namin pero ayos lang ang mahalaga ay magkausap kami.
Dumating ang graduation ko at sakto ang event place ng graduation namin ay sa UST, tuwang tuwa ako dahil sa isip ko makakapunta siya so ayun nga sinabi ko sa kanya at ang sabi niya hahabol siya dahil may video shoot pa silang kailangan tapusin agad syempre kahit masakit dahil inuna niya yon eh kailangan kong tanggapin dahil syempre priority niya yun. Text ako ng txt sa kanya nung araw na ng graduation ko umaasa ako na makakahabol siya pero nung tinawagan ko siya nung break nila ang sabi niya hindi siya makakapunta. Sobra kong nalungkot dahil yung taong mahal mo hindi man lang masasaksihan yung pagtatapos mo pero ayos lang tinanggap ko dahil sabi niya magkita na lang kami sa isang araw kaya ayun nabuhayan ulit ako ng tuwa.
Pero hindi ko alam kung bat ganun nung sumunod na araw parang naging matumal kami parang may nagiba pero hindi ko na lang pinansin. Dumating yung araw na inaantay ko/namin, dinalaw ko ulit siya dumaan pa ako ng mall para bumuli ng cake para may kakainin kami habang nasa condo niya kami. So ayun sweet moments, cuddle cuddle almost 9 hours kaming magkasama sa condo niya at puro ganun lang yung ginagawa namin. Wala naman kasing bago tuwing nagkikita kasi kami sinusulit namin yung oras na magkasama kami wala kaming ibang ginagawa kundi ang maglandian hahaha. Nakahiga kami walang nagsasalita sa amin.. Parehong malalim yung iniisip. Ako iniisip ko kung paano kung matapos na yung ganto yung sa amin bigla siyang tumayo at nagayos ng sarile at syempre ganun na rin yung ginawa ko pero nagulat ako nung makita kong umiiyak siya.. Hindi ko alam gagawin ko kinakabahan ako and at the same time nagtataka rin ako tinanong ko kung bakit pero nung una hindi siya nagsasalita pero kalaunan inopen niya na rin.
Nagkwento siya tungkol sa buhay niya sa doha kasama yung pamilya niya na mahal na mahal niya daw, yung miss na miss niya daw yung family niya. Kinuwento niya rin yung pangarap nila ng mom niya sa kanya. Ako naman na takang taka na hindi ko pa rin alam kung ano patutunguhan ng kwento niya.
Ang sabi niya member daw siya ng (YFC), naging leader daw siya dun sa doha at nagsimula daw siya ng basagulero pero simula nung nagmember daw siya ay nagbago siya pero nung umuwi siya ulit dito sa pinas naging gago daw ulit siya. Pinapaliwanag niya at sobrang dami niyang sinasabi. Takang taka parin ako kung bat niya sinasabi yung mga yun sakin at iyak parin siya ng iyak. Nagulat ako ng tinanong niya ako na..""hindi ka ba nagsasawa sa ganto yung anytime pwede kang mapahamak dahil sa ginagawa mo"" nagtaka ako.. ""Gab lahat tayo pwedeng magbago pwedeng ako pwedeng ikaw.. Pwede tayong magbago ng sabay *umiiyak siya* Gab gusto ko magbago ka dahil ayokong balang araw magsisi ka, ayokong balang araw masira yung tiwala ng mga magulang natin at magsisi tayo sa mga nangyari na. Gab bata pa tayo marami pa tayong dapat pagtuunan ng panahon at oras. "" nagsimula na kong umiyak dahil unti unti ko ng naiintindihan yung mga pinupunto niya. Nagsalita siya ulit ""hindi ka ba nagiguilty na niloloko at nagsisinungaling tayo sa family natin? Dahil ako sobrang guilt na yung nararamdaman ko lalo na sa tuwing umiiyak yung nanay ko sa skype habang magkausap kami. Umiiyak siya dahil miss na miss na niya daw ako at gusto niya daw pagbalik niya sa doha eh dala na niya ang diploma niya at hindi bata." "Gab magbago tayo.. Magtulungan tayo.. Tulungan nating ibahin yung lifestyle na nakasanayan natin sa panahon na to."" Gets na gets ko na yung pinararating niya sakin. Ang sakit sobra dahil yung taong mahal mo bumibitaw na.. Niyakap niya ako ng mahigit at sinabing ""itigil na natin ito magfocus na muna tayo sa priority natin. Bigyan oras na muna natin ang pamilya at pagaaral natin. Ayokong sa huli eh magsisi tayo pareho sa mangyayari."
Hindi ko alam ang sasabihin ko at ang alam ko lang nakakaramdam ako ng sobrang sakit.. Ang sakit sakit lang na binatawan ka agad ng taong mahal mo, wala akong masabi ang alam ko lang gusto kong umiyak dahil sobrang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Wala akong magawa dahil yun yung desisyon niya at ang gusto ko lang ay maging masaya at successful siya balang araw kaya kahit masakit pinilit kong tanggapin.. Tanggapin ang katotohanang iiwan niya na ako. Tinanggap ko kahit masakit, kahit mahirap. May binigay siya sa aking kwintas na matagal na sa kanya ang sabi niya ingatan ko raw yun dahil yun yung magpapaalala sa akin sa kanya.
Sa huling pagkakataon bago ako umalis niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa huling pagkakataon.
Sobrang sakit na binitawan niya agad ako na hindi niya pinaglaban at kinaya yung sitwasyon pero hindi ko siya pwedeng sisihin kundi dapat kong tanggapin na para sa amin yung ginawa niyang desisyon, desisyon na mas ikabubuti naming dalawa.It's been 3 months pero ramdam ko parin yung sakit at ramdam ko pa rin na mahal ko parin siya.. Hanggang ngayon hindi ko siya magawang pakawalan siya sa puso ko. Sa bawat oras at araw ni hindi ko siya nagawang kalimutan. Ang hirap magpakawala ng nararamdaman, ang sakit sakit na pinipilit mong ihinto yung nararamdaman mong pagmamahal sa taong minahal mo ng totoo.
Alam ko na ang buhay ay hindi mala fairytale kaya hindi lahat ng dulo ay masaya. Nagpapasalamat ako sa app na to dahil don nakilala kita, nakilala kita at minahal kita, nagturo ng tama para sa buhay, nagbago sakin, nagpasaya sakin. Masakit pero kailangan. Kailangan ko siyang bitawan para sa mas ikakabuti ng buhay namin. Sa ngayon ipinagdadasal ko na lang siya na sana matupad niya lahat ng mga pangarap niya sa buhay."Sa buhay may dadating at mawawala sa piling mo pero lahat ng yun ay may dahilan kung bat ipinaranas sa iyo, bagay na hinding hindi mo pagsisisihan at hinding hindi mo makakalimutan."
Mahal parin kita hanggang ngayon love...Gabby
2015
National University
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Non-FictionThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles